Chapter 15: Soup

209 13 4
                                    

Drey's POV

"Grabe ang ganda mo talaga Marion. Hihihi. Diba swimmer ka?" Tanong ni ate kay Marion. Kaya napatingin naman sa dako ni Marion at nanlaki mata niya.

"P-paano niyo po nalaman?" Tanong niya.

"Kasi ganto yu-" hinawakan ko agad sa kamay si ate at nilakihan siya ng mata. "Ay wala pala. Hahaha. BTW. Pagluluto ko nalang kayo ng soup. Hihihi"

"Soup? Hala? Kailan kapa natuto magluto? Si Drey nga lang masarap magluto dito sa inyo eh"

"Gusto mo ng sapak? Ikaw nalang kaya magluto gusto mo?!" At nilakihan ni ate Marit ng mata  si Marlon na ngayon ay nagkakamot na ng kaniyang ulo.

"Sabi ko nga. Ikaw na" at tumayo na sa sala si Ate at hinila ako papuntang kitchen.

"Ahm. Baby Twin Brother *puppy eyes* ang cute mo talaga." Sambit niya sa akin. At alam ko naman na ang gusto niyang iparating.

"N-no...ikaw may gusto nan. So panindigan mo yan" sabat ko sa kaniya.

"Please pretty please? *puppy eyes* ngayon na nga lang ako magrerequest eh."

"Whaaa. Okay Fine. Alam na alam mo talaga ang kahinaan ko eh."

"Yehey. Magluluto ka na?"

"Oo. Tsk."

"Thanks." At aakmang paalis na siya. Kaya pinigilan ko naman siya.

"Oh opss. Tumulong ka."

"Hayst.. Bat ako?"

"Ah. Isa?"

"Eto na nga oh. Oo na tutulong na."

"Good"

***************

Marion's POV

"Marunong ba talaga magluto si Drey?" Tanong ni Ara kay Jake.

"Ay oo. Lalo na yung Special dish niya na soup. Masarap yun." Singit naman ni Marlon.

"Ikaw ba kausap?" -Mica

"Sorry na. Hihihi" sagot ni Marlon.

"Okay tama na. Tama na. Ako na lang ang magkwekwento. Actually noon hindi talaga marunong magluto si Drey. Pero lagi siyang pinipilit turuan ng nanay niya. Hanggang sa nagkasakit si Tita. Sinikap ni Drey na matutong magluto. Dati kasi soup lang ang pwedeng kainin nun ni tita. Kaya yun ang pinag-aralan ni Drey. Kaya kapag nagkakasakit ang pamilya niya. Nilulutuan niya ng soup." Pagpapaliwanag ni William.

"Ah. Ganun pala. So? Asan na mama ni Drey? -"

"Guys kain na tayo. Luto na." Sambit ni Ate Marit.

At pumunta na kami sa dining area. At nakita naman namin ang mukhang masarap na soup.

"Wow. Mukhang masarap ah."- Ara

"Siyempre luto yan ni Chef Drey " sambit nung tatlong lalaki kasama na si ate Marit. At nagkatinginan lahat sila sabay nagtawanan. Napakunot naman mga ulo naming tatlo.

***************
Drey's POV

"Grabe ang sarap talaga nito Drey!" Pagpupuri ni Jake.

"Tsk. Salamat" pagpapasalamat ko.

"Ui Cous. Bat Hindi mo pa tikman? Masarap naman ah" pagsasabi ni Ara kay Marion.

"Ahm. Baka masyado siyang nasasarapan." pang-aasar ko sa kaniya.

"Sarap bagang? Samang sama nga?" sagot niya.

"Sigurado ka? Eh hindi mo pa nga natitikman diyan eh" at nanlaki naman mata niya.

"Tikman mo na bestfriend hiya ka pa eh." singit naman ni Mica.

At kumain naman na si Marion.

"Ano masarap ba?" tanong naman ni Lizzy kay Marion.

Nanlaki mata niya. At parang nilalasahan niya pa to.

"May kalasa kasi siya eh." sambit ni Marion. At biglang tumingin sa akin. Nagtama ang mata namin at biglang bumilis tibok ng puso ko. Ang weird ha.

"Ano naman yun?" tanong ni Ara

"Kalasa niya yung soup na nakapatong sa table ko nung nagkasakit ako." at napatingin naman ang lahat sa akin.

"Drey? May gusto ka bang sabihin sa amin?" tanong ni William.



"Ha? Wala ah."


"Ah. Okay."


At kumain nalang kaming lahat. At napadako naman ako sa gawi ni Marion na kumakain. Kitang kita mo sa kaniya na sarap na sarap siya.


"Ehem. Masama pala ha."

"Tsk gutom lang ako." sagot niya.

"Ah. Okay gutom ka lang pala sige. Kawawa ka naman." at nakita ko na naasar siya.


Naalala ko tuloy bigla yung nangyari noon. Oo ako ang naghatid nung kay Marion sa kanila. Bakit ko nalaman bahay nila? Kasi dati napadaan ako nun. Nakita ko siya noon. Kaya nalaman ko bahay nila.



Nung time kasi non. Pauwi na ako non. Sabi kasi nung tatlo may date sila. Kaya pumunta na ako nun sa parking lot. At nakita ko naman si Marion na basang basa at nakafighting positition. Kaya nagtago ako nun. Bigla namang may narinig ako na nanakot sa kaniya. Kaya hinanap ko agad yun. At isang lalaki pala yun. Kaya pinanlakihan ko siya ng mata. At natakot siya kaya umalis na. Nakita ko naman na umupo na si Marion sa isang tabi. At parang nanghihina na siya kaya pinuntahan ko agad siya. Pero bigla nalang siya nahimatay. Kaya pununta na agad ako sa kanila.


Nakita ko naman agad yung yaya nila dun kaya nagpatulong na ako. Binihisan niya nun si Marion. At ako naman bumaba na para paglutuin siya ng soup. Inakyat ko naman na sila at tulog na daw nun si Marion. Kaya sabi ko sa yaya nila. Na bago magising si Marion. Kailangan initin na niya yung soup. Kaya pagkatapos nun. Umuwi na ako.



"Drey?!" sigaw nila na ikinagulat ko.

"Ako ang nagluto ng soup!" bigla kong sabi. At nanlaki ang mga mata nila. Naku patay ka alam na nila.


"Ha? Oo. Alam namin." sagot nila.

"Alam niyo na?"

"Oo ah. Sabi ni Ate Marit kanina. Ano kaba? Meron pa bang hindi namin alam?"-Lizzy



"Ah. Wala naman. Pero Bakit niyo ba ako tinatawag?" sambit ko.


"Kasi nagtext si Sir. Next week na daw ang laban. Kaya kailangan na natin magpractice." sambit ni Lizzy. Naku ka. Grabe naman oh ang bilis ng panahon.


"Okay bukas nalang ng hapon." sambit ko. At nginitian ko si Lizzy. Bigla namang napatingin ako kay Marion. Bigla namn siyang tumayo.


"Alis lang ako." singit naman ni Marion at naglakad na paalis.








*********
A/N:

Sorry guys natagalan. Nagbakasiyon pa kasu ang Author niyo eh. Atsaka nga pala gusto ko sana magupdate kahapon dahil Bday ko kaso nagthank you pa ako sa mga bumati. Kata ngayon nalang ako nagupdate hihihi. Btw. Meron na tayong new Character. Hihihi. Kaya shout out kay Scarlet Marit Collins. Mwuahh.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon