Chapter 13: Alis lang ako

217 10 0
                                    

Marion's POV

Pinapunta ako nung tatlo sa canteen at isama ko daw si Yohan. Kaya nga natataka ako. Bakit kaya?

Nagpunta na akong canteen. At nakita ko na yung pito na nakain. Nagpunta na agad ako sa kanila at nagulat ako dahil biglang sumulpot si Yohan.

"Oh Yohan" sambit ko. Hindi siya umimik at inakbayan nalang akk bigla. Hinayaan ko nalang wala namang malisya eh. At lumapit na kami sa table ng pito.

"Oh Yohan. At Marion. Wow ha. Magang maga ang sweet niyo na ah. Kayo na ba?" sambit ni Ara at kilig na kilig pa.

"Ahm. Soon." sagot ni Yohan. At nagulat naman ako.

"Ohmy. Soon? Wow nakakaexcite naman." -Lizzy.

"Well. Ganun na nga. Dun din naman punta namin eh." bigla ko namang siniko si Yohan dahil sa sinabi niya.

"Upo na kayo." sambit ni William.

Magkatabi kami ni Yohan. At parang naiilang pa ako.

"Ui Yohan baka matunaw yang si Marion sa kakatitig mo." pangaasar ni Jake kay Yohan

"Ay sorry. Hindi ko kasi mapigilan titigan ang maganda niyang mukha." sagot naman ni Yohan.

"Yieeeeeeeeeeeeeeeeeee" sambit nilang lahat. Mga nakadrugs ata tong mga to. Napatingin naman ako kay Drey at seryoso lang siya.

"Alis lang ako." sambit niya sabay tayo. At naglakad paalis ng canteen.

"Hala anyare dun?" tanong ko.

"Ay wala yun. Hayaan muna natin siya . hahaha." sambit naman ni Ara.

****************

"Guys san na tayo vacant na eh." singit ni Marlon.

"Shopping!" sigaw naming apat.

"Hala. Sige na nga payag na kaming sumama" singit ni Jake at hinawakan kamay ni Ara.

"Ay naku magang maga masyado kayong sweet eh." sambit ko naman sa kanila.

"Hay naku Marion. Pusong bato ka parin eh. Eh hiyang hiya naman kami sa inyo mas sweet pa nga kayo diyan ni Yohan eh." sambit naman ni Lizzy. Ngiting ngiti pa ang bruha.

"Ala-" hindi na natuloy sasabihin ko.

"Alam niyo. Tama kayo. Ganun ko kamahal si Marion eh. Handa ako maghintay para sa kaniya. Hand akong ibuwis buhay ko para sa taong mahal ko." sambit naman ni Yohan habang nakatingin sa akin. Pero biglang bumilis tibok ko. Naalala ko bigla yung sa bookstore bat parang iba boses niya. Actually ngayon ko lang napansin ha.

"Ahm. Btw. Yohan. Bat parang iba na ata boses mo? Kumpara nung nasa bookstore tayo?" tanong ko sa kaniya. At nagulat naman siya.

"A-ah. Eh..." sambit niya.

"Ano?" tanong ko.

"Baka naman nagkamali ka lang ng parinig. O kaya may nangyari sa kaniya. Dahil sa pagbibinata niya" singit ni Mica.

"Ah. Oo ganun na nga yun Marion. Hehehe" sambit naman ni Yohan. Para talagang may mali eh.

"Ui Drey! Sigaw ni William" sabay kaway niya kay Drey.

Lumapit naman si Drey sa amin. At bigla namang umakbay si Yohan sa akin. Ano bang nangyayari dito?

Bigla namang tumigil sa harap namin si Drey. At napatingin siya sa kamay ni Yohan. At sa akin. Bigla naman niya ulit iniwas yung tingin niya sa akin. Weird ha.

"Oh. Drey san ka ba nanggaling?" tanong naman ni Ara.

"Diyan lang tara na." sagot naman niya at naglakad paalis. Kaya sumunod naman kami sa kaniya.

****************

"Sarap talaga ng ice cream dito." sambit ni Lizzy na sarap na sarap.

"Hahaha. Kaya nga hon eh " sambit naman ni William.

"Gusto mo subuan kita Marion?" alok sa akin ni Yohan.

"Ay wag na." sagot ko.

"Nahiya ka pa eh. Hahah" pangaasar ni Marlon. Binatukan naman siya ni Mica. "Aray ko naman baby. Sorry na. Labyou" paminsan talaga sadista yang si Mica na yan eh. Hahahaha.

"Dali na. Bestfriend pumayag ka na. Susubuan ka lang naman wala namang malisya dun eh." sambit naman ni Mica.

"Please. Baby Girl?" pagmamakaawa ni Yohan. Hay nagpuppy eyes pa talaga siya mukha naman siyang buldog hahaha.

"Sige na nga. Hahaha" sambit ko at tuwang tuwa naman si Yohan para siyang bata. Hahaha.

Sinubo ko na yung ice cream.

"Masarap ba?" tanong niya at tinanguan ko naman siya.

"Ayieee. Ang sweet niyo talaga." singit ni Ara.

"Yieeeeee.." sambit nilang anim. Bigla namang tumayo si Drey.

"Ui. Dre. San punta mo?" tanong ni Jake.

"Alis lang ako." sagot niya at umalis.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon