Chapter 21: Games

203 9 2
                                    

Marion's POV

"Okay. Asan na ang birthday boy natin?" tanong ni Ate Marit habang naimik sa Mic. Hahaha. Ang cute niya talaga.

Nilibot ko ang paningin ko at wala nga si Drey asan na kaya yun? Dinako ko ang tingin ko sa may pintuan at ayun nandun siya at nakagingin sa akin. Wait whut? Nakatingin ba siya sa akin?  Oo nga nakatingin siya sa akin. Pero hindi ko alam biglang bumilis tibok ng puso ko Huhuhu.


"Oh. Ayan na pala ang Birthday boy." sigaw ni William. At pumunta na sa gitna si Drey at nagblow ng candle.

"Okay! Game ulit tayo." sigaw ni Ate Marit. Ang hyper talaga niya eh.

*beep*

Tinignan ko yung cellphone ko pero wala naman nagtext. Tinignan ko si Alec. At kinuha niya ang cellphone niya.

"Ahm. Marion sorry ha. Nagtext si Manager eh. Kailangan na niya daw ako. Para sa Contest. Malapit na kasi yun eh. Sorry ha. Babawi ako sayo promise."

"Anu kaba? Ayos lang ako dito. Sige punta ka na dun. Kailangan ka na nila eh"

"Sige Thank you ha"

Nagpaalam na si Alec kina Ate Marit at pinayagan naman siya.

Matapo umalis ni Alec umimik ulit si Ate Marit. At pumunta sa mini Stage.

"Okay Guys. Magsisimula na tayo ha. Okay. Ang game natin ngayon ay by partner. May isang apple na nakasabit at kakainin yun ng sabay ng magpartner. Babae at lalaki dapat ha. Kailangan hindi niyo hahawakan. At ang mga kamay niyo ay  Dapat nasa likod. Clear?" sambit ni Ate Marit. At tumango naman ang lahat.

Lahat may partner na at mukhang ako nalang ang wala. Huhuhu. Kawawa naman ako.

"Oh. So. Lahat na ay may partner. At si Birthday boy nalang ang walang partner. Sino ba ang wala din diyang partner?" pagtatanong ni Ate Marit. Napalunok naman ako kaya yumuko nalang ako at nagtago.

"Si Marion po. Wala pong Partner." turo sa akin ng isa naming kaklase na si Clarissa. Sarap pektusan eh.

"Oh. Marion. Tara na. Ikaw na ang kapartner ni Drey."

Kaya tumayo na ako at pumunta na sa gitna kung saan nandun si Drey.

"Swerte mo ako ang kapartner mo" sambit niya. Kaya nginitian ko nalang siya ng nakakaasar.

"Okay. Partners punta na kayo sa mga posisyon niyo ha. Kayo na ang bahala sa gagawin niyong strategy." sabi ni Ate Marit. Harhar. Anong gagawin ko? Kinakabaduhan tuloy ako. Mamaya magdikit mga mukha namin. Nako. Ayoko yun mangyari.

"Okay. Ready Get set. Go!"

At nagsimula na kaming kainin yung apple. Sa simula hindi pa namin nakakagat ni Drey yung apple. Pero habang tumatagal napapabilis na ang pagkain namin. May strategy na kami. Bawal kasi isa lang sa amin ang tagakain dapat parehas kaya nagsalitan nalang kami ni Drey. Nakadikit sa pisngi ko yung apple habang kinakain naman yun ni Drey. Kaya ganun din ang ginagawa ko.


Nang matapos na ang game. Tinignan kung sino ang pinakaubos na apple. At kami naman iyon ni Drey. Kaya sobrang tuwa namin. Hindi ko namalayan na napayakap na pala ako kay Drey. Huhuhu. Nang mapansin namin na magkayakap kami inalis ko agad ang pagkakayakap. Huhuu. Nakakahiya. Sand lamunin mo na ako.

"Okay. Next game ay sa tubig." sambit ni Ate Marit at napahiyaw naman kami ni Drey. Mukhang kami nga lang dalawa ang natuwa dahil yung iba mukhang natatakot na. Paano parehas kaming swimmer eh.

Mukhang masaya naman pala tong kasama eh.


***********************
Drey's POV

Hindi ko alam. Pero parang ang gaan ng pakiramdam ko. Ganto pala ang feeling kapag naging close kayo ng kaaway mo. Grabe ha. Pero parang ang saya saya ko ngayong araw na to. Mukhang ito na ata ang the best birthday na naranasan ko.

Matapos ang ilang games na lagi kaming panalo ni Marion. Ay nagbukas na ako ng mga gift nila. Halos lahat magaganda at mga gusto ko. Siyempre mamahalin dapat. Para bagay sa kagwapuhan ko.


Nang mabuksan ko na lahat. May usa akong gift na nakita. At ito nalang ang hindi pa kaya binuksan ko ito. Ng makita ko na kay Marion pala ito. Napangiti agad ako. Pero hindi ko alam kung bakit.

To: Halimaw
From: Maganda na Marion.

Happy Birthday My Mortal Enemy/Mr.Enemy.

Pagkabukas ko nagulat ako. Dahil ito lang ang kakaiba na natanggap ko na regalo buong buhay ko. Sa lahat na tao na ini-expect ko na magregalo nito. Si Marion pa. Actually gusto ko talaga ng Apron. Kaso baka pagtawanan lang nila ako. Kaya hindi ako nabili ng ganto.


Tinignan ko nakatahi sa apron at may nakalagay dun na dalandan. At nakasulat na gawa sa tahi na Dan Dan. Na may Halimaw pa. Hindi ko alam pero napapangiti nalang ako ngayon.

Matapos namin magkainan. Ay nagsitulog na ang iba. Oo overnight kami dito.

Kaya nagsipagakyatan ang mga iba. Bigla naman sumagi sa isip ko si Jasmine. Teka. Asan na nga pala yun.

Pinuntahan ko siya at andun parin siya. Pero nakahiga na. Nilapitan ko siya pero tulog na siya at mukhang naginom siya.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon