Chapter 35: His Back

182 9 2
                                    

Marion's POV

"Ui Tara na!"

"Bakit?"

"May laro ngayon ng basketball ang Team ninda Drey. At balita ko, may Q and A portion pa sila."

"Eh? Sige tara na." at naglakad na paalis yung dalawa. Patungo ata sila sa Hall kung saan gaganapin yung laro ninda Drey. Tsk.

Grabe ha? Ganyan ba sila ka Fan ng King ko? Dinaig pa ako sa pagkakaexcite eh.

Binuksan ko na ang locker ko at kinuha ang jersey na binigay sa akin ni Drey.

"So DQ, Susuotin mo na ba yang jersey na binigay ng Prince Charming mo?" sambit ni Ara sa likuran ko.

"Wait. DQ? Ano ako Ice cream? Dairy Queen?" sarcastic kong sabi.

"Hahaha. Your so Funny Cous. I mean DQ is stands for Drey's Queen."

"Oh. Wow. So Great. So yan talaga ang tawag niyo sa akin? Hindi na Marion? Ang sama kaya ng DQ."

"Tsk. Don't change the topic cous. So ano? Susuotin mo ba, o hindi?"

"Ahm. Lem'me think about it"

"Okay. Pero kung ako yan? Hindi na ako magdadalawang isip. Go na agad. Hahaha. So ano? Punta na ako ha? Andun na sinda Lizzy eh. Pero, ito lang bilin ko sayo Cous. Laro ito ng BOYFRIEND mo. Kaya maging Supportive Girlfriend ka naman. Minsan lang to no? Kaya ibigay todo mo na." sambit niya sabay Kindat at naglakad na papalayo. Bat ba lahat sila nakindat sa akin? May mga sakit ba sila sa mata?

Hay wala na ata akong magagawa. Tama naman si Ara eh. Kailangan kong maging supportive Girlfriend. Mukhang kailangan ko talagang gawin ito.

***
Drey's POV

"Okay. Alcantara, ikaw ang taga harang. Ikaw naman Jeremy, taga agaw ng bola. At si Jake naman ang taga pasa. Ikaw Marlon at William sumama na kayo kay Alcantara ha?" sambit ko.

"Sige Captain Drey." sambit nilang lahat.

"Okay so ano? Tanda niyo na pisition niyo?"

"Yes."

"Okay. Ibigay todo na natin to ha? So Fight Fight Fight.!"

"Fight!" sigaw naming lahat.

Nagsiupo muna kami. Dahil konting minuto pa bago magsimula ang laban.

"Drey!" tawag sa akin ni Marlon.

"Oh bakit?"

"May sasabihin ako sayo."

"Oh ano yun?"

"May nasagap akong balita. "

"Oh ano naman yun? Bilisan mo na? Dahil hinahanap ko pa si Marion."

"May bago daw Captain yung kalaban nating Grupo."

"Oh ano naman?"

"Galing siya sa isang magaling na Team ng basketball player. At isa pa, isa siyang MVP ng team nila. Mukhang mahihirapan tayo sa laban."

"Ha? Ano?! Ano ang pangalan nung Captain nila?"

"Jack daw? Tama Jack nga."

"Jack? Teka parang narinig ko na yun ah."

"Ha?"

"Wala wala. Sige Tara na. At magsisimula na ang laro."

***
Marion's POV

Naglalakad na ako papunta sa Court kung saan magaganap ang laro ninda Drey ng bigla akong may nabunggo na isang lalaki.

"Sorr-..Jack?!" gulat na gulat kong sabi.

"Oh. Hi Marion. Long Time no see."

"B-bat ka nandito?" nabubulol kong sabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero kusa nalang umiimik ang bibig ko.

"Ano ba sa tingin mo? Malamang maglalaro." sabay turo niya sa damit niya. Ngayon ko lang napansin na naka Jersey pala siya.

"A-ah. Ganun ba?" at naglakad na ako papalayo sa kaniya. Ayoko na kayang pahabain pa ang usapan no. Atsaka may Boyfriend na ako. Ang sama naman tignan na may kausap akong lalaki na past ko pa ha. Kaya mas mabuti talaga na umiwas muna ako. Para sa kapakanan ng relasyon namin ni Drey. Nakalayo na ako nang bigla naman niyang hawakan ang braso. Hala? Nahabol pa niya ako? Oo nga pala. Basketball player yan diba? MVP pa nga? Hay nako.

"So. Collins. Tsk. Drey Collins Right? So Totoo nga. Boyfriend mo yung hinayupak na yun?" hinila ko naman yung braso ko sa kaniya.

"Oh. So ano naman pakielam mo kung Boyfriend ko siya?" naiinis na talaga ako. Matapos niya akong iwan. Gaganyanin niya na lang ako. Na parang walang nangyare?

"Wala naman. Pero, alam mo? Makukuha rin kita sa kaniya. Maghintay ka lang" at naglakad na siya. Iniinis niya ba talaga ako?

Hinila ko naman agad yung braso niya at hinarap sa akin sabay sampal.

"Alam mo? Kung paglakaruan mo lang ako? Pwede itigil mo na? Hindi na ako yung Marion na nakilala mo noon. Hindi na ako yung Marion na pinagpalit mo noon sa iba. Hindi na ako yung Marion na magaasta na Girlfriend mo. Hindi na ako yung Marion na mahal na mahal ka. At hindi na ako yung Marion na magpapakatanga sayo. Dahil nagbago na ako. Ako? Ako na si Marion na wala ng Pakielam sayo. At Marion na mahal na mahal yung Boyfriend niya ngayon. Kaya kung pwede? Lubayan mo na ako. Para hindi ko masyado mapamukha sayo. Kung sino ang sinayang mo." at naglakad na ako papalayo.

"Babawiin kita sa kaniya. At sa pagbawi ko sayo? Wala ka ng kawala pa." sambit niya habang papalayo na ako. Pero nagdirediretso parin ako sa paglalakad.

Sorry Jack. Pero kahit anong gawin mo at kahit anong mangyare, hinding hindi ko susukuan si Drey. At sana ganun din siya.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon