Chapter 16: Bonding

209 10 1
                                    

Marion's POV

"Tara na Girls baka malate pa ako sa practice" sambit ni Lizzy

"Oo andiyan na bestfriend" sigaw ni Mica.

"Wait lang" sabi ni Ara.

"Mauna na kayo" sambit ko.

"Huh? Bakit naman? Masama ba pakiramdam mo?" sambit ni Lizzy.

"Ah. May aayusin lang muna ako at dadaanan." sagot ko.

"Ah sige. Tara na girls. Mamaya pa daw si Marion."

"Ah. Ganun ba? Sige bye Marion. Ikaw na bahala dito ha?"

"Ok."

**********************
Marion's POV

Actually ayoko talaga muna pumasok. Dahil nga dun sa Practice na mangyayari. Actually singing talaga ang hobbit ko eh. Pero mukha talagang wala na akong pag-asa para makasali sa contest na yun. Dahil napili na si Lizzy.

Naglinis linis muna ako ng bahay pagkatapos naupo naman ako. Bigla namang sumagi sa isip ko na magmall. Kaya pagkapahinga ko naligo na agad ako at pumunta na ng mall.

Pagkababa ko ng kotse ko ramdam ko ang hangin na malamig. Kaya pumasok na ako para bumili ng ice cream. Yun lang kasi nakakapagpagaan ng pakiramdam ko.

Dumiretso agad ako sa DQ para bumili ng ice cream. Nagtungo na ako sa isang cashier. Kasi dalawa sila kaya dun ako sa may kaliwa.

" 1 large cookies and cream" sabay naming sagot nung lalaki na nasa kanan ko. Kaya natuwa naman ako dahil favorite din pala niya yun. Kaya tinignan ko naman yung lalaki at putek.

"Halimaw!" sigaw ko.

"Tsk. Masyado ka atang napopogian sa akin kaya ka napapasigaw." sambit niya.

"Ang kapal naman ng mukha mo. Hoy! FYI. Walang magnanasa sa pangit mong mukha. Like duh!"

"Hoy! Hindi Hoy ang pangalan ko no. Drey! Drey ang pangalan ko."

"Aba! Hindi din hoy ang pangalan ko no. It's Marion."

"Ang bantot ng pangalan mo!"

"Aba. Mas bantot yung iyo! Yung iyo nga ay Dan-ncksjanam" bigla niyang tinakluban yung bibig ko sa panghuling word na sasabihin ko.

"Oh. Sir, Maam. Ito na po yung ice Cream niyo. Masyado naman po ata kayong sweet. Alam niyo po? Bagay kayo" sambit nung cashier na nasa kanan. At inalis naman ni Drey yung pagkakahawak niya sa bibig ko.

"No!" sambit namin pareho.

"Tsk bye." at naglakad na ako palayo. Sa paglalakad ko hindi ko na namalayan na may nabangga pala ako. Lumingon ako sa kaniya para magsorry pero nasa likod ko na pala siya.

"Oh. Whut a B*tch!" sambit sa akin nung babae. Aba grabe siya nabangga lang sinabihan na ako ng bitch. Eh kung ingudngud ko kaya mukha niya sa ice cream na dala dala ko.

Bigla namng may nag akbay sa balikat ko. At nagulat naman ako.

"Is there a problem? Oh what a f*ucking b*tch girl." sambit nung nakaakbay sa akin na babae dun sa babae na nakabangga ko.

"Oh! How dare you!" at aakmang sasampalin nung babaeng nakabangga ko yung babae na nakaakbay sa akin. At napigilan niya agad yun. At inalis na niya ang pagkakaakbay niya sa akin. At dun kulang nalaman na si Ate Marit pala yun. Yung ate ni Drey. Pero wait bakit niya ako pingatatanggol?

"Arghhhhhhhhh" sigaw nung babae at napabalik naman agad ako sa realidad. At yung hawak kong ice cream nasa ulo na ng babae. At ang dami na ng tao na nakapalibot sa amin.

"Buti nga yan sayo. Bagay yang malamig na ice cream sa mainit mong ulo. Tsk." sambit ni ate Marit dun sa babae. At umalis naman yung babae na nagsisigaw. Grabe hindi nahihiya. Ganda pa naman sana kaso sama naman ng ugali.

"Ahm. Marion sorry sa ice cream mo ha? Bibili nalang kita ng bago."

"Ay naku. Ate Marit. Wag na po ayos na po iyon."

"Ay. Basta pagumayaw ka sasapakin kita." napalunok naman ako sa sinabi niya. Grabe sadista pala siya pero hindi halata kasi ang ganda niya. "Hahaha. Wag kang matakot. Ganyan lang talaga ako masanay kana."

At nagtawanan naman kami. Dumiretso na kami sa DQ. At nandun parin pala si Drey sa DQ nakaupo at nakain.

"Oh Drey!" sambit ni Ate Marit.

"Bakit?"

"Diba may practice ka pa? Punta na sa school."

"Pero ate." pagmamaktol ni Drey. Mukha siyang bata. Hahaha.

Napatawa naman ako ng mahina. Bigla naman napatingin sa akin si Drey. Bigla namang bumilis tibok ng puso ko kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Sige na nga. Bye." sambit ni Drey at naglakad na paalis.

At umupo naman kami.

"Pagpasensyahan mo na yang kapatid ko ganyan lang talaga yan." sambit ni ate Marit.

"Ah. Kaya nga po eh. Hihihi."

"Ano order na tayo ng Ice cream?" tanong sa akin ni Ate Marit.

"Ah. Sige po." at ngumiti naman ako.

"Sige. Diyan ka lang ha."

At naglakad na papuntang cashier si ate Marit.

"Psttttt........." napatingin naman ako kung sino yun. "Pssstt." nilibot ko ang tingin ko at may nakita akong isang lalaki na kaway ng kaway sa akin. Napapaano kaya ito. Di ko naman kilala.

Bigla namang lumapit siya sa akin.

"Marge!" bigla namang tumaas balahibo ko. Isang tao lang naman ang tumatawag nito sa akin. At yun yung kababata ko na lalaki.

Tinignan ko na yung lalaki. At nasa tabi ko na pala.

"Alec?!"  sambit ko. At napangiti naman siya. "Ohmy. Alec. Grabe ang laki ng pinagbago mo ah. Hihihi. Pumogi ka ata."

"Ha? Hindi naman. Ikaw nga tong gumaganda"

Binato ko naman siya ng tissue.

"Bolero mo ano? Eh hindi nga ako nag-aayos oh. Maganda bagang."

"Oo. Kahit hindi ka na mag-ayos. Maganda ka parin sa paningin ko." bigla namang namula pisngi ko. Bigla naman siyang kumuha ng upuan. At tinabi sa katabing upuan ko.

"Namumula ka ata." sambit niya na ikinalaki ng mata ko. Ganun ba kahalata ang pagkapula ng pisngi ko?

"Ehem." napatingin naman kami sa nagsalita at si Ate Marit pala iyon.

"Ay. Sorry po nakakaistorbo po ba ako?" sabi naman ni Alec.

"Ah. Hindi ah. Sige maupo ka lang." sagot naman ni ate marit.

"Ah. Sige po. Thank you po." sambit ni Alec na nakangiti.

Nagkwentuhan lang kaming tatlo. At nakwento ko kay ate Marit lahat na nangyari sa amin ni Alec. At ganun din si Alec.

Hanggang sa nagkaakitan na umuwi. Hinatid naman ako ni Alec sa bahay at umalis na rin siya.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon