Chapter 12: Music Room

241 10 2
                                    

Hinila ko siya from nowhere pero bigla namang sumagi sa isip ko yung Music Room. Kaya hinila ko siya dun.

"San ba tayo?" tanong niya sa akin na nakakunot ang noo.

"Sa Moon malapit sa Earth. Bili na. Sumama ka na. Tutal ginusto mo yan eh."

"Hoy! Babaeng Unggoy. FYI. Binilin ka lang ng tatlo sa akin. Wag kang Feelingera." sambit niya habang naglalakad kami sa hallway.

"Okay sabi mo eh." tapos nginitian ko siya na nakakaasar.

"Asar!" sigaw ko sa kaniya. Napangisi naman siya. "Pogi ka na sana kaso masungit ka nga lang."

"Buti alam mong pogi ako."

"Naniwala ka naman? Hahaha. Uto uto ka pala eh. Hahahaha"

"Di ako nakikipagusap sa unggoy sorry!"

"Tsk. Halimaw!"

"Bakulaw!" sigaw niya.

Napatigil na kami sa paglalakad at pumasok na ako. At si Drey naman sumunod. Susunod rin naman pala eh. Nagpabebe pa.

"Anong gagawin natin dito?" tanong niya. Bat ba ang dami niyang tanong.

"Ano sa tingin mong ginagawa kapag nandito? Malamang kumakanta. Alangan kumakain.!" pangmimilosopo ko. Hahaha. Bigla naman siyang tumahimik.

Nakita ko yung stage kaya umakyat agad ako. Pinilit kong makakanta kahit na namamalat at namaos boses ko.

Nakaupo lang si Drey sa isang tabi. At nakatingin lang siya sa isang gilid. Grabe. Supporter ko to eh. Galing!

Nang matapos na akong kumanta tumabi na ako sa kaniya.

"Sama ng boses." panimula niya. Nang-aasar ba siya o nang-aasar?

"Thank you  ha. Ganda ng papuri mo sa akin."

"Youre welcome" sambit niya na nakangisi. Aba putek nangaasar pa ang popo.

"Tsk galing eh." bigla naman siya tumawa. May saltik na at to eh.

"Oh bat ka natawa? Anung nakakatawa sa sinabi ko?"

"Wala. Mas magaling pa kasi yung Mistery Girl ko sayo. Sobrang ganda ng boses niya. Feeling ko nga nahulog na ako."

"Wews. Malay mo naman chuke ang itsura"

"Anong chuke?"

"Panget!"

"Kahit ano pa siya gusto ko pa rin siya."

"Ah. Hahahaha. Malay mo si Sir Benjie na pala yun? Bakla siya pero boses babae kapag kumakanta"

"Ano ka ba? Hindi no. Pakiramdam ko babae siya. Gusto ko na nga siya makita."

"Hahaha. Baka nga si Sir Benjie yun. Ayieee. Destiny sila."

"Ewan ko sayo."

Bigla naman akong natawa gawa sa naging itsura ni Drey. Sobrang namumula siya. Hahaha.

"Hahahaha " tawa ko.

"Bakit ka natawa?"

"Wala naman hahaaha"

"Hahahahahahaha." nagulat ako kasi tumawa siya.

"Halu?" hinawakan ko siya sa ulo at kumunot naman ulo niya. "Oh masamang espiritu lubayan mo ang katawan ni Drey. Totoo ba tong nakikita ko na natawa si Drey. Lubayan mo. Lubayan mo siya. Lubayaaaaannn mo!"

"Hahahaahahaha." tawa naming parehas.

"Ehem!" napatingin naman kami sa nagsalitan at si Yohan lang pala. Teka wait Yohan?

"Yohan.!" sigaw ko sabay lapit sa kaniya.

"Flowers for you"

"Oh thank you sweet mo naman. Kaso di parin yan tabla sa pusong bato ko hahahah."

"Ayos lang. Basta kahit ano gagawin ko para mapalambot yang pusong bato mo."

Hindi ko alam feeling ko namula ata ako. Hahaha.

"Alis lang ako!" malagong na imik ni Drey. At naglakad na siya sa may gawi namin.

Tumigil siya sa harap namin. Napatingin naman ako sa kaniya. At nakatingin rin pala siya. Nang magtama yung mata namin agad naman niya iniwas yun at naglakad na palabas ng pinto.

"Anu Tara na? Upo muna tayo may dala akong pagkain." sambit sa akin ni Yohan habang nakangiti.

"Ahm sige. Gutom na rin ako eh." sambit ko at nginitian ko siya ng pekeng ngiti. Hindi ko alam bat ganto nararamdaman ko.

*******************
Ara's POV

"Girls. Ayos na ba ang plano natin sa dalawa? Ano sa tingin niyo nagkasundo na kaya yun?" sambit ko sa kanila. Oo andito kaming anim. At pinagplanuhan namin yung pag-iwan sa dalawa.

"Pag hindi pa rin sila magkaayos edi gagawa ulit tayo ng paraan."-Lizzy

'Tama ka."-Mica.

"Pano naman?"-jake

"Kaya nga?"- Marlon.

"I have an idea!" William.

At binulong niya sa aming lima.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon