Chapter 34: King And Queen

184 10 2
                                    

Marion's POV

"Hala? Anung Queen King diyan? Dati nga kung makapag bangayan kayo daig niyo pa ang Lion at Tigre. Pero ngayon. Dinaig pa ang Kathniel at Jadine." pangloloko ni Mica sa amin ni Drey. Luh loka loka talaga to.

"Grabe ka naman Mica. Malamang, People change you know." sambit ni Ara.

"Tama kaya nga magcecelebrate tayo ngayon." sambit ni Drey.

"Naks. Di ka na mahangin ngayon bro ah." pang-aasar ni Marlon kay Drey.

"Hahaha. Sus. Siyempre di na kailangan, pogi ako eh"

"Luh. Nagsalita ang pogi." sambit ko.

"Tsk. Kaya mo nga ako sinagot diba? Dahil sa kapogian ko."

"Luh noh nakain mo?"

"Pagkain."

"Pinipilosopo mo ba ako? Sapak you want?" At inihanda ko ang kamao ko. At mukhang natakot naman siya.

"Joke lang My Queen. Ikaw naman niloloko ka lang. Masyado ka naman." Sambit niya habang nakayakap sa akin.

"Asus. Under ka naman pala Drey. Pero hindi namin alam na magiging ganyan ka pa. Dati naman napakasama ng ugali mo ah." Singit ni Jake.

"Anong masama? Ganun lang talaga kapag pogi ang isang tao." at binatukan ko naman siya.

"Tigile na ang pangjo-joke mo. Kairita na." sambit ko habang tumatawa.

"Hay. Nag-aaway na agad kayo sis? Kakamag-on niyo palang hiwalayan na?" singit ni Lizzy.

"Ano ba kayo? Malamang hindi. Hay. Sige na Tara na. Let's Celebrate. Okay Cheers!" sigaw ko.

"Cheersssss!" sigaw naming lahat.
At naginuman na kaming lahat.

Ella's POV

"Ate! Aray ko ha. Ang kati, kati na dito. Di ba tayo aalis?" pagiinarte ni Jasmine. Habang nagkakamot sa kanyang katawan.

"Wag ka mga maingay. Baka marinig tayo ninda Drey"

"Mamaya pa sila matatapos oh. Kaya kung pwede? Alis na tayo. Atsaka isa pa. Mali timing ng mga bata mo."

"Oo na. Naunahan na tayo ni Drey sa pagdampot kay Marion. Pero mag-iisip parin ako ng paraan para mawala na sa landas ko yang si Marion na yan."

"Talagang kailangan. Dahil unang una, inagaw niya sayo si Drey. Kaya dapat na siya mawala sa mundong ito."

"Ako ng bahala, My Dear sister. Hayaan muna natin sila magsaya. Para sa huli ang sakit"

***
Marion's POV

Minulat ko ang mata ko. At nagulat ako dahil maliwanag na. Nasaan kaya sila?

Bumaba ako para makita ko sila. Pero wala namang katao tao. "Hay naku. My King, isa nanaman ba to sa mga pakulo mo sa akin?"

Nagtungo ako sa tabing dagat at wala parin akong makita ng mga bakas nila. Bigla naman bumilis tibok ng puso ko. Kaya pumunta agad ako sa taas para hanapin ang mga kasamahan ko.

Hawak ko na ang doorknob ng may biglang yumakap sa likod ko. "Goodmorning My Queen B."

At naamoy ko naman ang mabango niyang hininga sa likuran ko. Amoy kape. "Ikaw talaga tinakot mo ako." at hinampas ko siya sa braso na nakapulupot sa tiyan ko.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon