Chapter 26: Isang Panaginip

209 8 2
                                    

Marion's POV

May gusto ba talaga sa akin si Drey? Hay. Pero grabe hinarana niya ba ako. Hindi tuloy mawala sa isip ko yung nangyare.

"Oi! COUS" sigaw sa akin ni Ara?

"Bestfriend"

"Sis"

Wait. Ang ingay ha grabe. Minulat ko ang mata ko. Pero wait. Ha? Nakatulog ako?

"Ligaw? Gusto kita?"sambit ko.

"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?" tanong sa akin ni Mica.

"Y-yung. Kagabi na nanligaw si Drey." sambit ko at nagtawanan naman sila. Hala. Wag mong sabihin na.

"Cous nananaginip ka." sambit ni Ara. At natural naman akong napanganga.

"H-ha?" pasigaw kong tanong. Nananaginip ba ako?

"Actually. Oo." singit ni Lizzy.

"Eh. Dun sa Sabi ni Drey na oo sa celebration?" tanong ko.

"Ay naku Cous. Ganto kasi nangyari. Nung nagtanong si Marlon kay Drey kung gusto ka ba niya. Sa sobrang pagkabigla mo nilaklak mo yung alak
Tas ang sabi mo kay Drey Oo ang sabihin ni Drey." pagpapaalala sa akin ni Ara. At natural talaga akong napanganga. Wow as in wow. Nagawa ko yun?

"S-sigurado ka ba?" tanong ko.

"Oo. Naku naku ka." sambit ni Mica.

Mhyghad. Lupa kainin mo na ako. Huhuhu. Ano ba ang nangyari sa akin. Wala na ata akong mukhang maihaharap.

"Tapos ano pa?" tanong ko.

"Pagkatapos nun. Nagsasayaw ka lang naman hanggang sa nakatulog ka. Kaya ngayon ka lang nagising dahil diyan sa pagiging lasing mo. At siguro sa pagkapagod mo sa pagsasayaw. Bigla ka nalang naglupagi at humiga sa lap ni Ara eh."sambit ni Lizzy.

Tinignan ko ang Cellphone ko at hapon na pala. At kagabi lang pala nangyari yung Party. Huhuhu. Mukhang wala na talaga akong Mukhang maihaharap.

"Hay. Naku. Ayos lang yan." sambit ni Mica habang natatawa.

Agad akong humiga at nagtaklob na ng mukha. "Tara na Marion. Ikain mo nalang yan ng Ice cream." sambit ni Ara.

Inalis ko yung unan. At nakangiti naman sa akin yung tatlo. Parang nawala lahat ng pagkahiya sa katawan ko.

"Ano Tara na" sambit ni Mica at nangunguna na. Hay pagice cream talaga ang usapan. Siya laging reyna sa pangunguna.

At bumaba na kami.

**************
Drey's POV

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. At malapit na magdilim kaya nagpatugtog naman ako.

Bigla ko tuloy naalala si Marion. Yung nangyari kahapon. Kaya bigla nalang akong natawa ng konti.


Flashback:

"Gusto mo ba si Marion?" tanong sa akin ni Marlon.

Napatingin naman ako kay Marion. At sa pagkabigla niya. Nagulat kami dahil nilagok niya yung alak na nasa gitna.

"Uulitin ko. Gusto mo ba si Marion." paguulit ni Marlon.



"OO" sambit ni Marion. At napatingin naman lahat kami sa kaniya.

"Oo ang sabihin mo. Hahahaha" sambit ni Marion habang natawa. At bigla naman siyang tumayo at nagsasayaw.

Pinipigilan na siya. Pero ayaw magpaawat. Ang cute niya talaga. Wait hindi pwede.

Nang mapahinto siya at biglang umupo. Bigla naman siya humiga sa binti ni Ara. At bago siya pumikit inimik ko na ang salitang.

"Oo" at pinikit na niya ang mga mata niya. At nasilayan ko anh mga ngiti sa mapupula niyang labi.

End of Flashback.

"Oi!" sigaw sa akin ni Jake.

"Langya! Bakit?" pasigaw kong tanong. Bigla biglang pumasok sa kwarto ko. Langya.

"K-kasi" sambit niya. At halatang kinakabaduhan siya.

"Ano nga? Bakit ka ba ganyan?" tanong ko. At nalakas na ang boses ko.

"Si-"

"Sino?!"

"Si Ella. Nandito na sa Pilipinas."


"Ano?!"

*****************
Marit's POV

"Ate alis lang ako." sambit ni Drey. Habang nagmamadali. San kaya punta nun?

"Asige. Ingat ka" sambit ko. At naglakad na ako papunta sa Kwarto ko. Naiinip ako kaya lumabas ulit ako para manoood ng TV.

Pumunta na ako sa Dining ng may biglang nagdoorbell.

Binuksan ko agad yun at nakita ko si.

"Ella?!"






I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon