Chapter 14: His Sister

247 9 4
                                    

Marion's POV

"Ui Guys tutal Vacant naman na natin. Tara kinda Drey para surprise hahaha." sambit ni Marlon.

"Ang tanong papayag ba si Drey ha?" tanong naman ni Lizzy.

"Payag yun. Tara baka nandun na yun si Drey sa kanila."

At tumango nalang kami sa sinabi ni Marlon.

Papunta na kaming parking lot ng umimik si Yohan.

"Ah sorry guys di muna ako makakasama sa inyo ha? Nagtext si Mama eh. May seminar siya. Pag nakasunod ako susunod nalang ako sa inyo sa bahay ha? Sige bye." pagpapaalam ni Yohan. At sumakay na siya sa kotse niya.

Nagtungo na kami sa kaniya kaniyang sasakyan.

********************
@Drey's House.

At dahil sa pakupad kupad ako lang yung nahuhuli. At yung anim yung nangunguna. Hayst. Kaya binilisan ko na rin.

Nang makarating na ako napatingin ako. Mayaman din pala tong sinda Drey. At ang laki ng bahay nila. Nakakamangha.

Nakita ko na yung anim na nakababa na sa sasakyan nila. Kaya bumaba na ako.

"Hay naku Cous. Ang bilis mo talagang magalit. Nakakunot nanaman ang noo eh." sambit ni Ara.

"Ha? Hindi ah. Hahahaha" sabay tawa ko.

"Paghindi mabilis magalit mabilis naman tumawa. Bipolar ka ata Cous eh. Hahaha."

"Okay tama na yang pagchichikahan niyo. Andito na tayo" sambit naman ni William.

Kakatok na sana yung tatlo ng biglang bumukas yung pinto. Muntik na nilang makatokan yung matandang babae.

"Ay sorry Yaya Len." sambit nilang tatlo. Ang cute naman nila. Nakakatuwa hahah.

"Ay ayos lang pu iyun. Pasuk hu kayu sa luub. Hinahanao niyu pu ba si Young Master?" tanong ni Yaya Len.

"Ah opo." sagot nilang tatlo. At pinapasok na kaming pito.

Bigla namang lumabas si Drey at nagulat siya ng makita kami. At nagulat naman kami na parang namumugto yung mata niya. Para siyang galing sa iyak.

"Pare nagiyak ka ba?" tanong ni Jake.

"Ha hindi. Ah gawa kasi ni ate." sagot niya.

"Ate?" tanong naming apat na babae.

"Ay oo nga pala hindi niyo pa alam." sambit ni Marlon.

Bigla namang may lumabas na magandang babae. Wow. Ang tangkad niya at ang puti pa. Kamukhang kamukha niya si Drey. Parang Girl Version lang ni Drey.

"Anong problema at nadawit yung pangalan ko dito?" at napatingin naman siya kay Drey. "Bat parang galing ka sa iyak?" tanong niya kay Drey.

"Po? Diba po sabi niya gawa niyo daw po yun." sambit naman ni Lizzy.

"Aba loko ka ah. Sinisisi mo pa ako. Gusto mong hambalusin kita diyan?" sambit ng ate ni Drey kay Drey. At natawa naman kaming lahat. May pagkasadista pala siya. Ang cute niya.

Bigla naman siyang napatingin sa dako naming apat na babae.

"Oh. Hi Girls. Anong pangalan niyo?" tanong niya.

"Kami ba ate hindi mo kami tatanungin?" singit ni Marlon.

"Hoy Ugok. Sawa na ako sa pagmumukha niyong apat. Bat ko pa tatanungin niyang mga pangit niyong pangalan ha?"

"Sabi ko nga!" at biglang napakamot sa noo si Marlon. Napatawa naman kaming lahat.

"I'm Ara"

"Lizzy"

"Mica"

"And you?" tanong sa akin ng ate ni Drey. Napalunok naman ako.

"Ahm. Marion po." bigla namang nanlaki mata niya. Nagulat naman ako dahil niyakap niya ako.

"Ohmy. Your so Pretty." sambit niya na nakangiti.

"Drey ito ba yung sinasabi mo sa akin?" sambit niya na nakatingin kay Drey.

"Po?" tanong ko. Bigla naman hinila ni Drey yung ate niya.

"Ano ba?" sambit ng ate niya.

"Ate" at nilakihan ni Drey ng mata yung ate niya.

"Oh. I see. Hahah. Sorry."

"Btw Guys. Siya si Scarlet Marit Collins. Ang twin sister ko." pagpapakilala ni Drey sa ate niya.

"Twin sister?!" sambit naming apat na babae.

At napatawa naman silang lahat.

"Yup My Twin sister"

"Oh diba?!" singit ni Ate Marit. At natawa naman kaming lahat.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon