Chapter 30: Part 1

189 6 2
                                    

Marion's POV

"Ate Marion kailangan pa po ba natin to?" sambit ni Mila. Isa sa mga kagrupo ko. At nagtataka ba kayo na sa akin sila nagtatanong? Paano ba naman wala yung magaling naming leader eh. Bigla ko tuloy naalala yung kanina. Huhuhu. Marion tigile.

"Ahm. Oo kailangan natin yang mga patatas. At pakisabi maghiwa na rin ng carrots." sambit ko. At umalis na si Mila.

Actually. Hindi pa ako ganun kasanay magluto kaya natatakot pa ako. Huhuhu. Actually sa mga kagrupo namin. Ako lang din ang pinakamatanda at si Ugok na leader namin at wala ng iba.

Dahil wala ang magaling naming leader. Sa akin nakaatas ang lahat ng gawain na dapat naman sa kaniya. What a wonderful life? Tsk.

Nagsimula na akong magluto sa kawali para iprito ang mga manok. Nilagay ko na yung kawali at nilagyan ng maraming mantika para lunod yung manok at para maganda ang pagkakaluto. Diba? I'm so smart. Hihihi.

Hinihintay kong uminit yung mantika. Kaya tinignan ko naman yung mga bata. At yung iba naghihiwa. At naghuhugas ng mga gulay.

Tinignan ko ulit ang mantika. At mukhang kanina pa pala to mainit kaya nilagay ko na yung manok.




"Whaaaaa.!!!! Aray!" sigaw ko at halos lahat sila nakatingin na sa akin. Paano ba naman. Natamaan ako ng mantika. Masyado atang napalakas ang pagbato ko ng manok sa kawali. Huhuhu. At sobrang init nung mantika. Huhuhu.


"Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?" sambit ni......Drey? Wow as in wow. Totoo ba to na nag-aalala siya sa akin?

"A-ayos lang ako." sambit ko at hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso.

"Dapat kasi nagiingat ka. Ayan tuloy nangyari sayo. Akin na nga yang braso mo." sambit niya at kumuha siya ng ointment sa bag niya at nilagay niya to sa mga natamaan ng mantika sa braso ko. Wow. Sinapian ba siya ng anghel?

"Wag ka ngang tumingin ng ganyan sa akin. Tara na. Tutulungan na kita sa pagluluto. Para kahit magtalsikan ang mga mantika sa akin tatama at hindi sayo."

"H-ha?"


"Wala. Tara na arte mo. Ayaw mo pa? Tutulungan ka na nga ng poging kagaya ko."


"Magpapasalamat na nga sana ako kaso nagbago isip ko wag na lang. Pogi daw? Tsk."

"Tumigil ka na nga. Ang panget mo nakabusangot ka pa diyan" at bigla niya akong pinahidan ng kung ano. At inamoy ko to. At yung flour pala na nakalagay sa manok. Ah gusto niya pala pahiran ha. Well okay pagbibigyan natin si Leader na Ugok.

Pinahidan ko rin siya. Hanggang sa nagpahidan na kami.

"Ayiiiiiieeeeeeeee" napatingin kami. At lahat ng mga kagrupo namin nakatingin sa amin.

"A-ate Marion. Boypend niyo po ba si Kuya Drey? Bagay po kayo! Siya po yung inyong Istolight" sambit ng pinakabata sa aming grupo na si Audrey. Istolight? Anu yun?

"Istolight?" parehas naming sabi ni Drey. Kaya natawa naman kaming parehas.

"Ah. Mr. Right po yun." pagpapaliwanag ni Abby. Kapatid nga pala niya si Audrey. Kaya alam niya yung iniimik ng kapatid niya kahit pautal utal pa siya.

Kaya nagtawanan naman kami.

*********

"Handa na" sambit ko.

"Ubusin niyo yan ha. Yan ay luto namin ni Kuya Drey. Kaya pakabusog kayo." sambit ko.

"Thank you po ate Marion and Kuya Drey." sabay sabay nilang sambit. Nakakatuwa naman.

Nagsimula na kaming magpray at kumain.


"Okay. Pagkatapos. Magtootbrush at maglinis ng katawan, matulog na kayo ha? May Event pa tayo bukas." sambit ko. Pero alam niyo? Puro bata kasi kamember namin. Kaya nahihirapan din kami ni Drey. Wait. Speaking of Drey, nasan na yung ugok na yun? Di pa yun nakain. Bigla bigla nalang nawawala.


Naglakad lakad ako at. Boom. Natagpuan ko siya. At nasa may tabi lang pala siya ng dagat. Agad naman akong lumapit sa kaniya.

"Ui. Di ka pa nakain. Kain ka na muna."

"Busog na ako." seryoso niyang sambit habang nakatingin sa malayo.

"T-thank you." mhyghad. Bat ba ako nauutal.

"For what?"

"D-dun sa kanina."

"Ah. Okay. Ganun talaga kapag pogi"

"Ha? Anung connect nun?" at tumingin na siya sa akin.

(Please habang nagbabasa po kayo. Pakinggan niyo po yung Fallen by Marion.)

"Hindi naman kailangan ng connection para mapahiwatig sa isang tao ang gusto mong sabihin sa kaniya." ha? Anong pinagsasabi nito?

"Ha?"

"May mga bagay na dapat itago. At dapat ipaalam. Kasi kapag hindi mo pa sinasabi yung nararamdaman mo. Hindi malalaman ng taong mahal mo na gusto mo siya" at tumingin siya ng diretso sa aking mga mata.

"D-drey?" nauutal kong sabi. Kinakabahan ako.

"G-gusto kita. Gusto kita Marion. Gustong gusto." sambit niya habang nakangiti.

"H-hindi ko kaya na mawala ka." dagdag pa niya. 

Hindi ko alam pero niyakap ko nalang siyang bigla. Pero sa hindi ko alam na dahilan.


Kumalas na ako sa yakap. At hinawakan niya ako sa mga kamay ko.

"Alam kong magkagalit tayo una palang. Pero langya. Hindi ko alam na nahuhulog na pala ako sayo. Hindi ko alam. Basta ang alam kong lang gusto kita. Gustong gusto kita na aabot na sa mahal. Kind of cheesy. Bat masisisi mo ba ako? Hindi ko na kayang itago pa itong nararamdaman ko sayo."hindi ko alam. Pero kinikilig na ako.

"Bago ko pa malaman na ikaw si Mystery Girl. Gusto na kita. Hindi ko alam. Kada oras kada minuto. Ikaw lang ang tumatakbo sa isip ko. Kasi nga mahal ki-"


.

.

.



.



.


.

.

.

"Mahal din kita. Mr. Drey Collins."

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon