Chapter 11: Audition

242 11 2
                                    

Marion's POV

Dahan dahan kong minulat  ang mata ko. At bumangon agad ako sa kama ko. Mukhang wala na ata akong lagnat. Kaya bumaba na ako tutal maayos naman pakiramdam ko.


Hindi pa man ako nakakababa nakinig ko na nag-uusap yung tatlo. Pero hindi ko masyado naiintindihan kaya bumaba na ako.

"Ui Marion Gising ka na pala! Ayos na ba pakiramdam mo?" -Lizzy

"Ah. Oo. Ayos na ako. " sagot ko naman sa kaniya at nginitian ko naman sila.

"Oh. Cous. Girls. Tara na kain na tayo." Aya ni Ara sa amin.

"Yieeee! Kakain na!" Masayang sambit naman ni Lizzy. Hihihi. Aaminin ko may pagkamakulit din yang si Bruha na yan.

"Wow sarap naman nan best friend" sambit ni Mica na takam na takam na kumain. Hihihi. Kukuha na sana siya ng bigla naman siyang tinapik ni Ara. "Aray!"

"Pray muna!"

"Taray talaga ni Lola Ara eh."

"Ano?!"


"A-ah. Eh. Wala ah hihihi"

Nakakatawa talaga tong dalwang to. Napatingin naman ako kay Lizzy. At patuloy parin siya sa pagkain niya. Kaya kumain na ako. Actually magse-seven palang naman ng umaga. 8 pa naman pasok namin eh.

"Guys tungkol nga pala du-" hindi na natuloy ni Ara yung sasabihin niya ng biglang may nagdoorbell.

At si Jake naman yun at may dala pa siyang supot. "Oh Jake hi. Kain ka oh. Sakto ka." Sambit ni Lizzy.

"Sige kakain ko lang. Bibigyan ko lang si Ara ng ice cream. Monthsary namin eh." Sagot naman niya kay Lizzy.

"Sweet ah. Hahaha. Parang wala ako dito ah. Oo na aga mo magpamonthsary eh. Hihihi. Labyou mwuahh. Tara kain na tayo." Sambit naman niya habang nakaakbay kay Jake.

"Busog na ako Babe eh. At aalis narin ako. Magkita nalang tayo mamaya ha. Susunduin kita after class."

"Ha? Magkaklase naman tayo ah."

"Hindi muna ako papasok. Paghahanda ko pa date natin eh " Sabay kindat niya Kay Ara. Hay. Grabe nilalanggam na ako.

"Hay. Sana lahat." Pang-aasar ko naman Kay Cous Ara.

"Sana lahat ka diyan. Sabihin mo, wala kalang bf. NBSB kasi eh. Hahaha." Pang-aasar naman sa akin ni Ara.

"Ewan ko sayo. Ihatid mo na yang boyfriend mo. Nagmamaktol na eh" sambit ko at hinatid naman niya palabas si Jake. Kinawayan nalang namin si Jake. Habang papalabas na.

"Ligo lang ako! Bye!." Sigaw naman ni Ara. Umakyat na siya pataas. Pero nagpahabol pa siya ng sasabihin. "At nga pala cous. Sayo na Yang ice cream ko. Tutal Hindi ko naman na yan makakain eh."

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon