Chapter 18: A Surprise Party

199 10 2
                                    

Marion's POV

Naglakad na kami sa isang place na maganda. Sa hindi ako nagkakamali isa itong resort. So hindi ako nagtataka na mayaman talaga sinda Drey.

"Ui Marion" Napalingon ako sa nagsalita at si Mica lang pala yun. Aba bihira lang niya akong tawagin sa pangalan ko ah. Lagi kasing bestfriend ang tawag.

"Ui Cous" aba san ba nagsusulputan tong mga to? Parang kabute eh.

"Oh. Hi Guys. Kaya pala hindi niyo kami sinamahan ni Lizzy dahil Andito lang pala kayo" sabi ko sa kanila.

"Sorry na. Alam mo naman sinama lang kaming bigla nila Jake." sagot naman ni Ara.

"Ahm excuse girls. Marami pa tayong gagawin. Diyan ka muna Marion." sambit sa akin ni Yohan.

At naglakad na sila. Sumigaw naman ako para marinig nila.

"Ha? Bakit? Ui. Hindi niyo ba ako papagawain?" sigaw ko.

"Hindi na baka mapagod ka lang baby Girl." sigaw din sa akin ni Yohan. Hindi ko ba alam kung kikiligin ako eh.

"Oi Marion." masiglang bati sa akin ni Ate Marit. Grabe ang Bipolar niya. Minsan mataray, minsan mabait minsan masungit hay lahat na ata ng emosiyon nasa kaniya na eh. "Ui. May iniisip ka ba sa akin?"

"Po? Wala po" hala pano niya nalaman.

"Hahaha. Wag kang mag-alala ganto lang talaga ako. Kaya masanay kana. Ah. Btw Marion. May Regalo ka na ba? Naku nagiisip pa nga ako ng ireregalo ko sa kapatid kong monggoloyd"
At napatawa naman ako ng mahina.

"Monggoloyd? Diba po ang sweet ng tawag niyo sa kaniya."

"Ay. Ganun tawag ko sa kaniya kapag naglalambing ako."

"Ah ang cute naman po pala."

"Scarlet Marit ate. Halika dali." sigaw sa kaniya ni Yohan. Mga bingi ba ang mga tao dito at nagsisigawan. Actually nga kami kami lang ang nandito. Amin tong buong resort.

"Ahm Marion diyan ka lang ha? Pupuntahan ko lang si Yohan." at nginitian ko nalang siya.

Umupo muna ako sa isang tabi ay nagiisip na pangireregalo sa halimaw na yun. Aba pasalamat siya mabait ako ngayon dahil birthday niya. Kung hindi hay. Bahala na siya wala akong pangregalo sa kaniya.

"Hmmmm. Ano kaya ang pwedeng pangregalo?" bulong ko sa sarili ko. "Ah. Alam ko na."

Nakaisip ako ng regalo na sa isang kahon pagkabukas niya tas matatakot siya. Ay mali mali. Birthday niya at masama yun. Hihihi.

Nang makaisip na ako nagpaalam na ako tutal wala din naman akong ginagawa dito.

"Ahm. Guys uwi na muna ako. May gagawin pa ako eh." sambit ko sa kanila.

"Ha? Cous? Gagawin? Eh wala naman pasok bukas ah. Sabado kaya tomorrow." sagot naman sa akin ni Ara.

"Basta. Ghe. Cous pahiram nalang ng kotse mo ha." sambit ko at inabot naman sa akin ni Ara ang susi.

***********************
Drey's POV

"Again. Saying I love you. Just sing it well okay?" sambit sa amin nung Director namin. Grabe nakailang take na ba to si Lizzy kairita eh. Buti pa yung babae sa music room maganda ang boses. Ibang iba talaga.

Pero siyempre dahil malakas ako dito. Ako ang nagsuggest ng More Than Words para yun sa babaeng nagkanta rin nito.

"Drey! Are you with us?" at napabalik naman ako sa realidad. Masyado ko atang iniisip si Mistery Girl eh.

"Yes. Sir" sambit ko.

"Okay. Let's take a break." sambit niya at naglabas muna ako para magpahangin.

Gabi narin pala. Tamang tama to. Kaya umupo muna ako sa isang bench para magpahangin. Isa ito sa perfect spot ko.

"Saying I love you,......" bigla naman akong napalingon. Parang may kaboses siya. Hindi kaya siya si Mistery Girl na hinahanap ko.

Pagtingin ko. Isang babae na nakatayo sa tabi ko. "Pwedeng umupo?" tanong niya at tumango nalang ako. Kaya umupo na siya sa tabi ko.

"Teka ikaw ba si Mistery Girl? Yung nakantang babae dun sa music room?" tanong ko sa kaniya.

"Ahm. Oo ako nga iyon." sambit niya na nakangiti. Para siyang anghel.

"Ako nga pala si Drey."

"Ako naman si Jasmine Ann Kinogawa." kaya pala mukha siyang may lahi. Haponesa pala siya.


*beep*

Kaya tinignan ko agad ang Cell Phone ko. At nakita ko may nagtext.

From: Jake na Poginhsjvjsmzka

Tol. May Party Tayo bukas ha. Wag mong kakalimutan. 7 pm dapat andun kana.

Pagkabasa ko pinatay ko cellphone ko at nilagay ko nalang sa Bulsa. "Ano? Sama ka?" tanong ko.

"Saan?"

"Susunduin nalang kita sa inyo."

"Asige."

"7 pm. Dapat andun na tayo ha."

"Ok. Thanks Drey."

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon