Chapter 19: His Birthday

203 8 2
                                    

Marion's POV

*ringg....*

Minulat ko ang mga mata ko. At maga na pala kaya naghanda na ako kahit gabi pa ang party.

Kinuha ko agad sa drawer ko ang Apron na ginawa ko. Oo apron, alam ko kasi na mahilig si Drey magluto. Kaya apron nalang ang ginawa kong pangregalo.

Nilagyan ko din yun ng design. Actually mahilig talaga ako magtahi. Kaya tinahian ko na lang siya. Diba?

Pumunta na agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos nagbihis na ako. At binalot ko na yung apron sa wrapper.

Bumaba na ako para kumain ng almusal. Pagkababa ko wala ng tao.

"Girls? Cous? Mica? Lizzy?" sambit ko habang pababa sa hagdan.

"Ui! Bestfriend!" sigaw niya.

"Ay kalabaw! Ano ba yan. Bakit ka naman nanggugulat. At teka? San punta mo?" tanong ko sa kaniya habang nakakunot noo ko. San naman ba to pupunta sa date?

"Hayst. Ngayon na ang alis natin. Kaya tara na. Actually kailangan maaga tayo dun kaya Tara na!"

"Ay teka. Paano sinda Cous at lizzy?" tanong ko.

"Ay oo nga pala. Ako lang ang umuwi dito. Dun sila natulog. Di ko na nasabi sayo dahil bising busy ka sa ginagawa mo. Kaya tara na." at hinila na niya ako.

"Wait lang magbibihis pa ako ng pang-alis. At magdadala ako ng damit"

"Asige bilisan mo na."


********************
@Buenavista Resort

Nagbaba na kami ni Mica sa sasakyan. At ayos na ang lahat. Ang ganda talaga ng pagkakaayos nito. Isa din sa nagdesign nito ay si Ate Marit. Grabe ang galing niyang magdesign ha.

"Ui Marion!" sigaw ni Ate Marit habang papalapit sa akin.

"Ahm hello po." sambit ko na nakangiti.

"Alam mo ang pangit mo."

"Po?"

"Ang pangit mo sabi ko."


"Ah. Alam ko naman po yun." at nginitian ko siya ng pekeng ngiti.

"Anu kaba. Ang ibigkong sabihin. Maglugay ka din paminsan. Lagi ka kasing nakapuyod. Bakit hindi ka maglugay? Actually hindi pa kita nakikita maglugay. "

"Ahm. Naiinitan po kasi ako eh."

"Anu ka ba? Hay. halika ka nga. Sumunod ka sa akin."

"Bakit po?"


"Aayusan kita. Bili." at nginitian ko nalang si Ate Marit. Masyado din siyang mafashion eh. Ako lang naman simple manamit. Kaya pumayag na ako. Minsan lang nama din to. At hindi ko din matanggihan si Ate Marit Eh.

Sumunod ako sa kwarto ni Ate Marit. Inupahan nila to eh.
At sinimulan na niya akong ayusan.



*****************
Drey's POV

Kakagising ko palang. Kasi natulog ulit ako ng bandang alas tres ng hapon. Kaya pagkabangon ko nagimpake na ako ng gamit. At tinignan ko ang orasan. At 5:00 na pala ng hapon. At 2 oras pala ang tulog ko. Kaya naggayak na ako.

Umalis na ako ng bahay at dumiretso na ako Sa binigay sa akin na Address ni Jasmine. At to be specific. Bahay nila.

Tumigil ako sa gate nila Jasmine at  napakalaking bahay din pala ito. At lumabas na ako ng kotse ko. At nagdoorbell na ako.

Pagkatapos kong magdoorbell nagsandal na ako sa kotse ko at bigla naman bumukas ang pinto.

At iniluwal nito si Jasmine. Ang ganda niya talaga at mahinhin pa. Ibang iba talaga siya kay Marion.

Teka bat ko ba iniisip yung Bakulaw/Panget na yun? Eh hindi nga yun marunong mag-ayos sa sarili niya. Laging nakapony tail. Tsk.

"Drey?" at napabalik naman ako sa Realidad. At nakita ko naman ang maamong mukha ni Jasmine.

"Ay ano? Tara na?" sambit ko.

"Asige." at nginitian niya ako ng matamis na ngiti.

Ilang oras kami nagbiyahe. At ng makarating na kami sa resort. Tinawagan ko na sila Jake pero walang nasagot. Kaya pumunta na ako sa isang tao dun na nagbabantay at tinanong ko kung saan nakareserved ang Sky Light Party. Yan ang sabi sa akin nila Jake. Tsk. At tinuro naman sa akin nung babae.

At nagtungo na kami dun ni Jasmine. Isa siyang club house pero mukhang walang tao.

"Drey? Sigurado ka bang may party? Mukhang wala naman eh." sambit ni Jasmine. At mukha pa siyang kinakabahan. Kaya hinawakan ko nalang siya sa kamay para hindi siya kabahan.

Binuksan ko na ang pinto at pagkabukas ko biglang.


"Happy Birthday Drey!"

masigla nilang bati. At napangitinaman ako. Nang mapatingin sila kay Jasmine napawi mga ngiti nila sa labi. At napakunot naman ang ulo nila ng makita ang magkahawak na kamay namin ni Jasmine.

Bibitawan ko na sana ng may biglang umimik.

"Andiyan na ba si Drey?" tanong ni Ate Marit sa kanila. At napatingin naman siya sa akin ng nakangiti. Pero ng napadako ang tingin niya sa kamay namin ni Jasmine nawala ulit ito.

At bigla naman bumukas ang pinto at may lumabas si Marion. Na ikinatigil ko. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang unti unti siyang gumagalaw. Eto na ba tung tinatawag nila na Slow Motion.

Ibang iba pala siya kapag nag-aayos. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok sa baba. Mapupula ang kaniyang labi. At ang ganda ng kaniyang mata.

Kahit hindi siya nakamake up ang Ganda niya.

"Drey!" sigaw nilang lahat. At bigla naman ako napabalik sa Realidad.

"Ikaw ha. Masyado mong tinititigan si Marion." sambit ni Marlon at natawa naman silang lahat.

"Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee" Pantutukso nila sa akin.

Kaya napalingon naman ako kay Marion. Pero parang ang lungkot niya. At bigla din siya napatingin sa akin at ngatama mga mata namin na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Tumingin naman siya sa may baba. Kaya tinignan ko rin ito. At magkahawak parin pala kami ng kamay ni Jasmine. Kaya binitawan ko agad ito.

"Okay Drey Tara na. Okay Guys? Let's Party!" sigaw ni Ate Marit.


At nagsimula na kaming magparty.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon