Chapter 25: Gusto kita

202 9 5
                                    

Marion's POV

"Oi Tara na. Maaga pa tayong aalis" sigaw ni Ara.

"Ghe wait lang" sambit ni Mica.

"Wait. Malapit na akong matapos magkulot." sigaw ni Lizzy.

At ako? Nakatahimik lang dito. Iniisip yung naging sagot ni Drey kagabi.

"Oh. Marion Tara na pasok na tayo" at napabalik naman ako sa realidad. At ngayon ko lang din nalaman na nakatingin pala sa akin yung Tatlo. "Hay. Cous. Wag mo ng masyadong isipin yung nangyari kagabi ha." at nginitian ko nalang si Ara.

Actually matapos sabihin ni Drey yun. Inaya ko na ang girls na umalis dahil sa pagkabigla ko at dahil din sa nalalaman ko. Naalala ko tuloy yung napadaan ako at may nakinig akong nag-uusap.

Flashback:

Naglalakad ako papuntang hall ng makita ko yung tatlong lalaki.
Sinda Jake at William ata yun  Kasama din si Marlon.

Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila kaya nagtago ako at lumapit ng konti sa kanila para marinig ang pinag-uusapan nila.

"Sa tingin mo? Kaya siguro nagustuhan ni Drey si Marion. Dahil siya si Mistery Girl na matagal ng hinahanap ni Drey." sambit ni Jake na ikinatigil ko naman. Totoo ba tong naririnig ko?

"Pero ang pagkakaalam ko. Sabi ni Drey gusto na niya nun si Marion bago pa niya malaman na si Marion ay si Mistery Girl " sambit ni Marlon. At dahil dun hindi ko na namalayan na tumakbo na pala ako patago. Pero buti nalang hindi ako nakita nung tatlo.

End Of Flashback.

"Okay Class Dismiss" sambit ni Sir at nagalisan na. Hindi kami magkakaklase ngayon ninda Drey. Dahil tuwing Science sa ibang room sila pinapapasok para daw matutukan.

"Tara na girls." sambit ni Lizzy. At naglabas na kami ng room. At dumiretso na kami sa canteen. Nagugutom na kasi kami eh.

"Whoaaaaaaaaaa!!!" sigaw ng mga babae. At grabe nagkukumpulan na yung mga babae.

Napapaano kaya yung mga yun?

"Ohmy!"

"Fafa Drey!"

"Oh!"

At ang daming mga babae ang nakapalibot. Wow ha.

"Girls tara na!" sambit ko sa kanila. At naglakad na kami paalis sa Canteen.

"Margarette Marion Fortalejo." sambit ng isang lalaki na nakamic. Wait kilala ko yung boses na yun.

Napalingon naman kami. "Uulitin ko. Margarette Marion Fortalejo."

Lumapit ako at naghawi naman ng daan. "Ano bang problema mo?!" bumaba siya sa table at lumapit sa akin.

"Margarette Marion Fortalejo " sambit ulit niya.

"Ano ka ba? Paulit ulit mo nalang yan iniim-"

"GUSTO KITA!" bigla naman nanlaki ang mga mata ko.

"A-ano?" tanong ko.

"G-u-s-t-o. Gusto kita " sigaw niya.

"Ewan ko sayo." sabay talikod ko. At naglakad na palayo. Sumunod naman sa akin sinda Lizzy.

"Haba ng hair ha." pang-aasar sa akin ni Mica. Hay. Di lang nila alam.

*******************

Kapagod ang araw na ngayon kaya dumiretso na muna ako sa kwarto ko habang dala dala ang ice cream. Para mawala ang stress ko sa lalaking yun.

*tok tok.*

"Tsk alam ko na. Pasok." sambit ko. At pumasok nga yung tatlo.

"Cous. Bat ginanun mo naman si Drey?" tanong sa akin ni Ara.

"Kaya ng Bestfriend. Kita mo. Pinagsisigawan na niya buong pangalan mo sa Canteen." -mica

"Kaya nga sis. Bihira lang kaya ang ganung lalaki sa mundo." -lizzy

"Hay. Ang hirap." sagot ko.

"Bat naman mahirap?" sabay sabay nilang tanong.

"Narinig ko kasi sa mga boys na kaya ako nagustuhan ni Drey dahil sa boses ko. At dahil ako si Mistery Girl." sambit ko.

"Ay loko pala yun eh" sambit ni Mica.

"Resback? Gusto mo?" tanong ni Ara.

"Tara na. Susugod na tayo." sambit ni Lizzy. At natawa namab ako. Ang sisiga talaga nila kapag may nasasaktan sa amin. Parang hindi mga babae eh.

"Ano iyong pangalan,
Nais kong malaman,"

"Narinig niyo ba yun?" tanong ko.

"Ha ang alin?" -lizzy.

"Oo nga. Parang may nakanta sa baba" sambit naman ni Ara.

"Tignan natin." sambit ni Mica.

At sumilip naman kami sa baba. At kung nakakabigla. Andun yung apat at ang nakanta ay si Drey.

"O ang isang katulad mo. Ay di na dapat pang pakawalan. Alam mo bang pag naging tayo. Hinding hindi na kita bibitawan. Aalagaan at di papabayaan, pagkat ikaw sakin ay PRINSESA." kanta niya habang nakatingin sa akin. At bigla namang bumulis tibok ng puso ko.

Kinukurot kurot naman ako nung tatlo sa tagiliran. Huhuhu kawawa na tagiliran ko.

Nang matapos ng kumanta si Drey. Agad naman akong hinila nung tatlo pababa. Kala ko ba galit sila? Hay.

Habang pababa kami umimik ako. "Akala ko ba galit kayo?"

"Kanina lang yun." sambit nilang lahat. Wow ha. Kambal lang?

Pagkababa namin. Binuksan agad nila ang pinto. At agad naman bumungad si Drey na may hawak ng bulaklak at chocolates.

"Bat ka ba nandito?" tanong ko.

"Hindi ba halata nanliligaw ako" wow ha. Grabe.

"Oo nga alam ko. Pero pwede umalis ka na?" at nagtalikod na ako.

"Okay. Pero itong tatandaan mo. Araw araw kitang liligawan. At pasasayahin. Hanggang sa huling hininga ko." sambit niya at napangiti naman ako.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon