Chapter 29: Event

177 6 2
                                    

Marion's POV

"Oi. Babae bat parang impakeng impake ka na diyan?" sambit ni Lizzy.

"Oo nga bestfriend. May event lang naman kayo. Atsaka tatlong araw lang naman ata kayong mawawala. Hindi isang taon." sambit ni Mica.

"Kaya nga. Di ba masyadong marami ka naman atang dadalhin? Hindi ka ba mahihirapan?" sambit ni Ara.

Hay actually ngayon lang kasi ako nagdala ng ganto. At first time ko lang magkaganto. As in buong buhay ko. Kaya ganyan sila makapagreact.

"Anu ba kayo? Minsan lang to kaya susulitin ko na" sambit ko habang inaayos ko pa yung iba kong gamit.

"O sige siya ha. Magingat ka ha. Andun si Drey" sambit ni Ara. Protective talaga niya no?

"Ayiieeee. Salamat sa inyong tatlo. Mamimiss ko talaga kayo." sambit ko habang nakayakap sa kanila.

"Sus. Mamimiss mo kami? E mukhang mage-enjoy ka lang dun." sambit ni Mica.

"Hay. Basta. Mamimiss ko kayo. Okay?" sambit ko at kumalas na sa pagkakayakap.

*beep*

At kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang text ni sir. Meron kaming event eh. Sa swimming team lang namin.

"Girls. Alis na ako ha? Naghihintay na sila."

"Sige ingat." sabay sabay nilang sambit.

At umalis na ako.

*********

"Okay. Andito na tayong lahat. Hahatiin ko muna kayo sa limang grupo. Okay ba yun?" sambit ni Sir. "Kada activities may points yun. Kayo at ang grupo niyo ay magiging independent. May mga leader tayong pipiliin at sila ang magpapasunod sa inyo"

"Okay sir." sambit naming lahat.

"Okay. Let's begin."

Ang napili nilang leader ay sina Capistrano, Padrique, Danez, Escobar at Collins.

"Miss. Del Moro sa Grupo ninda Capistrano. Ikaw Miss Coloma sa grupo ninda Padrique." at inisa isa ni sir ang mga swimmer at nilagay sa kani kanilang grupo.

At ako nalang ang hindi pa natatawag. Please wag kay halimaw. Huhuhu. At tumingin na sa akin si Sir. At mukhang nag-iisip pa ata siya. Kasi paano ba naman? Lahat kumpleto na. Tiga-anim na sa bawat grupo. Pagdumagdag ako, yung papasukan kong grupo magiging pito na ang member nila.

"Mario-"

"Sa akin team na po siya." sambit ni Drey. Wait whut? Totoo ba tong narinig ko? Ako sa team niya? Unbelievable.

"Okay Drey. Miss Marion. Kay Mr. Collins kana."

"Po? ako sa kaniya po?"

"Oo wag ka ng umangal. Aarte ka pa di ka naman maganda" aba't iniinis ba ako nitong asungot nato? Di daw ako maganda? Tsk.

"Okay po LEADER!" emphasize talaga yung salitang Leader. Kapal din eh no?

Nagsipuntahan na kami sa area. Para manuod ng mga performance. Kailangan talaga naming manuod. Dagdag points din yun eh. Atsaka bawal kami maghiwa hiwalay.

Hinanap ko yung magaling naming leader. Asan na kaya yun?

"Abby?" sambit ko.

"Bakit po?"

"Asan si Ugok?"

"Si ugok?"

"Ah si Drey. Si Magaling nating Leader na si Drey."

"Ah. Wala po siya"

"Ha? Eh nasaan siya?" nagtataka na yung mukha ni Abby. Hala baka isipin nun may something ako kay Drey. "N-nasaan siya? E-eh leader pamandin natin siya diba?" at nawala na ang pagtataka sa kaniyang mukha. Kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Ligtas na ako eh.

"Kasali po kasi si Leader sa sayaw. Kaya po excuse po siya" sayaw? Nagsasayaw yung ugok na yun? Wews. "Tara na po. Ayan na sila oh." at napatingin naman ako sa tinuturo niya.


At nagsimula nang tumugtog ng Teach me how to doggie.

Bigla naman nagsilaban yung nga lalaki. Nung intro palang. At sa inaasahan ko. Nagsisigawan na yung mga babae. Grabe ha. Di pa nga nagsisimulang sumayaw. Parang mamatay na sila. Paano pa kaya kapag sumayaw na? Whaaa. I hate Drugs.

At bigla namang nagsiharapan ang mga lalaki. At sa hindi ko inaasahan. Pinakaunahan pa talaga si Drey. Wow as in wow. Grabe ang galing pala niya sumayaw ha. Huhuhu. Maghunusdili ka Marion. Wag kang titingin kay Drey.

Pero grabe ang galing niyang sumayaw. At ang galing niyang gumiling. Kumbaga kahit isa walang binatbat yung mga kasamahan niya sa pagsasayaw. Huhuhu.

Hindi ko inaasahan nakatingin parin pa pala ako sa kaniya. At sa hindi ko inaasahan nakatingin siya sa akin sabay nagsmirk. At dahil dun feeling ko. Matutunaw na ako sa kilig. Huhu. Bat ba ako kinikilig sa kaniya? Anyare na ba sa akin? Para naman akong tingang dito eh. Mas mabuti pang iiwas ang tingin ko sa kaniya. Tama di ako titingin sa kaniya. 

1



2



3




4




5



Hindi ko talaga mapigilang tumingin. Ohmy. Masamang espiritu na nakasanib sa akin ngayon. Lumayas ka na. Ngayon na. Hindi ko na kaya. Bat hindi ko mapigilang tumingin sa kaniya grabe. Ang hot niya sumayaw. Huhuhu. Tukso layuan mo ako! Di ko na kaya.



At natapos na ang kanta. Pero nakatingin parin siya sa akin. Bigla tuloy naginit ang psingi ko. Sasabog na ata ako. Huhuhu.

"Ate Marion ayos ka lang po ba? Bat para po kayong namumula?" sambit ni Julia. Isa sa mga bata na swimmer dito.

"Ah wala ito Julia ayos lang si Ate Marion. Ano? Tara na? Tapos na ata ang Program eh. Tara na sa room. Para makapagluto na tayong lahat ng dinner."

"Yehey.!"

"Gusy tara na." sambit ko sa mga kagrupo ko. At pumunta na kami sa quarter namin.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon