Chapter 31: Happy

188 6 2
                                    

Marion's POV

Isang magandang araw nanaman ba to? Hay. Hindi ko alam pero parang ang saya saya ko na ngayon. Ilang araw na ang lumipas simula nang umamin sa akin si Drey. Hihihi

"Oh. Wow ha. Bat ngiting ngiti ka diyan?" sambit ni Lizzy.

"A-ah. Wala ah. Masaya lang ako. Bakit? Ano bang masama sa pagiging masaya?" sambit ko.

"Ahieeee. Cous ha. Ramdam ko may tinatago ka sa amin. Wag ka. Pinsan mo ako. Kaya tumigil ka diyan. Baka mapektusan lang kita" sambit ni Ara. Grabe ang rahas talaga niya. Pwede na siya sa Child abuse eh.

At tinitigan lang ako nung tatlo. Hay. Kilalang kilala nga nila ako.

"Oo na. Eto na po. Tama na yang kakatitig niyo sa akin." panimula ko. At naghihintay na silang tatlo sa sasabihin ko. "Nagamin sa akin si Drey na gusto niya ako." tinakpan ko ang tenga ko dahil sa maaring mangyari.

In

5

4






3









2









1


"Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" sabay sabay nilang sigaw. Pwedeng mabingi na? Grabe sakit sa tenga.

At nagtatalon talon na yung tatlo. At naghahampasan pa. Grabe ha. Daig pa nila yung nag-aaway kung kiligin.

"Ui. Guys" sigaw ko at napatigil naman sila. Pustahan sunod sunod sila magtatanong.

.

.

.

.

.

"Anong sabi niya?" -ara

"Pano siya umamin?"-Lizzy

"Grabe. Tinitigan ka ba niya?" -Mica.

"Saan kayo nag-aminan?" -Lizzy

"Anong nangyare pagkatapos?" -Ara

"Nag-" pinutol ko ang sasabihin ni Mica.

"Pwede kain muna tayo? Gutom na ako eh. Tsaka ko na ikwekwento. Daig niyo pa ako kung kiligin eh. Sainyo umamin?" sambit ko at natawa.

"Ayieeee. Sabi mo yan ha. Pepektusan ka talaga namin kapag hindi." sambit ni Ara.

"Oo na. Kain na tayo."

Pagkatapos naming kumain umakyat na ako sa kwarto para maligo.

"Singing in the shower. La da deee lada lada ah." kanta ko habang naliligo. Palag? Hahaha

Pagkatapos kong maligo. Lumabas na ako sa banyo.

*beep*

*beep*

*beep*

*beep*

Grabe sino ba yun? Ang dami kung magtext ha. Agad ko naman tinignan yung cellphone ko.

322 messages. 27 missed Calls

Wews. Grabe siya na unli ang load. Binasa ko na yung mga text.

Marion? Asan ka. Andito ako sa labas ng bahay niyo.

Asan ka na.

Hey. Please labas ka na.

Wait? Paano niya nalaman bahay namin? Agad naman akong bumaba at putek adun nga si ugok.

Lumabas na ako at sinalubong ko siya. "Bakit nandito ka?"

"Malamang, para sunduin ng isang poging lalaki na katulad ko ang isang katulad mo." wews ang hangin.

"Oh." tas inabot niya sa akin yung bulaklak.

"Ano ito?" sambit ko.

"Ano ba yan? Malamang bulaklak" wow pilosopo.

"Kainis ka."

"Welcome" grabe ang Bipolar niya. Dati naman nung umamin siya sobra niyang bait.

"Bahala ka nga diyan." at tumalikod na ako para pumasok sa loob. Papasok na sana ako ng may biglang  yumakap sa may likuran ko.

"S-sorry na" wow nagsorry ba siya? "H-hindi kasi ako marunong manligaw."

For real? Seryoso ba siya?

"Wait seryoso ka?" sambit ko.

"O-o nga. Halos lahat sila ako ang nililigawan." wow ha. "Ano tara?"

"Wait kukunin ko lang gamit ko."

****

"Wag mo na akong ihatid." sambit ko.

"Hindi pwede. Baka may umaaligid aligid sayong mga lalaki." sambit ni Drey. Wow ha. Hindi pa kami ganyan na siya. Paano pa kaya kapag kami na?

"Oo na po." sambit ko. At hinawakan naman niya ang kamay ko.

Halos pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito.

"Ohmy. Pinatulan yan ni Fafa Drey?"

"Sana tayo nalang kesa diyan sa impokritang babaeng yan."

"Kaya nga. Di naman kagandahan."

Bibitawan ko na sana yung kamay niya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakapit.

"Wag kang matakot. Andito lang ako." sambit niya. Kaya bigla naman akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Yohan.

"Oi Marion" sambit ni Yohan.

"Ops ops." sambit ni Drey. At pumunta sa unahan ko para harangan si Yohan.

"Wews. Magha-Hi lang naman kay Marion. Bakit ano ka ba niya?" sambit ni Yohan.

"M-manliligaw niya." sagot ni Drey.

"Hahaha. Manliligaw? Eh hindi ka nga diyan marunong manliga-" dahil tinakpan na ni Drey yung bunganga ni Yohan.

"Oo na. Pero pwede wag ka lakas? Daming tao oh."sambit ni Drey.

Kaya natawa naman ako. Hihihi. Ang cute nilang magkapatid.

"Oo na. Para kang bakla." sambit ni Yohan. Habang natatawa.

"Sige Marion. Alis na ako ha? Ikaw na bahala sa kapatid kong bakla." at naglakad na siya paalis. Tinignan ko naman si Drey halatang asar na asar siya.

"Tsk. Nakuha lang kita sa kaniya eh. Kaya ganun yun nagseselos. Paano di hamak na mas pogi ako kaysa sa kaniya " sinuntok ko naman siya sa balikat. Langya ang sakit ang tigas.

"Loko ka. Hatid mo na ako. Malelate na ako eh." sambit ko at hinatid na niya ako.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon