Chapter 28: Contest

174 9 4
                                    

Marion's POV

"Guys wait lang ha." Sambit ko.

"Bakit? Kain na tayo. Pampatanggal ng stress sa Terror nating Teacher!" Sambit ni Lizzy.

"Kaya nga. Napaka niya.!" Bulyaw ni Mica.

"Grabe. Nakakapanginit siya ng ulo!" Sigaw ng mahina ni Ara.

"Alam ko, alam ko. Pareho pareho lang tayong gustong kalbuhin yung panot na ulo ni Mister Tan" sambit ko. Tinignan ko naman yung tatlo pero namilog ang mga mata nila sa likuran ko.

Bigla tuloy tumaas ang balahibo ko.

"What did you say Miss Fortalejo?" Sambit ng nasa likuran ko. Kinabahan tuloy ako. Tumingin ako sa Likod ko at si Mr. Tan nga ito.

"A-ah. Ano po k-kasi" utal utal kong sabi. kinakabahan tuloy ako. "A-ano po. Sabi ko po kalbuhin po pala kayo. Kaya yan po ang gustuhin naming mga babae." Sambit ko. At sumangayon naman yung tatlo at ngiting ngiti pa na peke naman. Yung ngiti bang naasar na. Kaya ngiting ngiti naman ang loko.

"I'm glad to hear that. So see you around girls" sambit ni Mr. Tan at naglakad na papaalis. Kaya napatawa naman kaming apat.  Paano, paniwalang paniwala ang loko.

"Pano na? Alis na ako. Bago ko pa makalbo yang si Mister Tan." Pagpapaalam ko sa tatlo. Tumayo na ako at tumalikod at may nakabanggaan naman ako na isang babae. At natapon sa kaniya yung dala dala niyang mga pagkain na nakalagay tray.

"Whoooooaaaaaaa!" Sigawan ng mga tao.

Tinignan ko yung Babae at bigla nalang niya akong sinampal. "Tanga ka ba? At hindi mo ako nakita?"

"Bakit? Mabubunggo ba kita, kung nakita na kita?" Sarkastiko kong sabi. At nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Hindi mo ba ako kilala?"

"Bakit? Interesado ba akong makilala ka?"

"Tsk. Galing mo rin ano? Pero sorry ka wala ng tataray sa napakataray kong mukha at ugali. Ako lang naman ang Muse nila dito. At ako ang pinaka ginagalang at kinakatakutan ng lahat. Dahil ako si Krishna Lim" sambit niya habang nakataas ang kilay. Grabe ha. Mas mataas pa ata sa universe ang pagkakataas ng kilay neto.

"Edi okay. Ikaw na ang muse." Pangaasar Kong sambit.

"Ah. Sumusobra ka na talaga" kinuha niya yung juice na hawak nung babaeng dumaan. Teka wag mong sabihin na.

Aktong tatapunan na niya ako kaya pumikit na ako at hinihintay sa basa Kong mukha. Pero Parang wala namang basa. Hinawakan ko yung mukha ko Pero wala. Kaya minulat ko na ang mukha ko. At nakita ko na isang Babae ang nasa harapan ko at basa siya.

At tinignan ko naman na nakasalampak na si Krishna sa sahig.

Humarap naman sa akin yung babae at laking gulat ko na yung kasurname ko ang sumalo ng juice na dapat nasa akin na ngayon.

"Ayos ka lang?" sambit niya. At parang nag-aalala siya.

"A-ayos lang ako. Ikaw tara magpalit ka na" sambit ko at tumango naman siya. Tinignan ko naman yung tatlo at pati rin sila gulat na gulat sa nangyayari ngayon.

*******

"S-salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina" sambit ko. At nandito kami ngayon sa Cr.

"Anu ka ba? Wala yun. Basta kapag may nangapi sayo sabihin mo lang sa akin ha." sambit niya. At napangiti naman ako. Ang gaan sobra ng pakiramdam ko sa kaniya. Para ko na nga siyang ate eh.

"Salamat" sambit ko habang nakangiti sa kaniya.

*beep*

"Wait lang ha" sambit ko at tumango naman siya.

Kaya kinuha ko na agad ang CP ko. At nakita ko na nagtext na si Coach at magsisimula na daw ang Contest.

"Ahm. Ella Right?" at tumango naman siya. "A-ano kasi. Aalis muna ako dahil may Contest ako ngayon sa swimming." sambit ko.

"Ah? Talaga? Swinmer ka?"

"Oo eh. Kaya aalis na muna ako. May laban pa kami."

"Asige Goodluck." sambit niya at lumabas na ako sa CR.

*********
Drey's POV

Nasan na ba yung babae na yun? Alam naman niya na magsisimula na ang Contest pero wala parin siya hay.

"Sir mukhang di na ata makakarating si Mar-"

"Anong di makakarating? Eto na nga ako oh. Sisiraan mo pa ako kay Coach" sambit niya. Aba sisiraan daw? Tsk. Wow ha.

"Di ko na kailangang siraan ka dahil sirang sira ka naman na." sambit ko at mukhang nainis naman siya.

"Oh siya tama na. Magsisimula na ang laban. Okay Drey sa number 4 ka at ikaw Marion sa 5" sambit sa amin ni sir. At pumwesato na ako. At si Marion nagpalit na ng Pangswimming.


Hanggang sa nagsipwestuhan na kami. "Okay on your mark, ready get set GO!"

At tumalon na ako. Masyadong malalakas ang kalaban kaya mas lalo ko nalang binilisan. At ganun din ang ginawa ni Marion.


At hanggang sa huli kami na  ang nanalo.

"Nice. Good job Drey ang Marion. Kayo na ang the best partner" sambit ni Coach.

"Yes. We know sir. Actually ako nga ang nagdala. Masyado kasi siyang mabagal." sambit ko. At siyempre proud na proud ang lolo niyo no? Nakita ko naman ang naging reaction ni Marion kaya napatawa naman ako.

"Oo nga po sir Siya nagdala. Kaya nga po proud na proud siya eh no?" at pinanlakihan naman niya ako ng mata.

"Alam niyo? Bagay sana kayo. Kaso dinaig niyo pa ang aso at pusa kung mag-away eh. Diyan na nga kayo. Congratulations." sambit ni sir at naglakad na paalis.

"Yan kasalanan mo kasi." sambit ko.

"Anong ako? Ikaw kaya!" sambit niya.

"Tsk. Bahala ka na nga diyan." at tinalikuran ko na siya at naglakad na papalayo habang nakangiti.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon