Prologue

3.2K 33 0
                                    



"Who are you?" Tanong ko sa babaeng nasa harapan ko na ngayo'y dugoang nakaluhod habang hawak ang tagiliran. Nanginginig din ang mga kamay kong, hawak ang baril na nakatutok sa kanya. Hindi ko alam kong bakit at kailan. Bakit nandito ako sa sitwasyong ito na nalilito.

Hindi ko na alam kong ano ang paniniwalaan.

"It's me." Malamig nitong sabi sa akin habang direktang nakatingin sa aking mga mata. Hindi ko naman siya matingnan ng maayos dahil iwan ko ba iba ang epekto ng mga tingin niya sa akin. Hindi ko alam bakit sa kaloob looban ko ay gusto ko siyang takbuhin at alalayan. Iwan!

"Who?" Isinantabi ko ang takot at lakas na loob ko siyang tinanong ng blanko. Tumaas lang ang gilid ng labi nito sa tanong ko. Napaatras ako ng ilang hakbang ng tumayo siya mula sa pagkakaluhod. Mahina siyang napa ubo, umagos sa kanyang labi ang makintab na kulay pulang mga dugo bago siya nag simulang magsalita.

"Your wife, idiot!" Nanghihinang saad naman niya. Mukhang marami ng dugo ang nawala sa kanyang katawan. Pero tila hindi nito alintana ang kanyang sugat at sa sitwasong mayroon siya dahil nakaukit sa mukha nito ang walang takot at pagkabahala.

"Shoot her!" Kaagad na nabaling ang tingin ko sa kanya. Kahit litong lito na ako sa mga pangyayari ay pilit kong pinapakita na normal lang sa akin ang lahat.

"Why?" May halong pagtataka na tanong ko sa taong tanging kasama namin sa loob ng silid na aming kinanaroroonan. Hindi ko rin maalala at matukoy kong saan kami o paano ako napadpad dito. Tanging siya, ako at ang babaeng duguan na sa harap ko ngayon ang nandito sa loob.

Sinundan ko siya ng tingin, nang magsimula itong maglakad sa bahagi kung saan naka pwesto ang sofa at kaswal na umupo. Kumuha muna ito ng maiinom saka ako makahulugang tiningnan.

"You have to do it Zack or should I say Liam Crey.." Utos niya kasabay ng pagbigkas sa aking pangalan, saka sumilay sa labi nito ang isang mala demonyong ngisi. Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Makikita sa mukha nito na tila na aaliw pa siya sa mga pangyayari. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang niya ako at nang hindi ko kilalang babae na asawa ko daw. Tiningnan ko ang babae. Tahimik lang ito at mariing nakatitig sa akin.

Para akong mababaliw, sumasakit din ang ulo ko sa kakaisip at pilit na pag-alala pero kahit katiting na memorya ay wala. Gusto kong sumigaw at magwala. Liam Crey? Bakit tinawag niya akong zack bago 'yon, ibig sabihin hindi ko totoong pangalan ang una niyang sinabi. 

Tsaka iba rin ang dating sa akin ng marinig kong sabihin niya ang pangalang 'yon. Nang marinig ko ito mula sa kanya ay para bang may pilit na alala mula sa pinakailalim ng isip ko ang gustong makawala.

Nabalik lang ako sa aking sarili at pagkatulala ng magsalita ang babae na asawa ko daw.

"I love you!" Bulong nito sa hangin pero rinig na rinig ko naman. Tiningnan ko ng mabuti ang kabuuan ng kanyang mukha, sa hindi ko matukoy na dahilan ay para bang dinuduyan ang puso ko sa sinabi niya.

Mas hinigpitan ko ang hawak ng baril at mariin itong itinutok sa kanya. Ibinaba ko rin ang safety pin ng baril, hindi ko alam dahil kusa na lang gumalaw ang kamay ko na gawin ito.

Umalingaw ngaw naman sa paligid ang malakas na tawa ng taong nakaupo sa sofa. Ramdam ko din ang pagtagaktak ng pawis mula sa gilid ng aking noo. Nanginginig ang kamay ko sa di malamang dahilan. Bakit? Bakit ako kinakabahan?

Sinalubong ko ang tingin ng babae sa akin. Blanko ang mukha niya pero iba naman ang ibinibigay na emosyon ng kanyang mga mata. Ramdam ko, alam ko na kilala ko ang babaeng 'to. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso, na parang sinisigaw nito, pinapaalala sa akin kung sino sa buhay ko ang babaeng to.

"Zack!" 



"その後死ぬ" sabi ko na sa ibang lengwahe. Hindi ko na alam kong ano ang sunod na nangyari basta, huli kong narinig ay ang putok ng baril at ang pagdilim ng paligid.






.........................................


"A true queen will protect three things: her king, her throne and her kids." - unknown


.........................................

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon