Papasok ako sa school ngayong tanghali dahil laging tanghali yung pasok ko, sa umaga at gabi naman nasa Restaurant ako.
(In the middle of class)
Ring!!!!!Ring!!!!!
"Hello" pabulong kong sagot
"Alley, tawag ka ni Sir Kurt at pinapapunta ka ngayon dito" sagot naman ni Joanne.
"Hindi pede nasa school ako ngayon"
( tut.....tut.....tut.....)
Pinatayan ako grabi talaga si Joanne. Pagkatapos ng ilang minuto.
Booooooooooggggggggssssss!!!!!!!!!!
"Sorry, may eexcuse lang kami" sabi ni Dylland. Habang naglalakad ang apat ang mga classmate kong babae ay nagsisitilian.
"Tumayo ka dyan" sabi sakin ni Sir Kurt.
"Magsilabas nga kayo dito, kabastusan yang ginagawa ninyo!" Sigaw naman ng teacher ko na kala mo kaya nya yung apat.
"Shut up!!!!" Sigaw ni Mark sa teacher ko na ikinatahimik ng lahat.
Hindi parin ako pumayag kaya binatak ako ni Sir Mark palabas ng pinto. Dinala naman ni Sir Kurt yung bag ko at lahat ng classmate ko nag aaayyyyiiiieeeee
"Sorry po uli" sagot ni Dylland. Nang makalabas kami ng campus.
"Bakit ba?" Sigaw ko sa kanila na kahit alam kong boss ko sila.
"Magbihis ka" sabi ni Sir Yce at sabay bigay ng damit sa akin.
Nagbihis na lang ako, pumunta ako sa C.R ng school at pagkatapos ay hinaya nila akong sumama sa kanila. Pumunta muna kami sa Restaurant para tawagin si Joanne.
Pagdating namin ay diretso sa kwarto ang apat. Dahil sa kailangan kong maghintay kay Joanne naupo muna ako. Hindi pa man ako nakakaupo biglang lumabas si Joanne.
"Hi" sabi nya
"Tara na tapos ka na pala" sagot ko naman.
"Hindi pa meron pa maghintay ka" sagot nya.
Isa-isang lumabas sa kwarto ang apat na nakapang pormal na damit. Kami ni Joanne na dress at yung apat ay naka pormal.
"Let's go" sigaw ni Joanne
Natulala ako ng ilang segundo dahil ang popogi nila sa suot nila. Parang mga prinsipe sa kwento, agad naman akong natauhan ng sinabi ni Mark na aalis na.
Habang papunta kami nagtanong ako sa kanila kung aano kami at kung bakit ganto ang suot ko."Maghintay ka" sagot ni Sir Yce
Nagulat ako sa nakita ko dahil isang party ang pinuntahan namin. Unang bumaba ang tatlo si Yce, Joanne and Dylland. Sumunod kami si Kurt, Me, Mark. Ayan ang pwesto namin habang papasok sa party.
Lahat ng nadaanan naming babae ay tumitili kala mo first time nilang nakita yung apat. Pag upo namin biglang may nagsalita sa harapan at tinawag sina Yce, Dylland and Kurt. Pagkatapos magsalita ng tatlo tinawag nila si Mark, maganda yung speech nila pero nagulat na naman ako ng tawagin nya ko. No choice ako kundi pumunta sa stage, nakakahiya lahat ng ilaw nakatapat sayo tas kitang kita ka. Pag akayat ko narinig ko yung dalawang MC.
"Sino sya?" Sagot ng isa
"Ewan, diba may girlfriend na si sir Mark?" Sabat naman ng isa.
Feeling ko nagmumuka akong malandi sa paningin ng iba. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Magsasalita na sana si Mark ng may sumigaw.
"Malandi" sigaw ni Cara.
Lahat ng tao nagsitinginan kay Cara, ilang ulit nyang sinabi iyon sa harap ko habang tinuturo ako. Nalaman din ng mga tao na wala na sila ni sir Mark, nang dahil daw sakin.
Teka! Dahil sakin...wait lang ahhh....nagegets ko na kung bakit nagagalit sakin si ma'am Cara. Teka teka teka teka.....mali ata yung naiisip ko na kaya nagagalit si Cara sakin dahil ang alam nya na ako yung bagong girlfriend ni sir Mark. Mali naman ata to nasisira yung pagkatao dahil sa isang pagkakamali na hindi ko naman alam.
" Cara!! Get out" sigaw ni Mark
" Bakit ayaw mo bang malaman ng lahat nangnandito na iniwan mo ko para ipagpalit sa isang mabaho, pangit at walang silbi na waitress." Sigaw ni Cara
Tama nga ako...pano yun nagawa sakin ni Sir Mark kaya pala lahat kilos nya tungkol lahat sakin. Una, nung nagaaway sila. Pangalawa, yung sa ipis. At huli, kanina sa school yunh binatak nya ko.
"Guard!!" Sigaw ni Yce
Hinawakan ng mga guard si Cara, habang kinukwento nya lahat. Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak. Ang tanga ko bat hindi ko man lang agad naisip na mali na pala ang mga nangyayari. Anong klaseng babae ako ala nga akong silbi.
"Ano malandi, mabaho at pangit na waitress. Hindi ka ata makasagot tama ang mga sinabi ko diba inagaw mo sakin si Mark. Nilandi mo si Mark" sumbat nya sakin.
" Ang sakit mo naman magsalita. Bakit perpekto ka ba, oo sige pangit ako pero mabaho at malandi sobra naman ata yun. Matino akong babae na hindi mo katulad, kaya ka iniiwan ng mga taong mahal mo dahil ala kang silbi at halaga sa kanila. Tsaka anong problema mo kung isa lang akong waitress at least ala akong natatapakan na tao." Sagot ko sa kanya habang umiiyak, umalis narin ako sa party.
"Alley! Plsss...." sigaw ni Mark
"Tsaka pala wag nyo na kong papakeelamanan, tratuhin nyo na lang po akong isang empleyado." Sagot ko sa kanila.
"See... umaalis ka kasi alam mong mali ka at tama ako." Busit ni Cara sakin.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Boys
Teen FictionSa apat na lalaking ito isa ang magugustuhan ko kahit na apat sila sya parin dahil sya lang naman yung lalaking una kong minahal sa kanilang apat. Alleysa ang pangalang minahal ni Mark, ang taong nasaktan nya. Ako yung taong tumiis sa hirap na iyon...