Chapter 8 (Pagkakabati)

480 14 0
                                    

Alley's POV

Pagpasok ko sa trabaho ay nakita ko ang apat na nasa isang table at malungkot. Ako daw ang hinihintay nila.

Ano naman ang gagawin ko.

"Ano na naman gagamitin nyo na naman ako at hahayaang inaaway ng iba"

"Alley, sorry this is all my fault."

"Kasalanan mo talaga, pati magulang ko nadadamay."

Hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ko tapos na yon na dapat ay kalimutan ko na lang. Pero hindi ko magawa nawala yung dignidad ko nung mga panahon na iyon.

"Alley, sorry.... sorry kung nagawa ko yun....at sorry dahil"natigilan sya at nanahimik ng ilang segundo. Nakita ko naman na ngumisi si sir Kurt.

"Dahil ano! Tangina naman! Sabihin mo na ayokong magalit ayokong ilabas yung totoong ako."Alley shit! Ano yung mga sinasabi mo lihim mo yan at ikaw lang makakaalam.

"Dahil"

"Dahil ano!"

Nagulat ako ng makita ko si Mark sa aking harapan at hinawakan ang bewang ko. Hindi ko magalas yung mga paa ko at maibuka ang aking bibig.

"Dahil MAHAL kita"

Lahat kami ay natahimik dahil lahat sila ay narinig. Bakit ganun yung puso ko parang gustong umalis sa pagkakapwesto nya. Namula ako ng yakapin ako ni Mark at lalo na nung bigla nya akong hinalikan.

Nagmuka akong tanga sa harap nila nagising nalang ako sa katotohanan ng magtawanan sila.

"Pero--"

"Oo alam ko boss mo ko at empleyado kita."

Lagi nalang napuputol lahat ng naririnig at sinasabi ko. Pero kaibigan ko lang sya hanggang dun lang dahil may crush ako at ayokong ako yung maging dahilan ng away nila. Mahirap na baka mamaya magpatayan sila para lang malaman kung sino ang para sa akin.

Kinuha akong Secretary  ni Mark sa company nila. Pumayag na lang ako dahil mas mataas yung sahod kaso hindi ko na makakasama si Joanne sayang naman.

Sinabi ko na rin kay Mark na bati na kami, at nakita ko yung ngit sa labi nya. Sobra syang nasiyahan at pinangako na hindi na mangyayari yung mga nangyari.

"Salamat Alley"

Ayan na lang yung lumabas sa bibig nya parang ang laki ng impliwensya sa kanya ng "salamat".

Pero may crush ako at pano kung malaman nya. Pano kung hadlangan nya yun dahil ang hindi nya alam ag sa company nila iyon nagtatrabaho at sya yung pumapalit kay Mark kapag ala ito. Hindi naman sila magkapatid para magliwas tsaka alam ko iisa lang syang anak.

***
Mark's POV

"Kurt guys may sasabihin ako pero sa bahay na lang para tayo-tayo lang."

Pumayag naman sila sa sinabi ko siguro time na para sabihin sa kanila lahat ng alam ko.

The Four Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon