Chapter 22 (Help)

271 13 0
                                    

Mark's POV

Ano ang dapat kong gawin para mabalik sa akin si Alley. Tama nga sya dapat pinakinggan ko sya kasalanan ko ang lahat. Sinabi ko sa tatlo ang nareceive ko ganun din kay Joanne at sa pamilya ni Alley. Lahat kami ay nagiisip ng paraan kung pano namin makakalaban ang mga  bantay ni mama.

Nagkatinginan kami ni Yce at tumango ito parang gusto nyang sabihin na ito yung tamang panahon para humingi ng tulong sa dalawang gang na malapit sa akin. Ito na rin ang tamang oras para kalabanin ko ang dapat kong kalabanin at tamang oras para makuha ko ang dapat ay nasa akin.

Pumunta ako agad sa dalawang gang pumayag naman sila sa sinabi ko. Lahat na ngayon ay nakaplano at alam kong lahat ng sekreto ko ay mabubunyag. Mga katotohanang magpapatalo sa kanila dahil alam kong sa una palang kayaman na ang habol nilang dalawa sa akin.

"Kailangan na nating umalis malayo layo ang lugar na ito. Joanne kami na lang ang aalis bantayan mo sila dito babalitaan na lang namin kayo."

"Opo sir magiingat po kayo."

Umalis kaming apat kasama ang dalawang gang. Nagulat kami sa driver namin si Gavin ano ang ginagawa nya dito.

"Hindi nyo ko isasama buhay ng kaibigan ko ang nakataya."

No choice akong isama ang gagong to. Isa pa rin to eh pasalamat ka na lang Gavin si Alley ang pinaguusapan natin kaligtasan nya. Pero kung kalandian mo fire ka na sa trabaho mo. Nakarating na kami sa lugar kung saan nandoon ang aking ex at ina kasama ang aking mapapangasawa.

Nakita ko ang mga gang na pumapatay sa mga ex ko. Nakita ko rin ang isang lalaki na lumabas sa isang limo. Nilabas nila mama si Alley ang lalaki ay may dalang tatlong bag na sa tingin ko ay pera.

"Hindi nya pinapatay kundi binebenta."

Pinigilan ko ang lalaki na kapag hinawakan nya ang fiance ko mamamatay sya.

The Four Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon