Kurt's POV
Pagkadating namin sa bahay nila niyakap sya agad ng mama nya. At halos lahat ay nagtanong kung sino ang babaeng iyon.
"Anak ko pala! Ate ni Alleysa!" Lahat ng kapitbahay ay nagtaka na ayun na pala ang ate ni Alleysa. Nakita nya si Alleysa na anak ni Zariah at agad nyang tinanong kung ayun nga ang apo nya.
"Ah. This is your daughter her name is Alleysa, pinangalan ko sa kanya ang name ni Alley." Naiyak na lang ang mama ni Zariah at niyakap si Alley.
"Hi po, you are my grandma right? My mom is always telling me how great you are." Tanong ni Alley sa lola nya.
"Oo ako nga." Kita sa muka ng lola nya ang magagandang ngiti. Kaya naghaya na lang si Joanne na kumain. Pagkatapos naming kumain may isang sasakyan na huminto sa harap. Habang naguusap ang magina kalaro naman namin sa terrace si Alley. Niluwal ng pinto si Mark, at kinabahan ako sa mga mangyayari.
"Yce? Kurt? Joanne?" Tanong ni Mark.
"Daddy, is that guy is your friend?" Tanong ni Alley kay Yce.
"No, Alley that guy is my twin brother." Sagot naman ni Yce kinakabahan na ako lalo't nasa loob si Zariah.
"Daddy? Alley? Yce ano ito?" Tanong nya na halatang may gusto na ipahiwatig.
"Oo anak ko, Alleysa Cruz dahil hindi ako umabot kay Alley pinangalan ko na lang sa kanya ang anak ko." Sagot nya.
Pano kapag pumasok sa loob si Mark? Makikita nya si Zariah, kinakabahan ako sa mga mangyayari ngayong araw. Sana naman hindi nya mahalata na si Alleysa at Zariah ay iisa.
"Hi Uncle Mark!" Sagot ni Alleysa kay Mark. Iniisip ko pano kung malaman ni Mark na si Alleysa ang bunga nung mga araw na binababoy sya.
"Hi Alleysa, alam mo bang ka pangalan mo yung babaeng inibig ko noon hanggang ngayon." Napatingin ako kay Mark ng sabihin nya iyon. Mahal nya parin si Alleysa.
"Really?"pagkatapos sabihin ni Alley iyon hinaya na namin sya ni Joanne maglaro para makapagusap ang dalawa.
Habang naglalaro kami hindi maalis sa tingin ko ang magkapatid. Ano kaya ang pinaguusapan ng dalawa? Parang nagaaway na sila. Lumakas ang usapan nila hanggang sa maging sigawan na. Nagulat kami ni Joanne wala na sa tabi namin si Alley.
"Hey! Stop that! Don't yell my father!" Pagsigaw ni Alley habang umiiyak.
"Alley, wag kang umiyak." Napansin kong lalabas ng bahay si Zariah dahil siguro narinig nila ang bangayan ng dalawa. Ito na ang kinakatakutan ko baka mamaya makilala nya si Zariah.
"What's happening here?" At ayun na nga lumabas na sya. Isa na itong malaking rebelasyon sobrang laki. Binulungan ko si Joanne na papasukin sa loob ang family ni Zariah para hindi ganong masaktan sa mga sasabihin ni Zariah. Dahil si Alleysa noon at Zariah ngayon ay palaban na at iba na kung magsalita. Kaya kung paghaharapin namin si Cara at Zariah may tyansang matalo si Cara.
"Mommy, uncle Mark yell daddy Yce." Sumbong ni Alley sa mama nya.
"Alley?" Sagot naman ni Mark sabay yakap. Alam kong nagseselos na si Yce.
"Wag mo ngang yakapin ang asawa ko! Hindi sya si Alleysa mo! Sya si Zariah Liveste-Cruz ASAWA ko!" Sigaw ni Yce sa kambal nya na halatang gigil na gigil na.
"Yeah! I'm Zariah, Yce's Wife and you? Who are you?" Hays! Buti naman hindi na nya naaalala si Mark. Nanlaki ang mga mata ni Mark gulat na gulat na hindi na sya natatandaan ng babaeng minahal nya at sinaktan nya.
"Hindi mo na ako kilala? Si Mark? Yung lalaking minahal mo." Sagot ni Mark na kala mo makikilala sya ni Zariah.
"Nope, and sorry I do not know who you are. And FYI si Yce lang minahal ko." Pasagot namang sabi ni Zariah.
****
Mark's POV
Malakas ang kutob ko na si Alleysa yung sinasabi nilang Zariah. Shit!!! Ano ba kasi pinaggagawa mo Mark! Yung mga panahong kailangan ka ni Alley nasa ka! Na kay Cara nagpapakasarap!
Naisip ko na lang na umuwi at bumalik sa bahay. Dahil masakit para sa akin na makita si Zariah.
****
Yce's POV
Pagkatapos umuwi ni Mark, umuwi na rin kami nila Alley at Zariah para makapagpahinga. Nagpaalam na kami sa mama nya at saka umuwi pag dating namin sa bahay pinaghilamos ko si Alley, diretso naman sa kwarto si Zariah. Kumuha ako ng tubig tsaka dinala sa taas, nasa harap palang ako ng pinto naririnig ko na ang iyak nya. Binuksan ko ang pinto nakita ko sya na nasa viranda at tinatanaw ang swimming pool sa baba.
"Tubig ka muna, alam ko masakit pa." Sabay upo sa isang upuan tsaka tinignan ang langit. Sana sa susunod hindi ka na iiyak, sana sa susunod sakin ka na talaga.
"Wala na eh, pero bakit? Bakit meron pa?!!!!!!!!!! Kailan mo ba ko titigilan! Tama na! Masakit na! Ayoko na!" Sigaw nya na kala mo wala ng panahon para makalimot. Ang likod namin ay isang magandang tanawin kaya kahit sumigaw ka walang magagalit sa iyo. Ilabas mo lang ang galit mo, para mas mabilis mo syang makalimutan.
Dahil gabi na, naghaya na akong maghapunan. Pinuntahan ko muna si Alley sa kwarto nya tsaka hinaya. At pag katapos bumalik ako sa kwarto para hayain si Zariah. Sa oras ng hapunan si Alley ang nagdasal, sya rin ang nagsimula ng tawanan. Kahit na kakagaling nya sa iyak makita lang nyang masaya si Alley masaya narin sya. Kaya hindi halatang umiyak sya, at sana hindi nga iyon napansin ni Alley.
"Mommy, why are you crying? Your eyes is red." Napatingin ako kay Alley ng sabihin nya iyon. Sabay nyang niyakap si Zariah at pinunasan ang luha.
"Mom and Dad, I love you, mommy wag ka na pong umiyak please." Tumango naman si Zariah tsaka kami nagyakap tatlo.
Pagkatapos ng hapunan pinatulog ko na si Alley tsaka ako bumalik sa kwarto naabutan ko si Zariah na naghihilamos sa cr kaya nagpaalam na lang ako saka natulog.
"Good Night, mauuna na akong matutulog." Wala akong narinig na ano mang salita kaya hinayaan ko na lang sya tsaka ako humiga sa kama at natulog.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Boys
Fiksi RemajaSa apat na lalaking ito isa ang magugustuhan ko kahit na apat sila sya parin dahil sya lang naman yung lalaking una kong minahal sa kanilang apat. Alleysa ang pangalang minahal ni Mark, ang taong nasaktan nya. Ako yung taong tumiis sa hirap na iyon...