Kurt's POV
Dahil sa mga nangyari ng ilang araw nakalimutan na namin yung flight namin kaya nagpabook uli kami. At salamat ay matutuloy na. Pupunta kami ngayon kila Dylland sa Korea para mag bakasyon. Gusto ni Mark na maiwan pero hindi nya magawa dahil alam nyang special kay Dylland yung lakad namin na to kaha kasama sya. Gusto rin nyang isama si Alley pero sabi namin hindi pede dahil nag-aaral sya at may trabaho sya na dapat tapusin.
Hindi na kami nagpahatid kahit kanino hindi rin alam ni Alley na ngayon na ang alis namin kaya mag isa sya ngayon sa office. Nangangamba kami na baka mamaya pagbalik namin ala na sya o may nangyari ng masama sa kanya. Habang naghihintay kami nakita ko si Mark na may kausap sa cellphone.
"Sino yang kausap mo?"
"Si Alley sinabi ko sa kanya na ngayon yung alis natin at paalis na tayo ng Pilipinas."
Siguro naman tanggap nya na yung mga nangyayari. Tungkol pala sa Restaurant hindi namin iyon pinasara dahil si Alley yung secretary at si Gavin ang kapalit kaya patuloy parin ang pagtrabaho nila Alley, Gavin and Joanne.
Byeee aalis na kami see you na lang pag nakalapag nakami sa Korea.😊😊😊🇰🇷🇰🇷🇰🇷🇰🇷🇰🇷
***
Alley's POV
Ala akong kasama ngayon kung hindi si Gavin at Joanne. Nakakamiss silang apat parang kailan lang ang dami na palang nangyari sa loob ng isang buwan.
"Alley ok lang yan ginawa lang nila iyon dahil kay Dylland."
"Alam ko naman na special yun sa kanila kaya lang hindi ko alam na ngayon pala yung alis nila."
Ala na akong nagawa kung hindi tawagan si Joanne. Si Joanne ang namamahala ngayon sa Restaurant at si Gavin naman sa kompanya. Ako secretary parin alang nagbago. Iniisip ko na hindi pa naman kami ni Mark pero yung galaw namin parang kami na at parang legal kami sa mga side namin.
"Hello, Joanne busy kaba pupunta ako dyan ngayon."
Hindi na ako nagaksaya ng oras pumunta na ako sa Restaurant. Naabutan ko si Joanne na nag wawalis tinulungan ko sya at nag usap kami sa loob ng kwarto. Pinaguusapan namin yung apat alam pala nya yun hindi man lang sinabi sakin.
Habang naguusap kami may narinig akong boses at sa tingin ko kilala ko yung boses na iyon. Lumabas ako at tama nga kilala ko nga yung boses na yun. Alam din pala nya to, mommy ni Mark sya ang nandito. Nakita nya ako at ngumisi parang nagagalit sa akin dahil hindi ko pa nilalayuan si Mark.
"Ms. Nathallia Alleysa Gillarco, layuan mo si Mark. Dahil hindi sya pedeng magkaroon ng girlfriend."
Hindi pede pero ang dami nya ng naging ex. Tsaka bakit ang init lagi ng ulo nya sakin. Ala naman akong ginagawang masama.
"Hanggang dito pa ba sinusundan mo si Mark"
BINABASA MO ANG
The Four Bad Boys
Teen FictionSa apat na lalaking ito isa ang magugustuhan ko kahit na apat sila sya parin dahil sya lang naman yung lalaking una kong minahal sa kanilang apat. Alleysa ang pangalang minahal ni Mark, ang taong nasaktan nya. Ako yung taong tumiis sa hirap na iyon...