Chapter 35 ( Hospital)

252 11 0
                                    

Dylland's POV

Ang ganda ng kwento ng dalawa at kahit may pahamak na dumating sa kanila sila parin ang magkasama hanggang dulo. Natapos na ang operasyon ng dalawa at sa awa ng panginoon successful ang pagkakaopera sa kanila. Pinagsama nalang din namin sila sa iisang kwarto at pinagdikit ang kama nila. Naisip din naming kunin ang yung mga pictures nila ni Mark na nakadikit sa kwarto ni Mark. Para sa pagmulat ng mga mata nila mga masasayang araw at alaala ang makikita nila.

Pinakawalan narin ni Kurt si Alley kahit na mahal nya pa si Alley. Hinihintay na lang namin na magising ang dalawa. Sila na talaga siguro ang magmamahalan hanggang dulo. Ang daming problema at pagsubok ang dumating sa kanila pero pinakita nila na kaya nilang lampasan lahat ng pagsubok at problemang dumarating sa kanila.

"Yce bat ang tahimik mo? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ala nagaalala lang ako sa kapatid ko." May dahilan naman pala sya kala ko wala.

Biglang bumukas ang pinto at niluwal ang dalawang tao. Sila Gavin at Liya? Binisita ni Gavin si Alley at si Mark naman kay Liya. Matagal tagal din bago ko ulit nakita ang dalawang ito. Si Liya ang palaging hawak ay mga papeles at si Gavin naman ang kadalasang pumapalit kay Mark.

"Teka! Bakit magkasama kayo?" Tanong ni Kurt na sa tingin ko lahat kami ganun ang tanong.

"Ah. Kami na pala ni Liya." Sagot naman ni Gavin. Kailan pa? Kung sa bagay at least nakahanap sila ng taong magmamahal sa kanila. Nagtatawanan kami ng magising si Mark.

"Aray!! Shit!! Nasan ako?" Una nyang sinabi hindi man lang sya nabago ng operasyon nya.

Sinagot namin sya at nakita nyang hawak nya ang kamay ni Alley na kaparehas nyang kalagayan kaso medyo malala kay Alley sa kanya isang bala lang ang tinanggal,  kay Alley dalawa kasama ang sa binti. Nakita din nya ang mga pictures nila ni Alley na nakadikit sa sa pader lahat at hindi naman kami nagkamali natuwa si Mark. Natulog sya ulit sa pagkakataon na iyon niyakap na nya si Alley.

Habang tinitignan ko sila naisip ko pano kung hindi muna kami umuwi ni Alley mangyayari kaya ito. Pano kung sa Korea na lang sya nagturo at kinalimutan si Mark mangyayari pa kaya sa kanya ito. Pero wala akong magagawa nangyari na eh ano pa ba ang ibabalik ko kung yung present nya ay mas masaya pa sa past nya.

Habang natutulog si Mark si Alley naman ang nagising lahat kami ay napatingin dahil ligtas sya. Nakita nya na nakayakap sa kanya si Mark, katulad ng nakita ni Mark ganun din ang kay Alley. Nakita nyang maghawak ang kamay nila ni Mark at nakita rin nya na parehas sila ni Mark ng kalagayan. At ang ikinaiyak nya ay ang mga pictures na nasa pader. Nagising si Mark ng halikan sya ni Alley sa labi.

***
Alley's POV

Nang makita ko yung mga pictures at kalagayan namin ni Mark hindi na ako nagisip pa at hinalikan ko sya. Naramdaman ko naman na sinagot nya ang halik ko at lumabas silang lahat naiwan kami ni Mark sa loob.

"Ayos ka lang ba? Masakit pa ba?" Tanong nya sa akin na akala mo hindi sya nabaril.

"Opo ayos lang po ako, ikaw po?" Tanong ko sa kanya at hindi nya ako sinagot dahil ang sagot nya sa akin ay isang matamis na halik.

Bumabalik ang saya ko at sa tingin ko nahigitan ng present si past. Pero mukang matatagalan kami sa hospital dahil sa akin. Pero hindi ko inisip iyon dahil alam kong nandito silang apat para protektahan at mahalin ako. Pagkatapos ng usap namin pinapasok na namin sila nakakatawa yung taong kinagagalitan ko sya pala ang taong tatagal sa buhay ko.

Bigyan ko kayo ng advice about sa mga pagibig nyo. Sa mga nafriendzone ano ba ang tama sa inyo ng friendzone? Kaya nga friendzone hanggang friends nalang kayo pero ayaw mo pa. At least nga hindi mo naranasan ang iwan sa ere. Sa ibang case naman ng pagibig ninyo, kung kayo pa hanggang ngayon advice ko lang kailangan may equality parin. Hindi pedeng lumalamang si kuya boy or si ate girl. Sana may natutunan kayo kasi ako ang dami kong natutunan sa buhay ko simula nung naghahanap ako ng trabaho hanggang maransan ko ang umibig.

Akala ko nung una pagumibig ka parang wala lang hindi pala kasama pala dito ang mga pagsubok na kailangan kayong dalawa ang lumutas.

The Four Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon