Alley's POV
Hintay pa ng ilang buwan makakalabas na ako dito sa hospital. Nauna na sa akin si Mark kaya pumunta sya sa kulungan para bisitahin ang mama nya. Sabi nila Kurt sa akin may sasabihin daw si Mark sa mama nya. Siguro na pagisip na nya kahit anong mangyari nanay nya parin iyon. Nine months ang lumipas sakto nayon para mapagisipan ni Mark ang lahat lahat. Magaling na ako kaso gusto pang makasigurado ng family ko kaya hanggang ngayon nandito pa ako.
"Anak, sigurado na ba kayo ni Kurt?" Tanong ng nanay ko dahil nga sa pinakawalan na ako ni Kurt. Ayokong saktan si Kurt pero wala akong magagawa mahal ko pa rin yung pesteng kriminal na iyon.
"Opo nay, tsaka hindi naman kami katulad ng iba na hindi na naguusap. Parang dati lang din po." Ngiti ko sa kanya sabay subo ng isang pirasong ubas.
Nakita ko si Yce na nakatingin lang sa amin kaya naisip kong kausapin nya kung bakit nandun si Mark. Baka kasi sinabi ni Mark sa kanya kung ano yung pakay nya sa kulungan.
"Yce, san pumunta yung kambal mo? Este aano ang kakambal mo sa kulungan." Tanong ko sa kanya habang sumusbo ng ubas.
"May gagawin lang daw sya, tsaka may sasabihing importante. Ayon lang ang sabi nya sa akin." Halatang nakaplano na ang lahat.
Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung ano yung gagawin nya doon. Magsosorry ba? Magagalit? Pero wala akong magagawa anak sya at nanay nya iyon. Nagtanghalian na wala parin sya, nagulat na lang kami nang may tumawag sa cellphone ni Yce. Nanlaki ang mata ni Yce parang may nangyaring hindi maganda, ano kaya ang nangyari sa kriminal na iyon.
"Yce sino yung tumawag? " tanong ni Dylland na akmang itatanong ko rin. Tumingin sa akin si Yce at alam kong tungkol kay Mark. Dahil ang tingin nya sa akin parang may gustong sabihin.
"Sino? Ano daw? " ang lumabas sa bibig ko kahit na sobrang dami ng tanong ko iyan lang ang nasabi ko.
"Si Mark, may ginawa." Nagsimula ng dumami ang tanong sa isip ko anong ginawa nya? Bakit parang masama ang kinahinatnan?
Ano kaya ang ginawa ni Mark. Shit!! Mark ano na naman ang kalokohang ginawa mo. Lahat kami nagmumukang tanga ano ang ginawamo? Nasaan ka na kasi Mark? Sagutin mo ang mga tanong sa isip ko, pumunta sila Kurt, Yce at Dylland sa prisinto para tignan kung ano ang ginawa ng kriminal na iyo. Pumayag naman sila gusto ko sanang sumama kaso mukang hindi pa ko papayagan ng doctor.
Makalipas ang ilang minuto nakatanggap ako ng tawag mula kay Dylland. Nang marinig ko ang sinabi nya nabitawan ko ang cellphone ko at napanganga dahil hindi ako makapaniwala na naisip nya ang ganong bagay. "Alley!!!!" Sigaw sa akin ni Joanne kaya nakabalik na ako sa reality.
***
Joanne's POVBihira lang akong mag point of view dahil maraming nangyari simula nung umalis si Alley papuntang ibang bansa. Hindi na rin ako nakaalis dahil nag aalala ako sa kanya, lalo na ngayong nasa hospital sya. Hindi sinabi ni Alley kung ano ang nangyari sa loob ng prisinto. Sa tingin ko sila Yce na ang magsasabi, buti pa si Gavin may Liya na sya. Si Alley naman may Mark na, sino kaya sa tatlo ang mapapasa akin?
Kung ako ang papipiliin si Kurt, ayoko si Yce masyadong bad boy, si Dylland naman may pagkabad at mabait hindi mo tuloy malaman kung mabait ba sya talaga o ano. Nakakatawa napasama ako sa gang nila, si Alley na dating simple lang ngayon iba na. Nabago sya ng apat, simula nung magtrabaho sya sa restaurant. Ang Restaurant? Maganda na binigyan na ni Alley ng theme at bumenta naman.
Hindi na Bad Boys ang name. The Bad's Restaurant may hawig parin sa unang name. Ayaw nya daw sirain yung naisip na name nung apat. Ang mga menu iba rin ang name may Bad Coffee, Bad Chicken halos lahat may bad. Mahal nya na talaga ang FOUR BAD BOYS.
Hindi kami mapakaling lahat dahil ayaw talagang sabihin ni Alley kung ano iyon. Tinext ko si Kurt para sabihin kung ano, ang sabi naman nya "Mamaya ko na sasabihin kinaklaro pa namin. Miski kami hindi makapaniwala sa ginawa ni Mark." Hindi ko pa nga alam ayaw rin nyang sabihin. Hindi naman ako detective para hulaan ano na ang nangyayari, hanapin ang clues at pinangyarihan?
Hinintay na lang namin dumating ang apat at sana kasama na nila si Mark dahil halata sa muka ni Alley maraming tanong na dapat sagutin ni Mark. At mukang ang mga tanong na iyon ay hindi biro mapapasubok ata si Mark.
Ilang minuto na ang lumipas wala parin sila kaya pinagpahinga na namin si Alley. Tulog na sya ng dumating ang apat, kinuwento sa amin ni Mark ang lahat. Nanlaki ang mga mata namin sa narinig, pati ang tatlo nangamba sa mga mangyayari. Naisip ko si Alley, ano kaya ang reaksyon nya? Magagalit ba sya? Matutuwa? O wala lang?
![](https://img.wattpad.com/cover/102627747-288-k589170.jpg)
BINABASA MO ANG
The Four Bad Boys
Teen FictionSa apat na lalaking ito isa ang magugustuhan ko kahit na apat sila sya parin dahil sya lang naman yung lalaking una kong minahal sa kanilang apat. Alleysa ang pangalang minahal ni Mark, ang taong nasaktan nya. Ako yung taong tumiis sa hirap na iyon...