Chapter 32 (Paguwi)

255 10 0
                                    

Alley's POV

Umuwi kami ni Dylland sa Pilipinas para kamustahin ang mga mahal ko sa buhay iniwan ko. Nasa airport palang kinakabahan na ako una ko agad naalala si Mark. Para talaga sa kanya iniwan ko sya, kahit hindi naman. Nagulat ako kung sino ang sumundo sa amin sila Yce at Kurt. Hindi ko mapigilang umiyak, namiss ko sila ng sobra niyakap nila ako at sinabing naiintindihan nila ang kagayan ko. Parang tuloy pinagsisihan ko na ginawa ko itong kalokohan na ito.

"Alley namiss ka namin ng sobra." Sabi ni Yce hindi ko napansin si Mark pero hindi na ako nag abala pang tanungin sya. Umalis na kami pagkatapos, habang nasa biyahe natanong ni Kurt kung ano status namin ni Mark.

"Ano na pala status nyong dalawa?"

"Dylland told me that he already got his new girl. Mark and I have no label at all." I stated as I look away to hide my pain.

Nakauwi ako sa bahay at nagulat ako ng isurprise nila ako. Ganun parin wala parin si Mark hindi ko sya nakikita simula kaninang umuwi ako. Hinaya ko na lang silang kumain para hindi ko na maalala si Mark tutal may bago naman sya wala na akong paki sa kanya.

Habang kumakain lumabas ako saglit ng bahay para makapagisip isip. Nagulat ako nang biglang sumunod sa akin si Kurt. Pinagusapan usapan namin ang status ko kay Mark. Direct ko ng sinagot ang tanong nya na "BREAK NA KAMI" tumango naman sya at feeling ko may gustong ipahiwatig ang tanong nya. Kaya tinanong ko na rin sya kasi baka mamaya maputol pa.

"May gusto ko ba sa akin? Kaya mo ba tinatanong yan?" Nagulat sya sa tanong ko nagblush din ang piski nya.

"Pede bang manligaw?" Natawa ako sa tanong nya sya manliligaw eh ang tagal na naming mag kaclose. Naisip ko na sagutin ko sya para sabay sa handaan. I know naman na muka akong malandi kasi agad agad sinagot ko sya.

"Ayokong maghintay yung taong minsan nang naging mahalaga sa akin. Kaya wag ka ng manligaw dahil sinasagot ko na ang tanong mo at ang sagot ko ay oo."

Sumigaw sya ng malakas kaya nakuha nya ang attensyon ng lahat. Niyakap nya ako at sinabi sa kanila na sinagot ko na sya. Nawala yung lungkot ko kay Mark, hindi ko na sya hinahanap pa. Pagkatapos ng party naguwian na sila naiwan na lang ang tatlo tinulungan nila kaming maglinis. Si Dylland ang nagwawalis, si Yce naman ang nagliligpit ng mga kinainan at si Kurt naman ang naghuhugas.

Pagkatapos maglinis pinauwi ko na sila dahil gabi na. Nang makalabas sila ng bahay at makaalis na pumunta agad ako sa kwarto ko at tinanggal lahat ng pictures namin ni Mark. Nilabas ko lahat ng galit ko kaya sinunog ko ang mga litrato at regalo na galing kay Mark.

Kinabukasan hinaya ako ni Kurt na lumabas kakain daw kami ng isaw. Sinundo nya ako sa bahay bago kami umalis nakita ko ang ngiti ni mama. Masaya sya para sa akin na kahit sinaktan ako ni Mark bumabangon parin ako.

"Saan mo naman ako dadalin?" Painosemteng tanong ko.

"Sa isang ihawan, kung saan kakain tayo ng isaw." Sa tingin ko ito na yung tamang time para kalimutan ko si Mark.

Pagdating namin isaw na agad ang pinili namin. Sampo ang binili namin sa likod ng kotse nya kami kumakain. Habang sayang saya kami sa pagkain naisip kong magselfie kami kaya kinuha ko ang cellphone ko sa loob.

"May girlfriend ka na daw? Sino para naman makilala ko malay mo pagkatapos mo ako naman sa kanya."

"Alam mo hindi na ako yung Kurt na kilala mo tsaka hindi ko na sya bibigay sayo. Dahil sinaktan mo na ang babaeng mahal ko sobrang sinaktan mo sya."

Narinig ko ang sigawan sa likod parang may kaaway si Kurt kaya agad ko syang binalikan. OMG totoo ba ang nakikita ko o panaginip lang ito.

"Alley? Sya? Pano? Kailan ka pa umuwi? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tumulo ng hindi ko alam ang luha ko at pinunasan naman ito ni Kurt. Lahat ng tanong nya ay sinagot ko ng humahagulgol.

"Sya? Oo si Kurt ang boyfriend ko. Pano? Dahil sayo iniwan mo ko sa ere ng ganun ganun lang. Kailan ako umuwi? Kahapon lang. Bakit hindi ko sinabi? Dahil pano ko sasabihin sa taong minahal ko dati sinaktan naman ako ngayon!!" Iyak na lang ako ng iyak habang pinamumuka kay Mark lahat ng katarantaduhan nyang ginawa sakin.

"Alley sorry kala ko hindi mo na ako mahal kaya ko nagawa iyon." Biglang may sumulpot na babae sa likod nya at sa tingin ko ito ang pinalit nya.

"Hey why are crying?" Tanong ng babae at sabay tingin sa amin.

Hindi ko mapigilan ang galit ko at binuhos ko na sa kanila ang lahat.

"So ito pala ang kapalit sana worth it. Kasi sa akin worth it at hindi ko papalitan si Kurt. Kaya kung hindi worth it ang inyo wala ka ng aasahan na ALLEYSA sa buhay mo! Sana una palang si Kurt na lang ang minahal ko! Kaysa sayo! Bakit ba kasi ako nabulag edi sana hindi ako kasama sa away nyo ng pamilya mo!! Edi sana si Cara na parin ang sayo at walang gulo o mamamatay na mangyayari." Pagkasabi ko ng iyon sabay ako nahimatay nagising nalang ako nasa hospital na ako una kong tinawag si Kurt kahit nandoon si Mark.  Silang dalawa lang ang nakita ko sa loob kaya hindi na ako nagsalita pa. Pero sabi ko kay Kurt ay tawagan nya sila mama at sabihing nasa hospital ako pero maayos naman ang kalagayan ko.

"Alley sorry." Biglang nagsalita si Mark na ikinatingin ko.

"Sorry kung hindi dahil sa akin sana nasa akin ka. Sana hindi ka napapahamak dahil sa akin." Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko para hindi nya makita na mahal ko parin sya.

"Matagal na akong napapahamak kahit hindi pa kami ni Mark. Nung tayo pa."

Oo mahal ko pa sya pero sinaktan nya ako kaya mabuti ng kalimutan ko na sya.

The Four Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon