Chapter 17 (First Call)

262 16 2
                                    

Alley's POV

Lagi na akong nililibre ni Gavin lagi narin nya akong hinahatid o sinusundo. Minsan nga nagtatanong na ko sa sarili kung sinusulit ba ni Gavin ang mga araw na wala si Mark. Kaso may buntot sya si Cara lagi syang bumubuntot kay Gavin ewan kung bakit.

Minsan nga hanggang bahay nila Gavin sinusundan sya ni Cara. Siguro gusto ni Cara si Gavin or baka gagamitin nya si Gavin para bumalik sa kanya si Mark. Hindi nagpaparamdam si Mark sa mga araw na wala na sya sa Pilipinas. Ano kali ginagawa nila ngayon dun kila Dylland, sana naman tumawag o magtext sya kahit hi or kamusta man lang para malaman ko kung ayos lang sya.

"Ring!!! Ring!!" Speaking of sa wakas tumawag din sya eh kung magtampo kali ako para lagi syang tumawag.

"Hello, sa awa ng panginoon buti naisip mo pang tumawag bibili na sana ako ng bagong sim card para tuluyan mo na talaga akong hindi tawagan."

"Sorry busy kasi kami lalo na yung mga araw na hindi ako tumawag o nagparamdam. May nangyari bang hindi maganda sayo dyan? Sinasaktan ka ba dyan?"

"Oo ang daming nangyari. Dumating mama mo at si Cara."

"Sorry sige magpapaalam ako kay Dylland na uuwi ako dahil emergency maiintindihan naman nila eh."

"Tut...tut...tut..." pinatayan ko na lang sya iiwan nya sila Dylland doon. Tsaka ayos pa naman ako dito "pa naman" sana nga alang mangyari masama sakin ngayon at sa mga araw na darating pa.

Nagday off muna ako para makapagpahinga pumayag naman si Gavin dahil tuwing gabi na ako umuuwi. Hindi narin ako pumapasok para naman makapagfocus ako dito sa trabaho ko. Minsan nagsasideline ako nag lilinis ako sa Restaurant nung apat na mokong.

Naisip ko na i-stalk sa facebook si Cara, hindi naman siguro sya adik kay Mark dahil lahat ng post nya ay may kinalaman kay Mark at lahat ng pictures nya ay kasama si Mark o mismong si Mark lang. Minsan hindi naman talaga natin maiiwasan ang maging katulad ni Cara pero sa status nya ay sobra na ang mga ginagawa nya. Masyado na syang adik kay Mark baka nga pag namatay si Mark pati sya mamamatay.

The Four Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon