Chapter 38 (Continuation)

208 7 0
                                    

Kurt's POV

Ano na kayang nangyayari sa loob? Mukang tinotoo ni Mark ang lahat pano kung mabuntis nya si Cara? Shit! Mark labas na ano ba ginagawa mo dyan!

"Ring!!!" Napano naman kaya ito? Oh Shit!! Si Joanne siguradong tinatanong na ni Alley kung ano ang mga nangyayari.

"Hello, Joanne." Hindi ko naman narinig ang boses ni Alley kaya maaaring si Joanne ang magtatanong.

"Kurt!! Lumabas na ba si Mark? Ano? May nangyari nga?" Bungad nya sa akin na halatang simula palang iyon ng kanyang pagtatanong.

Naalala ko si Alley, yung mga pinagdaanan nya kanina. Hindi kaya ginawa rin ni Mark iyon kay Cara pero alam kong hindi mapapagod si Cara dahil magugustuhan nya pa iyon. Kaya imposibleng saglit lang ang lahat, gagawin ni Mark ang ginawa kay Alley.

"Hindi pa sya lumalabas, ano balita kay Alley?" Tanong ko para maiba ang usapan naming dalawa.

"Bakit ang tagal naman? Si Alley ba? Pagpunta namin dito sa hospital pinacheck up sya ni Dylland. At ang result sa tingin ko hindi kakayanin ni Mark." Nagsimula na akong kabahan kung ano.

"Ano iyon? Sabihin mo na para mapalabas ko na si Mark." Pagmamadali ko sa kanya.

"Kung may nangyari kila Alley tsaka nung lalaki, mataas ang tyansang mabuntis sya. At mahihirapan syang magbuntis dahil may isang part sa vagina nya na may damage at mahihirapan syang umihi at manganak na maaari nyang--." Pinutol nya? Ano yung mangyayari? Bakit nya ako pinatayan? Dahil sa sinabi ni Joanne naglakas loob akong kalampagin ang pinto para sabihin kay Mark ang mga sinabi Joanne.

"Mark!!! Shit!! Mark si Alley!!! Lumabas ka!!! May dapat kang malaman na ikakagalit mo!!!! Mark tangina!!! Lumabas ka !!! Kriminal!!!!" Sigaw ko sa kanya para matauhan sya. Bumukas ang pinto at nakita kong nakahiga si Cara sa kama at nakahubad habang si Mark naman ay nakatupis ng twalya. Shit!! May nangyari nga sa kanila, at ang hula ko kanina ay mali.

"Ano ba yun? Panira ka eh! Shit! Naman Kurt nakita mong nagpapakasaya at sarap ako dito sisirain mo!!" Paninigaw nya sa akin at sa tingin ko nadala na sya ng kalokohan nya. Kaya umalis na lang kami, pero nagiwan ng salita si Yce sa kanya.

"Akin na sya, at kung magtatangka kang agawin sya baka ilayo ko pa sya sayo. Wala kang kwenta tandaan mo iyan!!" Sabi ni Yce sa kanya na kinalaki naman ng mata ko. May gusto si Yce kay Alley?

Umalis na kami ni Yce at pinakawalan ang mama nila. Habang si Mark bumalik sa libangan nya. At sa tingin ko seryoso si Yce sa mga sinabi nya. At sang ayon ako sa ilalayo nya si Alley. Pano kaya kung sa ibang bansa namin dalin si Alley para mas lalo syang magamot ng maayos. Dumating kami sa hospital at nalaman na rin ni Yce ang kalagayan ni Alley.

"Yce, pano kaya kung umalis na tayo ngayon? Dalin natin sa America si Alley para magamot at mabantayan ng mabuti. Dahil wala na tayong mapapala sa kakambal mong kriminal." Sa tingin ko namang sasangayon si Yce lalo't gusto nyang ilayo si Alley. Sumangayon ang lahat pati ang magulang ni Alley. Kaya pinaayos na namin ang lahat at agad agad kaming umalis.

After a few hours

Nakaayos na ang lahat nasa airport na rin kami at mukang ginamit ni Yce ang yaman nila. Dahil naka private plane kami, papunta na kami ngayon sa U.S para ipagamot si Alley. Nagbilin narin kami sa mga nakakaalam na umalis kami, kung sakaling may magtanong nasan si Alley sabihing patay na at ine-embalsamo na. Pinaritoke namin ang isang bangkay na walang may gustong umangkin, kami narin ang nagpalibing lahat ng gastusin ay galing kay Yce kaya ang gagawin na lang ng magulang ni Alley ay sumunod sa plano.

Nakarating na kami sa hospital ligtas kaming nakarating at agad agad nilang sinuri si Alley. At sa awa ng diyos ligtas sya at magagamot nila. Pinaalam ko iyon sa magulang nya kaya guminhawa na ang pakiramdam nila at gagawin na lang ang plano.

After 3 months

Tumawag sa akin si Gavin at tinatanong ni Mark si Alley, ayaw daw kasing maniwala ni Mark  na patay na si Alley, dinala na rin daw sya ni Gavin sa puntod pero ayaw nya paring maniwala. Kaya tinawagan ko si Mark at balak sabihin ang lahat.

"Mark, kamusta ang pagpapakasaya at pasarap mo?" Pang iinis ko sa kanya.

"Kurt! Nasan si Alley? Alam kong nilayo nyo sya sa akin." Bungad nya na kala mo may mapapala sya.

"Dahil sa pagpapakasarap mo hindi mo inintindi ang sinabi ko sayo noon! Shit! Mark pagkatapos ng tatlong buwan magpaparamdam ka, hindi ka sumulpot sa libing ni Alley! Ano ang karapatan mo ngayon! Wala ng kayo Mark dahil patay na sya! At kasalanan mo ang lahat!! Masyado kang pabaya!!" Pagkatapos nag pinatayan ko na sya. Ang totoo buhay si Alley, maayos na ang kalagayan nya ang damage nya sa vagina ay naayos na. Buntis sya ngayon at two months na, dahil kaya na nyang lumakad pinaritoke namin sya kung saan kami lang ang makakakilala sa kanya.

Nagisip narin kami ng bago nyang pangalan. At lahat ng papeles nya ang pinabago ni Yce, at ang nakakagulat married na si Alley at ang asawa ay si Yce. Hindi na kami nagreklamo, dahil kung nasa kamay sya ni Yce malalayo na sya sa panganib dahil hawak ni Yce ang dalawang gang sa Pilipinas. Ang naisip naming pangalan kay Alley ay Zariah Liveste- Cruz isang american girl.

After 10 months

Namuhay ng masaya sila Yce isang taon na rin ang anak ni Zariah(new Alley). Pinangalan nila sa anak nilang babae ang lumang pangalan ni Zariah. Alleysa Cruz, dahil sumakay sa plano si Zariah nakalimutan na nya si Mark at minahal na nya si Yce na parang tunay nyang asawa.

Balak naming umuwi para mapakita ang bagong Alleysa na si Zariah. Naisipan namin na nextweek kami babalik, para makapaghanda ng mabuti si Zariah pati ang plano namin ay nakalimutan na namin dahil ang plano ay nagkatotoo.

After 1 week

Babalik na kami sa Pilipinas, katulad dati naka private plane kami. Kung titignan mo ang Alleysa noon at ngayon? Malaki ang pagbabago palaban, mataray, mahigpit at higit sa lahat inamin nya sa sarili nya na patay na ang Alleysa Gillarco.

"Ring!!" Tumatawag ang mama ni Zariah.

"Pauwi na ba kayo? Para makapaghanda ako ng kakainin ninyo? Maganda ba ang apo ko?" Lahat iyon singot ko ng opo at hindi nila pagsisihan na sinunod nila ang plano.

Dumating kami sa isang bahay na pinagawa pala ni Yce para sa amin. Dahil hindi na kami titira sa hotel baka daw maaalala pa ni Zariah ang mga nangyari sa kanya. Pagkatapos naming ilagay ang mga gamit namin pumunta na kami sa bahay nila Zariah. Ang plano ngayon namin ay papalabas namin na kapatid sya ni Alley na nagibang bansa tutal wala rin naman ang mga kapatid ni Zariah.

The Four Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon