Chapter 34 ( Meeting again)

247 13 0
                                    

Kurt's POV

Nakatanggap ako ng tawag mula sa mama ni Alley at sakto kumpleto kaming apat kaya dali dali kaming pumunta kila Alley. Maraming tao at parang naririnig ko ang iyak ng nanay nya. Ayokong isipin na may nangyari masama sa kanya pero sa tono ng pagiyak ng nanay nya parang may nangyari. Pumasok kami sa loob halos lahat sila ay malungkot ang iba ay umiiyak.

"Anong nangyari?" Tanong ni Yce

"Sabi ng kapitbahay nakita nilang may van na huminto sa harap ni Alley at pag alis ng van wala na si Alley." Nagulat ako sa narinig ko naginit ang dugo ko. At nakita si Mark.

"Mark! Kausapin mo ang mama mo kung may kinalaman sya dito." Hindi pa man umaalis si Mark nakatanggap ng tawag si Mark mula sa police.

"Nakatakas po ang magulang nyo pati ang kasama nito." Sabi sa tawag na niloudspeaker ni Mark. Sa tingin ko hindi na nya kailangan pumunta sa kulungan dahil alam ko na kung sino ang may gawa.

May tumawag ulit kay Mark at sa oras na iyon nanay na ni Mark at pinapapunta kaming lahat magulang ni Alley at kaming apat pagkatapos binigay nya ang address as it bawal magsama ng police.

***

Alley's POV

Nagising ako na nakatali ako at may dalawang babae sa harap ko at maraming lalaking nakamask at may hawak na gun.

"Hi Alley we met again." Ang boses iyon kay Cara iyon boses ng luminaw na ang pagtingin ko nakita ko ng malinaw ang buong paligid. Kasama ni Cara ang mama ni Mark.

"Wag kang mag alala dadating na ang angkan mo." Sabi ng mama ni Mark

Sinampal ako ni Cara ng ilang beses at kada sampal may satsat.

"(First slap) para iyan sa pag agaw mo kay Mark. (Second slap) para yan sa akin dahil pinahiya mo ko sa party at sa mga tao nung nilagyan mo ng ipis yung pagkain namin. (Last slap) para yan sa lahat ng kagaguhan na ginawa mo."

Namula ang pisngi ko dahil sa kanya. Inupo nila ako sa isang upuan at tsaka tinali. Grabi na pala ang galit ni Cara at ang asam nilang makuha ang pera ni Mark. Siguro akala nila kami pa ni Mark kaya pinadakip nila ako pero mali sila.

"Cara tawagan mo sila Mark ibigay mo ang address at sa labas tayo maguusap usap. At ikaw babae maiiwan ka dito, kapag hindi binigay ni Mark ang pera mamamatay ka." Sabi ng mama ni Mark na galit na galit.

Sinunod naman sya ni Cara alam kong mabait pa sya pero bakit nya ginagawa to pinatatagal lang nya ang taon nya sa kulungan. Dumaan ang ilang oras narinig ko sa isa nilang tauhan na dumating na sila. Ganun naba sila katanga para sundan ako dito. Pumunta na sila Cara sa labas, ang naiwan dito sa loob ay isang bantay at ako.

Naisip ko bakit hindi ako tumakas tutal isa lang naman ang bantay. Nilinlang ko ang bantay na kunwari na iihi ako kahit naman hindi. Dinala nya ako sa C.R at nakita ko ang isang basag na tiles tinanong ko ang bantay kung saan sya banda naka tayo sabi nya nasa gilid ng pinto. Pagbukas ko ay nandun nga sya, bigla ko syang sinaksak gamit ang tiles kinuha ko ang baril nya. At tinago ko ang katawan nya sa C.R para hindi nila makita.

Pagbukas ko ng pinto sakto sila Mark ang nakapwesto at tumalikod kami sa kotse nila Kurt. Nakita rin nila na may dugo ang kamay ko pati ang hawak kong baril nakita nila.

"Oh! Miss Alley nakatakas ka ang galing mo naman palang magisip." Tinutuk ko sa kanila ang baril na hawak ko ganun din sila nagtutok din sila ng baril sa amin. Pinahawak ko sa kanila ang baril at pumasok sa loob ng kotse at patagong tumawag ng pulis.

"Alley! Tama na pasikat! Palaos ka na dapat bakit nagmagaling ka pa!" Binaril nya ang kanang binti ko babarilin din sana sya nila Kurt kaso sabi ko sa kanila wala pa ang mga pulis kaya mas marami pa rin sila.

"Oh kawawa ka naman. Pero nakakainis ka!! Kahit barilin kita may sumasalo sayo at si Mark iyon!! Ako ayaw na sa akin ni Mark dahil sayo!! Dahil sayo sana wala ng ganito.." sigaw sa akin ni Cara na parang gusto na nyang iputok ang baril sa akin.

Biglang dumating ang mga pulis at walang nagawa sila Cara kung hindi itaas ang mga kamay nila. Nahuli lahat ng tauhan nila pati ang pinatay ko ay nakita ng mga pulis. Nang pupuntahan ng mga pulis sila Cara naitutok pa nya ang baril sa akin.

"Alley!!!" Rinig kong sigaw ng apat tinignan ko kung ano ang masakit sa dibdib ko at pagtingin ko may dugo ang dibdib ko.

"Maaaarrrkkkkk!!!!!!" Kita ko namang sigaw ni Cara at nakita ko na mama nya ang bumaril sa kanya. Ang sumalo sa akin ay nabaril din ang huling naramdaman ko nalang ay ang paghawak nya sa kamay ko. Hanggang bumagsak kami sa lupa, at ang huling sinabi nya sa akin.

"Mahal kita hanggang kamatayan mamahalin parin kita." Naiyak ako kaya sinabi ko na rin ang nararamdaman ko.

"Mark mahal din kita at sa tuwing nakikita kita iniisip ko na sana ikaw si Kurt." Niyakap nya ako at hinalikan sa noo at sabay kaming pumikit.

***

Kurt's POV

Hindi ako papayag na sa ganong paraan magsasama ang dalawa kung kailangan nilang mabuhay gagawin namin. Alam kong mahal pa rin ni Alley si Mark at wala akong magagawa. Dinala namin sila Mark at Alley sa hospital pinagsabay narin namin ang operasyon ng dalawa. At ang ikinagulat ng mga doctor ayaw naming paalis ang kamay ng dalawa dahil gusto namin pumikit silang magkahawak ang kamay mumulat din sila nang magkahawak ang mga kamay nila.

Habang naghihintay kami sa labas ng operating room tinawagan ko na ang mama ni Alley. Agad din naman syang umalis at niyakap namin ang mama ni Alley dahil alam naming nasaktan sya at napahamak na naman ang buhay nya dahil sa amin.

"Alley!!! Anak!!!" Sigaw ng mama nya habang pinipigilan namin syang magwala.

The Four Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon