Kurt's POV
"Mark diba mahal mo si Alley?"
Shit! Kurt ano namang tanong yan halata naman na mahal nya si Alley.
Nasa bahay kami ngayon at hindi kami pumasok para mapagusapan namin ang lahat. Lahat pati ang nakaraan ni Mark na ayaw na naming mangyari uli.
"Mark natatakot lang kami sayo ayaw naming madamay sya dito alam mo na ang mangyayari sa kanya kapag minahal mo sya." Sagot naman ni Dylland na iiyak na ata di naman siguro sya bakla para umiyak.
Tama si Dylland natatakot lang kami sa babaeng mamahalin nya. Alam ko na kung bakit naglakas loob syang mahalin si Alley.
"Mark kaya ba minahal mo si Alley dahil nung minahal mo si Cara hindi nila ito tinanong sayo at hinayaan mo lang. Mark may kalaban ka pa hanggang ngayon, may gang kapang kailangang takbuhan. Oo alam namin na hindi nila sinaktan si Cara pero baka pinalampas lang nila dahil plano sila" tama na naman ba yung mga sinasabi ko.
Mark's POV
Ayoko na parang babagsak ako na bakit nagagawa kong maglihim sa kanila. Mga kaibigan ko sila at dapat sinasabi ko sa kanila ang lahat. Alam kong kaunti lang ang alam nila at lahat ng alam nila ay kasama sa plano.
"Oo na hanggang ngayon ay may koneksyon ako sa mga gang na nananakit sa mga nagiging girlfriend ko. Na sa tuwing binebreak ko sila may nangyayaring masama sa kanila. Oo hanggang ngayon nakakausap ko pa sila at nakikita."bat ganun parang lalong dumadagdag yung lihim ko sa kanila.
"Mark tigilan mo na"
"Tangina! Pano ko titigilan lahat ng iyon kung yung pag-ibig ko nga sa babaeng yon hindi ko mapigilan yun isang bagay pa kaya na nakasanayan ko na."
Hindi ako ganito dati nung kami pa ni Cara pero bakit bumalik na naman ata ako sa umpisa kung saan nakita kong umiyak ang mga kaibigan ko at lalo na ang taong mahal ko. Masakit? Mahapdi? Tanong ko sa sarili ko noon pagkatapos ang nangyari.
Ako lang ang may lihim sa amin ako lang ang tanga at gagong naging gangster. Nakulong ako ng pumatay kami.
Flashback
"Tandaan mo to mokong"
"Wag mo akong mamokong mokong at baka maginit ako at makita ka nalang nila na nakahandusay sa lupa."
Ngumisi lang ito na kala mo hindi ko gagawin sa kanya ang sinabi ko. Pag dating ng 10:00 pm tinawag ko ang isang gang at nilaban ang gang na iyon. Umabot lahat sa patayan pero nanaig kami dahil mas malakas ang hawak naming patalim.
Ako ang nakiisip sa gang na yon na gumamit ng patalim na may likido na isang minuto lang ang itatagal nito hanggat hindi ito nalulunasan ng isa pang likido na nasaamin lang.
End....
"Pano ba?"yan na lang lumabas sa bibig ko matapos ang sigawan namin. Nakita ko si Dylland na umiiyak at pinapatahan ni Yce. Iyakin parin sya, hindi sila nag bago samantalang ako nagbago simula ng---
"Iwan mo si Alley"
Natigilan ako sa sinabi ni Kurt parang sinaksak ako ng sarili kong kapatid.
"Mark sabihin mo na lahat ng lihim mo para matulungan ka namin."
"May kapatid ako" ano bang sinasabi ko mapapahamak lang ang gang nya. Shit! Tangina na Mark magising ka.
"Shit!" Yan na lang ang lumabas sa bibig ni Yce.
Ilang oras narin kaming naguusap at malapit na ang uwian ni Alley. Kailangan na namin pumunta sa shop "tangina!" Sya na naman ang nilabas ng bibig ko.
"Buhay sya"
Shit! Mark wag mo na syang idamay manahimik ka na lang intindihin mo yung mga plano nyo.
"Akala ko ba napatay mo sya nung maglaban ang dalawang gang?"
"Tama na! Mark at Kurt" umiiyak na si Dylland na parang sya lahat ng nakakaramdam ng sakit na parang halos lahat ng sinasabi namin ay nasasaktan sya.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Boys
Teen FictionSa apat na lalaking ito isa ang magugustuhan ko kahit na apat sila sya parin dahil sya lang naman yung lalaking una kong minahal sa kanilang apat. Alleysa ang pangalang minahal ni Mark, ang taong nasaktan nya. Ako yung taong tumiis sa hirap na iyon...