Mark's POV
Pag katapos naming magusap usap nila Alley ay agad na kaming umuwi para sabihin sa kanila ang lahat ng alam ko dahil parang bibigay ako pag mismong si Alley pa ang naka alam.
"Tungkol sa kapatid ko" lumunok ako pag katapos kong sabihin iyon dahil pag kasabi ko ay nakuha ko agad ang atensyon nila.
"Sabihin mo na lahat Mark para hindi ka na mahirapan"
"Buntis si mommy at kambal ang lumabas pero nagtataka si mommy kung pano dahil hindi sya pedeng mabuntis na kambal ang laman kung iisang tao lang tatay. Naisip nya na dalawa pala ang taong minahal nya, ng manganak sya ay ako ang unang lumabas. Sabi ni tita yung dalawang lalaki na minahal ni mommy ay nasa labas naghihintay kung sino ang totoong ama. Pagkagapos ng ilang minuto ay sumunod na ang isa hindi kami magkamuka dahil magkaiba ang aming ama. Nalito sila kung sino yung tatay ko kaya pinadna kami ng kambal ko pati ang dalawang lalaki. Lumabas sa DNA na magkapatid lang kami sa ina at magkaiba ang aming ama."
Natigilan ako sa mga sinabi ko dahil una palang yan marami pang akong sikreto. Pero sa tingin ko magandang ayan na lang muna ang magiging alam nila.
"Nasan yung kambal mo?"
Hindi ko na sila sinagot dahil pag nalaman nila masisira ang plano namin. Nagulat ako ng may nagtext sa akin at unregistered yung number.
"Hi matagal tagal bago kita pahirapan ngayon magsisimula na ako pano kung magumpisa ako sa secretary mo. Mukang magiging masaya yung laban natin nyan kapag sa kanya tayo magsisimula diba."
"Shit! Alley!"
Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko sabi ko na nga ba gagalaw na sya. Kailangan kong bantayan si Alley kailangan may magbantay sa kanya habang nagplaplano kami.
***
Alley's POV
Unang araw ko bilang secretary kaya maaga akong pumasok kasabay kong pumasok si Joanne pero naghiwalay din kami ng mahatid nya ako.
"Sir bakit po?"
Pagtingin ko kay Mark ay nilipat nya yung opisina ko sa office nya. Magisa lang daw sya kaya dun nya nilagay yung table ko.
"Dito na ang office mo kasama ko"
Ala na akong nagawa kaya umupo na lang ako, pagkatapos ng ilang minuto may binagay na napakaraming papeles yung babae at sinabi nito na ayusin ko at ibalik sa kanya pagkatapos.
Ang daming papeles mukang matatagalan ako ahh.. inabot na ako ng lunch at hindi parin ako tapos.
"Alley tara kumain ka na muna"
Tumango na lang ako at hinayaan sya akala ko ay ayos lang at bigla nyang hinampas ng malakas yung table ko at nakita ko ang ngisi at galit sa muka nya.
"Masamang nalilipasan, kumain ka sa tamang oras"
Hinila nya yung kamay ko at tinawag yung babaeng nagbigay sa akin pinakuha nya uli yung mga papeles at doon nya pinagawa. Dinala nya ako sa cafeteria ng company nila banda sa likod malaki rin naman at libre ang mga pagkain kahit ako pede mong kainin.
Hinapagan nya ako ng mga gulay mga masusustansyang pagkain. Hindi ako kumakain ng gulay ehh puro mamantika gusto ko kaso ayaw nya. No choice akong kainin na lang kaya agad akong nakakain ng gulay. May dumating na lalaki sa harapan namin at kilala ko ang lalaki na ito.
"G-Gavin"
Yes Gavin meet Gavin Reigh, isang salita para sa kanya sya ang kababata at crush ko.
"Alley?"
"Gavin halika tabi ka"
Nagulat ako sa ginawa ni Mark lumipat sya sa tabi ko at hindi pinatabi sa akin si Gavin. Mukang nakakahalata na tong mokong na to ah.
"Mr. Reigh tapos mo na ba ang papeles na sinasabi mong kailangan natin ng proposal."
"Opo"
"Ako na lang ang gagawa ng proposal"
Nakatitig lang ako kay Gavin habang naguusap sila. Napansin ko na tumitig din sya kaya hindi ko na inalis ang pagkakatitig ko.
"Hmmm?? What's happening? "
Dedicated to:
heneraljean
BINABASA MO ANG
The Four Bad Boys
Teen FictionSa apat na lalaking ito isa ang magugustuhan ko kahit na apat sila sya parin dahil sya lang naman yung lalaking una kong minahal sa kanilang apat. Alleysa ang pangalang minahal ni Mark, ang taong nasaktan nya. Ako yung taong tumiis sa hirap na iyon...