Chapter 30 ( Korea)

229 11 0
                                    

Alley's POV

Hello, Korea!!!!!

Grabi ito pala yung Korea ang ganda, sobra hindi ako makapaniwala. Naghanap ako ng appartment at nakakita naman ako. Medyo malaki at ayos naman hindi rin maliit siguro kaysa apat na tao, dalawa ang kwarto, isa ang cr at medyo may kalakihan ang sala at kusina. Habang nagaayos ng gamit naalala ko na taga dito pala si Dylland. Inisip ko na lang na hindi kami magkikita at sana nga mangyari iyon.

Pinuno ko rin ng pagkain ang ref at ibang cabinet. Para hindi ko na kailangan lumabas pa kung may kulang. Kinagabigan tumawag sa akin ang school na papasukan ko at sinabi pede na kong magsimula bukas. Sobrang saya ko dahil kakarating ko palang pede na agad akong magsimula.

"Ring!!!Ring!!!"isang tawag at hindi nakaregister ang  number. Sinagot ko ang tawag hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Yung boses nya kilala ko at hindi ako pedeng magkamali.

Dumating ang isang babae na maglilinis daw sya. Naisip ko na sya ang magsalita para akalain nilang mali ang natawagan nila. Ng iend ang call sabi ng babae hinahanap daw ng lalaki ang pangalang Alleysa. Tinanong nya pa ako kung bakit ko iniiwasan ang lalaki sabi ko nalang ay may mahal na syang iba. Naglinis nalang ang babae at tsaka umalis, napaupo na lang ako sa sofa at umiyak. After 3 years narinig ko ang boses nya, napakainosenteng boses at hindi ko aakalain na makakatawag sya sa cellphone ko. Pinagsisihan ko tuloy ang ginawa ko hinahanap hanap ko na tuloy sya at gustong sabihin na sorry, mahal parin kita. Pero pano kung may iba na sya at kung may iba naman sya bakit nya ko hahanapin.

Hindi ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko ang boses nya. Pumasok akong inaantok, pero hindi bakas sa akin ang pagka antok dahil para sa akin kagabi ang pinaka masaya kong araw.

The Four Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon