Chapter 3: Sister meet the girls

266 10 0
                                    

Nathan Lim's
P.O.V

Kala niya kung sino siya. Wala na kong nagawa at umupo sa ibang upuan dahil ayaw umalis ng babaeng yun eh. Dumatin na yung teacher namin. Sinulyapan ko yung mga kaibigan ko. Si Gray mukhang nangangati na at gustong mag recess habang si Austin ayun tulog.

Nagpakilala ang teacher namin. Siya daw si Mrs. Chelsea Lisandro.

(A: yung teacher nga pala nila si Chelsea sa Ms. Gangster & Mr. Popular)

"Class we have three new students here. Ms. Yu, Ms. Kim, and Ms. Park please introduce yourselves" sabi ng teacher namin.

Pumunta na ang tatlong babae sa harap. Wow transferee din pala yung dalawa pa naming naka away. Halatang dumidistansya yung dalawa dun sa isang babaeng hindi naka unifrom.

"Hi I'm April Yu" sabi ng babaeng inaway ako.

"I'm Violet Kim" sabi ng babaeng kilala si Gray.

Nag tinginan ang lahat dun sa isang babaeng hindi naka uniform.

"Hello, ako si Zaylee Park" sabi niya.

"She looks cheap"

"Probinsyana"

"Eww"

Rinig kong bulungan nila. Mukhang di napigilan ni Violet ang sarili niya at may binulong kay April kaya tumawa sila. Grabe ang mga tao ah, ang judgmental.

"Bakit di ka pa naka uniform Ms. Park?" tanong ng teacher namin.

"Ah ano po kasi…di pa nakakabili" sagot niya.

"Ah ganun ba. Class nga pala. Ms. Park here is a scholar in our school"

"Probinsyana nga"

"Mahirap lang siya"

"Poor. Nakakdiri"

Napatayo ako bigla kaya nag tinginan sila.

"Grabe kayo makapang husga. Tingnan niyo kaya muna ang mga sarili niyo" sabi ko sa kanila saka napatingin kay Zaylee na nakatingin pala sakin.

Nginitian ko siya saka umupo. Teka ano bang ginawa ko? Did I just protect her? Nako mali Nate. Wag yan mali mali mali.

Nang mag lunch na pumunta kami ng mga bestfriends kong sina Gray at Austin. Inakbayan ko silang dalawa saka tinanong kung anong kakainin namin.

"Pagkain bro, pagkain" sabi ni Gray saka tinapik tapik pa ko.

Tss pilosopo. Tinanong ko naman si Austin kung anong gusto niya pero nagkibit balikat lang siya.

"Problema niyo best friends?" tanong ko.

"Best friends? Ano ka bakla? Kadiri!" sabi ni Gray.

"Oo bakla ako crush nga kita" lumapit ako para halikan si Gray pero sinapak niya ko bigla. "Bat mo ko sinapak! Ang pikunin mo naman"

"Gago!" sigaw niya sakin.

Napatingin kami kay Austin at ngumisi lang siya. Ang hirap talagang patawanin nito.

"Nga pala Gray sino yung babaeng yun? Yung sinasabi mong kausap yung tubig sa fountain?" tanong ko kay Gray.

Bigla namang tumawa ng malakas si Gray. Tiningnan lang namin siya ni Austin.

"Problema mo?" tanong ko at umiling naman siya pero nakangiti.

Nagpunta kami sa canteen. Papunta na sana kami sa table namin nang mapansin kaming nakaupo. Siya yung babae sa room. Si ano…Zaylee ayun!

"Ikaw nanaman? Pati yung upuan namin sa canteen inaagaw mo!" napasigaw ako.

Ewan ko ba kung bakit ko siya tinulungan kanina. Sumosobra na siya ngayon. Di pa naman ganun kahaba ang pasensya ko. Si Gray lang ata ang mahaba ang pasesya samin.

"Easy lang babae pa din yan" sabi ni Gray.

Wala kong paki nakakainis na eh. Tumayo bigla si Zaylee saka nag cross arms.

"Wala namang pangalan eh" sabi niya sakin.

Umirap pa siya. Nakakainis na. Baka makalimutan kong babae toh ah.

"Sabi sayo dapat nung first year tayo nilagyan na natin toh ng pangalan. Miss nung first year pa kami naupo dito. Walang ibang umuupo dito kundi kami lang" pag e-explain ko.

Napairap naman si Zaylee. Di ba yan napapagod.

"First of all. Ang tanga niyo dahil di niyo na nilagyan ng pangalan. Second, kahit lagyan niyo ng pangalan tanga pa din kayo dahil vandalism yun. Third, di miss ang pangalan ko. Fourth, kayo ba may ari nito. Fifth, hindi lang ito ang table sa canteen" sabi niya at naupo.

"Tara na nga iwan na natin si Zaylee" diniinan ko ang pagkasabi ng Zaylee.

Di naman sila umangal. Halatang tamad makipag away. Umupo na kami sa isa pang table. First time tong nangyari samin ah.

"Bat busangot mukha niyo?" biglang dumating si Ate Angie or Angeling.

"What are you doing here?" pag bati ni Austin sa ate niya.

"Ang bait naman ng kapatid ko. Syempre binibisita kita"

Napa "tsk" nalang si Austin. Ayaw na ayaw niyang pinakekealaman siya ng kapatid niya. Halata naman na di si Austin yung pinunta ni Ate Angie dito.

"Bakit ka ba nandito?" tanong ni Austin.
"Ok fine you got me. Nabalitaan ko na may tatlong babaeng nalipat dito. I wanted to meet them just so you know"

Nga pala. Lolo nina Austin ang may ari nito kaya nakapasok si Ate Angie agad.

"Since when ka pa naging interesado sa mga transferee?" tanong ni Gray.

"Ngayon, silang tatlo lang kasi ang transferee sa buong fourth year like duh. Tapos last year pa nila toh kaya nakakapag taka kung bakit sila lumipat dito" sabi ni Ate Angie.

Ah kaya pala.

"Ayun yung isa oh" sabay turo ko kay Zaylee.

Napatingin naman si Ate Angie sa kanya. Umalis naman agad si Ate Angie. Wow bait naman.

Zaylee Park's
P.O.V

Nakakabwiset na talaga yung tatlong yun. Kitang nananahimik ako eh.

"Hi" biglang may umupo sa harapan ko.
From the looks of it mukha siyang college student. Bakit siya nandito eh wala namang college department dito.

"Baka nagtataka ka kung bakit ako nandito. Lolo ko kasi mayari ng school na toh. Naging interesado lang ako kasi sa buong fourth year tatlo lang ang tranferee at mga babae pa. Ikaw yung isa dun right?" tanong niya sakin.

Tumango naman ako. I think yung dalawang sinasabi niya sina April at Violet ba yun.

"I just got interested in you. Bakit ka lumipat dito? I mean graduating student ka at last year mo na toh" sabi niya.

"Ah scholar kasi ako dito" sabi ko.

Tumango tango naman siya.

"Ako nga pala si Angelinge. You can call me Atw Angie" sabi niya at inabot ang kamay niya sakin.

Kinuha ko naman yun.

"Zaylee"

Zay ang nickname ko but only close friends call me that. Pili lang ang mga yun.

"Kilala mo ba yung dalawa pang transferee?"

"Si ano ata yun eh Violet and April"

"Surename?"

"April Yu and Violet Kim"

Galing talaga ng memory ko kahit ayaw ko yung tao naalala ko surnames nila.

"Ok thanks. Nice meeting you" sabi niya at umalis.

Ok she's weird pero friendly. I don't expect having any friends in this school. Ang goal ko lang naman ay makatapos, I know I don't belong here.

Next Chapter…

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon