Chapter 28: Heather

150 7 0
                                    

Nathan Lim's
P.O.V

"Kumain na tayo" pagmamakawa ko kay Zay.

"Di pa tayo tapos mag rev--" di ko na pinatapos si Zaylee at hinila na siya palabas ng library.

"Hoy sinong nag sabi pwede mo kong kaladkarin?" inis na tanong niya sakin.

"Ako, bakit? May angal ka" inirapan niya lang ako.

"Nate!" napatingin ako sa tumawag sakin.

Si Heather.

"Uy kamusta na sorry umuwi ako bigla nung nasa parking lot tayo tumawag kasi si Dad" pag e-explain ni Heather.

Naramdaman kong humigpit ang pagkahawak ng kamay sakin ni Zay.

"Ah ganon ba ok lang. Kakain nga pala kami ni Zay gusto mo sumama?"

"Huh? Hindi na nakakahiya ako nalang mag isa kakain"

"No its ok sabay ka na samin"

"No di na talaga"

"Kakain kami nina April ngayon kaya kumain na din kayo. Tapos na yung lesson natin" sabi ni Zay saka umalis.

Wala pa kami sa kalahati ng lesson pero uuwi na siya. Sinundan ko lang siya ng tingin habang nag lalakad siya palayo.

"Tara na kain na tayo" sabi ni Heather.

"Uuwi na ko" sabi ko at umalis.

Dumiretso na ko pauwi. Nawalan ako bigla ako ng gana kumain. Pagkauwi ko sa bahay tinawagan ko agad yung dalawa para mag movie kami.

"Maaga ata natapos yung review niyo?" tanong ni Gray pagkadating sa bahay.

"Maaga niya tinapos" sagot ko.

"Yung relasyon niyo?"

Binatukan ko naman si Gray.

"Joke lang eto naman. Bakit niya naman maagang pinatapos?"

"Malay ko ba dun mag l-lunch na dapat kami nang sinabi niyang uuwi na daw siya" sagot ko.

"Anong kalokohan nanaman ba ang ginawa mo?" tanong nitong si Austin.

"Wala naman tahimik lang kaming pupunta sa canteen nang sumabay si Heather. Tas ayun sabi niya uwi na daw siya"

Biglang pumalakpak si Gray.

"Nag selos yan par"

"Ano? Si Zay magseselos? Bakit naman?"

"Bobo dahil kay Heather" sabi ni Austin.

"Ano namang kinalaman ni Heather?"

"Di ko alam kung manhid ka ba o ano? Gusto ka ni Zay di naman niya yun sinabi halata kaya. Umuwi siya bigla nung isabay mo si Heather edi malamang nag selos yun"

Napakamot ako sa batok ko. Oo alam kong pogi ako pero imposible naman atang magkagusto sakin ang isang nerdy nerd na si Zay. Di ko sinasabing nerd siya pero parang di naman ata ako papasa sa standards niya. Mga matatalino for sure yung mga type nun.

"Imposible ata. Ang mga type nun yung mala Jose Rizal eh"

"Ang sama mo naman kay Zay pasalamat ka may nagkagusto pa sayo" sabi ni Gray.

"Sa pogi kong toh syempre may magkakagusto sakin gago ba kayo" sabi ko at nanuod nalang ng movie.

Pero pano nga kung nagkagusto sakin si Zay. Napangiti ako nang maisip yun. That's not bad.

Zaylee Park's
P.O.V

Pagkagaling ko ng school dumiretso ako sa cafe na di kalayuan samin. Umorder lang ako ng red velvet cake saka cappuccino.

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon