Chapter 30: Warning

161 6 0
                                    

April Yu's
P.O.V

Kawawa naman si Zay. May gusto siya sa isang tao and worse, may girlfriend na yung taong yun.

"Kailangan natin tulungan si Zay" sabi ni Violet pagkatapos naming ilapag yung mga pinamili namin.

Kagagaling lang namin ng mall at hinatid kami ng boys, except for Violet na sinundan lang yung kotse niya ni Gray. Bakit ba kasi nay dala siyang kotse? Ay oo nga pala sabay kami pumasok. Sayang naman. Ngayon ko lang napansin, bagay pala yung dalawang yun noh. Kahit na lagi silang nag aaway.

"Violet?" humarap naman sakin si Violet.

"Have you ever thought of liking Gray?"

Bigla naman siyang natawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko. Ang ayos ayos ng tanong ko eh.

"Haha nag papatawa ka ba? Me liking Gray? Not in a million years" sabi niya at uminom ng soda na hawak niya.

Sayang bagay pa naman sila. Pagkatapos namin ayusin yung mga pinamili namin at umuwi na din si Violet.

From: Austin

Kakauwi ko lang

Text sakin ni Austin. Siguro traffic kaya ngayon lang siya nakauwi. Pagkatapos niya kasi akong ihatid sinabi kong itext niya ko pagkauwi niya para malaman kong safe siya. Sweet ko noh dejk nag iingat lang talaga kami kina Haily at James.

Inagahan kong pumasok dahil gusto kong mag ikot ikot muna sa school.

"April!" narinig kong may tumawag sa pangalan ko kasabay ng pag tulak sakin.

Parehas kaming napahiga sa sahig. Nakita ko naman na may basag na baso sa harapan namin. Tumingin ako sa taas at mukhang galing yun sa balcony sa hallway.

"Muntikan ka nang malaglagan niyan. Mukhang sinadya nila" napatingin ako kay Ausitn na halatang nag aalala para sakin.

Tumayo na kami.

"T-thank you ah" sabi ko.

"Wala yun" sabi niya.

Pumunta kami sa school garden. Walang masyadong tao dun.

"Ok ka na?" tanong niya sakin.

Tumango naman ako.

"I got a feeling na may kakilala dito sina Haily" sabi ni Austin at huminga ng malalim.

"Bakit naman nila gagawin yun?"

"I don't know"

"Uhm kayo po ba si April Yu at Austin Kang?" tanong samin ng isang lalaking mukhang nerdy na ewan.

"Oo kami nga bakit?" tanong ko.

"Nakita ko kasi toh sa locker ko tas may pangalan niyo. Sige una na ko"

Inabot niya samin ang isang puting box na may pangalan namin sa taas. Ewan ko pero parang kinabahan ako.

"Ikaw na mag bukas" sabi ko.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Binuksan niya yun. Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

"Ano yan?" sisilipin ko palang sana pero nilayo niya.

"You don't want to see this" sabi niya.

"Ano ba kasi yun?"

"Its bloody dead cat" sabi niya.

"Omg" bulong ko.

Baka umiyak na ko kung nakita ko pa yung laman ng box na yun.

"Austin natatakot ako. Ano bang kailangan nila satin? Sila na nga yung nanakit diba? Bat parang sila pa yung gumaganti?" sabi ko at tumulo ang luha ko.

Pinunasan naman ni Austin ang luha ko at niyakap.

"Shhhh magiging ok din ang lahat. Hindi tayo mag papatalo. Aalamin natin toh"

Maya maya nag bell na. I try to act normal nalang with Violet at Zay kahit deep inside natatakot talaga ako sa mga mangyayari.

Austin Kang's
P.O.V

Uwian na namin at hinihintay ko nalang makalabas si April sa classroom niya. Maya maya naka receive ako ng message from an unknown number.

See you later honey, I missed you :-*

What the? Sino toh.

"Bro, hinihintay mo ba si April?" tanong sakin ni Gray.

"Oo" cold kong sabi. Lagi naman pero parang sumigla ako nung mga nakaraang araw.

"Mamaya daw kila Violet tayo" nakangiti niyang sabi.

"Saya mo ah"

"Masama ba?"

"Bat naman ang saya saya mo?"

"La lang" sabi niya saka umalis.

Sakto lumabas na sina April pagka alis ni Gray.

"Uy April nandyan na lover boy mo" sabi ng kaklase ni April nang makita nila ako.

Todo kilig naman sila at panay tukso kay April.

"Tara na? Kila Violet daw tayo?" sabi ko.

"Yup she texted me. Pero bago yun kakain muna ako kasi I'm so hungry na" sabi niya at humawak sa tyan niya.

"Sure tara"

Pumunta kami sa cafeteria at kumain siya dun. Mukha ngang gutom na gutom siya. Muntik na kasi siyang mabulunan.

"Oh dahan dahan lang. Wala tayong hinahabol na oras" sabi ko at binuksan ang tubigan niya para sa kanya.

"Thanks, baka kasi naiinip na sila" sabi niya at uminom.

"Text mo nalang na kumakain ka pa"

"Low bat na ko ikaw na lang"

"Wala kong load"

"Mag hihintay naman sila eh" sabi niya nalang at kumain ulit.

Minutes later natapos na siyang kumain at tumayo na kami para pumunta kila Violet.

"Anong gagawin natin kila Violet?" tanong niya.

"Mag m-movie marathon I think" sagot ko.

"I bet horror movies nanaman papanuorin natin. Naalala ko tuloy bigal nung naging babysitter namin kayo, akala ko magiging worst day of my life ko yun pero I was wrong. Actually, I had a lot of fun" sabi niya.

"Me too. Nag enjoy din ako sa stay namin sa inyo. Sana maulit pa"

"I wish"

Pag tingin ko sa gilid namin may pumaradang tinted white van. Biglang may limang lalaki na lumabas dun at sinuntok agad ako. Nakita ko kung pano nila lagyan ng mampatulog sa pabango sa bibig si April. Sinuntok ulit nila ko at nilagyan ng blind fold.

"Ipasok niyo na yan" rinig kong sabi ng isang lalaki.

"This is gonna be fun" sabi naman ng isang babaeng kilalang kilala ko ang boses. It can't be...



















Haily....?

Next Chapter...

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon