Chapter 10: Girlfriend ko siya

228 8 0
                                    

Bwahahahah ayoko na. Di na ko makatigik kakatawa. Hahahaha. Di ko alam kung paano ba ko napapayag ni April na panuorin tong comedy film. Ang alam ko romance lang pinapanood ko.

"Violet OA na yang tawa mo" sabi sakin ni April.

Nandito ako sa kanila. Movie marathon night kasi namin, Sabado.

"Eh nakakatawa eh. Hahahahaha ayun oh hahaha!" tiningnan niya lang ako na parang na we-weirduhan siya sakin.

Hays bahala siya basta ako tatawa lang nang tatawa. Mga 3am na din nang matapos kami sa panunood. Umakyat na kami sa kwarto niya. Tabi lang kami sa kama niya. Queen sized bed kaya kama niya, saakin din pala hehe.

"Goodnight" sabi ko saka nagtaklob ng kumot.

"Night night" sabi niya na lang at natulog na ata.

Minsan talaga iniisip ko kung kaibigan ko ba si April. Alam niya namang di ako natutulog na nakataklob ang kumot pero di niya napansin. Ok lang yun ayaw ko namang mapansin niya ko eh. Di kasi ako makatulog, malamang kakatawa ko.

"Hays bwiset" bumaba na muna ako kumuha ng tubig.

"Hello" ay tipaklong sino yun!

"Gray!"

Bakit nandito siya?! Lumapit siya sakin. Omg sobrang lapit niya. Syempre nilapitan niya nga ko.

"I heard your lips taste like cherry" bulong niya.

Bigla naman akong namula. Oo na si Violet Kim namumula. Lumapit siya sakin. Is he gonna kiss me? Ewan ko kung bakit pero pumikit nalang ako.

"Violet!" huh bakit may tumatawag sakin.

"Violet!" saka bakit di pa ko hinahalikan ni Gray.

"Violet!" napaupo ako bigla.

"H-huh? Ano? Bakit?" wait anyare.

Nilibot ko ang mata ko nasa kwarto pala ako ni April at ginigising niya ko kanina pa.

"Anong huh ano bakit? Hoy babae kala ko ba mag sh-shopping tayo ngayon. Anong oras na?"

Hays nakakarindi naman boses nito. Pumunta nalang ako sa banyo nila saka naligo. Panaginip lang pala. Bat ba ko disappointed? Yuck ako mahahalikan ni Gray. No way. NO!

Pagkatapos kong maligo syempre nag bihis ako. Bumaba ako at nandun si April kumakain kasama yung mommy niya. Lunch na pala.

"Morning po tita" pag bati ko sa kanya.

"Good morning din kain kana oh" umupo naman ako sa tabi ni April.

Syempre sa harap ng parents dapat mala anghel hahaha. Pagkatapos naming kumain nag paalam na si April kay Tita saka umalis na kami.

"Nakatulog ka ba kagabi? Sa pagkaka alala ko tawa ka ng tawa" nakangising sabi ni April.

Bigla naman akong namula. Oo nga namula ako paulet ulet.

"Oo naman" yes di ako nautal!!!

Di na ko pinansin ni April hanggang nakadating na kami sa pupuntahan namin. Yey nandito na kami. Kasasabi ko lang pala nun.

"Yey clothes!" masiglang sabi ni April.

Hayaan niyo na, yan lang kaligayahan niyan. Syempre joke lang hahahaha. Bumili na kami ng mga damit tas bumalik sa kotse. Syempre naka kotse kami pano kami makakapunta dito.

"Coffee shop tayo?" tanong niya.

"Ok" yun naman ang kaligayahan ko, haha joke lang.

Pumunta na kami sa coffee shop kasi yun ang sabi niya. Inaantok pa naman ako kaya perfect ang coffee shop. Pumunta kami sa isang coffee shop. Ngayon palang ako nakapunta dito.

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon