Chapter 8: Meet My Boyfriend

211 8 0
                                    

April Yu's
P.O.V

"Bilisan mo tara" sabi ni Ate Angie habang hila hila ako.

Kakauwi ko lang galing school at sinalubong niya ko sa gate. Akala ko nga si Austin ang pinunta niya.

"San ba tayo pupunta ate?" tanong ko sa kanya.

"Kakauwi lang ng boyfriend ko sa Pinas and I want you to meet him"

"Saan nga di bakit" sabi ko.

"Sa bahay"

Bahay? Bahay nila? Bahay nila ni Austin? Bahay ni Austin? Nang makadating kami dun ewan ko pero bigla akong kinabahan.

"Wala dito kapatid ko don't worry" sabi ni Ate Angie.

"Ah ok" yun nalang nasabi ko.

Pagkapasok namin dun pinaupo niya agad ako sa may sofa.

"Teka lang tatawagan ko siya. Baka kasi nasa carwash pa siya. Business nila yun eh sige wait lang" sabi niya saka inabot sakin yung remote. "Manuod ka muna"

Lumabas na siya at iniwan ako dito. So umupo nalang ako saka nanuod ng tv. Bat ba ang tagal ni Ate?

"What the hell are you doing here?!" napatayo ako sa sumigaw.

Kala ko ba wala siya. From the looks of it mukhang kakauwi niya lang.

"Pinapunta ako ni Ate Angie, bakit may problema dun?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"Tsk" yun lang narinig ko sa kanya at umupo siya sa tabi ko.

Umupo nalang din ako. Maya maya biglang nilipat niya yung tv. Bastos pero di na ko umangal, sa kanila naman tong tv na toh eh.

Since bored nilabas ko nalang muna yung phone ko at nag kalikot dun. Nag decide akong mag music muna.

"Ang ingay" inis na sabi ng katabi ko.

"Paki mo? Cellphone ko toh. Di nga kita pinakelaman nung nilipat mo yung tv eh" sabi ko sabay irap.

"So sinasabi mong ako ang may kasalanan dito"

"Ganun na nga"

"Ikaw nga tong hanggang ngayon di pa din nag s-sorry"

"Gosh di ka talaga marunong makalimot"

"Sabi ko nga diba pagbabayaran mo yun"

Sa inis nilakasan ko pa ang music.

"Akin na nga!" lumapit siya at sinubukang kunin yung phone ko.

"Ano ba?!"

Tinago ko naman sa likod ko yung phone ko. Sinubukan niyang kunin pero di niya makuha. Para tuloy siyang nakayap sakin.

"Akin na kasi!" inis niyang sabi.

"I said ayoko!"

Tiningnan niya ko ng masama. Nagulat nalang ako nang bigla niya kong hinalikan. Oo hinalikan niya ko sa labi.

O_O <--- me

"Sabi sayo pag babayaran mo yun" sabi niya habang nakangisi.

Ako nakatulala lang sa kanya. Hinalikan niya ba talaga ako. Hinalikan niya nga ko sa labi. Bigla nalang siyang umalis at iniwan ako dun.

"April!" natauhan nalang ako nang may tumawag sakin.

"A-ate" nauutal ako, bakit ba?!

"Nanunuod ka pala ng sports?" sabay turo niya sa tv.

"Ah oo eh hehe"

"Tara na nga papakilala na kita sa boyfriend ko"

Hinila niya ko palabas. Pag labas namin may nakita akong lalaking nakatayo dun.

"Alex I want you to meet April. April I want you to meet Alex. My boyfriend" pakilala samin ni Ate.

"Nice meeting you April" sabi niya.

"Nic meeting you din po Kuya Alex" sagot ko naman.

"Nga pala di mo napansin si Austin? Kakauwi niya lang eh" sabi ni Ate Angiem

"Ah ano po…h-hindi eh" bat ba ko nauutal? Dahil ba sa kiss. Whaa! Pesteng kiss na yan. Teka hinalikan ako ni Austin Kang? Oo si Austin Kang na gusto kong lokohin. Si Austin Kang na bwiset na bwiset ako.

"Uhm ate may naalala pala akong gawin sa bahay sige una na ko. Bye" paalam ko sa lovebirds saka umalis.

Lovebirds? Since when ko pa ginamit ang word na yun? Nako kasalanan toh ni Austin eh! Bakit ba ang lakas ng epekto sakin ni Austin eh kiss lang naman yun. Madami din naman akong nahalikan ah, yung mga niloko ko. Hays alis ka nga muna sa utak ko Austin. Panay Austin na ko bwiset.

Gray Lee's
P.O.V

Ang sarap ng buhay ngayon. Walang project. May punishment nga pero sana isang araw lang yun. Di tulad ng project na isang linggo. Hays naka bwiset. Ano ka ba Gray chill lang.

Nate Calling…

Muntikan na kong mapatalon sa gulat nang tumawag si Nate. Istorbo kitang nanunuod ako. Ay di niya nga pala niya ko nakikita haha.

"Bakit?" oo, di ako marunong mag hello.
[Hello din ah] tumawag siya yun lang pala sasabihin.

"Bakit nga? Kitang nanunuod ako, istorbo mo naman eh"

[Oo nga nakikita ko nga, tanga ka ba?] parang sinabi ko na yan kanina ah.

"Sino bang bagsak sa grades?"

[Tsk manahimik ka na]

"Ano ba sasabihin mo? Pinapatagal mo pa eh"

[Nasa Pinas na daw si Kuya Alex!]

Nilayo ko sa tenga ko yung telepono ko dahil sa sigaw ni Nate. Pwede namang kalmado niya lang sabihin na--

"Nasa Pinas na si Kuya Alex?!"

[Bingi ka ba kasasabi ko lang diba?]

"Di mo sinabi, sinigaw mo"

[Ewan ko sayo]

Binabaan niya na ko ng tawag. Si Kuya Alex, boyfriend ni Ate Angie. Close siya saming tatlo nina Austin. Parang kuya namin siya. Siya din ang taga bigay ng advice samin.

To: Austin

Nandyan sa inyo si Kuya Alex???

Ang tagal niyang mag reply. Bwiset, pumunta nalang ako sa kanila. Habang nag lalakad ako nakasalubong ko si April. Busangot ang mukha.

"Problema mo?"

"Ay palaka ka!" napasigaw siya sa gulat.

"Palaka agad" sabi niya.

Umirap naman siya saka umalis. Meron ba yun? Nag punta na ko kina Austin.

"Kuya Alex!" sigaw ko nang makita ko si Kuya Alex.

"Gray!"

Lumapit ako at nag bro hug kami. Naks bromance.

"Tagal mo dumating" napaharap ako kay Nate. Nanditi na pala toh.

Di ko nalang siya pinansin.

"Salamat sa pag papansin sakin ah" sarkastikong pagkasabi niya.

"Walang anuman" sagot ko naman.

Pagkapasok namin nakita namin si Austin na tulala.

"O bat ka tulala dyan?" tanong ko.

Di niya naman ako pinansin. Ok lang ba toh.

"Huy!" pumalakpak na si Kuya Alex pero wala pa din.

Ok lang ba toh. Bigla naman siyang binatukan ni Nate at nagulat siya.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Nate.

"Tsk bwiset" sabi niya saka umalis.

May problema ba yun. Meron din ba yun tulad ni April?

Next Chapter…

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon