April Yu's
P.O.VHays finally nasa pinas na ko. Nag vacation kasi ako sa States. Syempre nakipaglandian din di naman yun mawawala. Pagkababa ko ng eroplano sinalubong ako ng driver ko.
"How was your vacation Ms. April?" tanong niya sakin.
"Good. Where's mom and dad?"
"They're waiting for you"
Nasa bahay lang naman pala bat di sila yung sumundo sakin. Tamad lang ganon. Habang nilalagay ng driver ko yung mga bag ko sa car naisipan ko munang tawagan si Violet. I missed her. Dalawang ring lang ang at sinagot niya na.
[Let me guess nasa Pinas ka na] sabi niya pagkasagot ng tawag.
"Yeah. Punta ka sa club ni Dad 6pm"
[Fine. Nagkita kayo ni Kuya Vince?] tanong niya.
She's referring to her brother na nag aaral sa States. Napairap naman ako. I know na matagal nang may gusto sakin. Napatingin ako sa gilid. Mukhang pinag mamasadan ako ng babae. Dahil mood ko ngayon may naisipan ako.
"Yeah. He said na mas gumanda ako. He also said that I've got a lot taller" sabi ko saka tumigin sa babae.
Ngimisi naman siya bigla.
[Haha i knew he would say that] sabi niya.
Binaba ko yung tawag. Nakangisi pa din yung babae at mukhang nag pipigil ng tawa. Nilapitan ko siya.
"Hoy ikaw" sabi ko saka tumingin siya. "Bakit ka ngumingisi?" pagtataray kong tanong.
"Sorry. I'm from the States I don't understand what your saying" sabi niya saka akmang aalis.
"Edi bakit ka humarap mung tinawag kita" sabi ko humarap naman siya.
"Sorry" sabi niya at umalis.
Hays nakakahaggard ng beauty.
"Is there a problem miss?" tanong sakin ng driver ko.
"No. Just open the door so I can get in" utos ko at sinunod niya naman.
Sumakay na ko ng sasakyan. First day ko sa Pinas may nang b-bwiset na. Nakadating na din kami sa bahay. Nakita ko dun sina Mommy.
"Nandito ka na pala" sabi sakin saka niyakap ako.
"Tinamad ata kayong sunduin ako" sabi ko.
"Sorry we we're just busy" sabi ni Mommy.
Kahit na ganito ang ugali ko close pa din ako sa parents ko. Their still special to me.
"Si Dad ?" tanong ko.
"Nasa office pa. Pauwi na din yun" tumango naman ako.
"Akyat na ko, Ma" sabi ko saka umakyat inayos ko na yung iba kong gamit.
***
Nandito ako sa bar ni Dad at kasama ko si Violet.
"San tayo mag-aaral?" tanong niya.
Matagal ko na yung inisip pero hanggang ngayon di ko alam kung saan kami mag aaral. Ilang weeks nalang pasukan na.
"May nakita ako. Golden Royalty High" request ko.
"Alam ko yan. Sikat na sikat ang school na yan. High class students lang ang nakakapasok"
"I know that's why its the perfect school. Yah think?"
"Perfect"
Nag apir kami. Pag uwi ko sasabihin ko kina Mommy na may napili na kamjng school. I'm so looking forward for this school year.
Zaylee Park's
P.O.VPagkauwi ko sa bahay sinalubong ako ni Nanay.
"Anak nakauwi ka na pala. Dapat sinabi mo para nasundo kita sa airport" sabi ni Nanay.
"Di na po kailangan. Alam ko pong marami kayong gawain dito"
"Ano kamusta? Nakita mo ba kapatid mo?"
"Opo. Masaya na daw po sila ng asawa niya at wag na nating pakilaman" sabi ko.
Si Ate Zharm nag college sa ibang bansa. Sinabihan niya kami na mag padala dahil ikakasal niya. Ako personally nag bigay sa kanya ng pera kasi nag taka ako bakit di kami kasama. Pero pagdating dun sabi niya wagna daw siyang pakialaman.
"Si Ate talaga. Pabayaan mo siya sa buhay niya" sabi ni Ate Zia.
Tatlo kaming magkakapatid at bunso ako. Panganay naman si Ate Zharm at ang isa ko pang kapatid ay si Ate Zia.
"Anak may good news ako sayo" sabi sakin ni Nanay.
"Ano po yon?"
Naupo muna kami sa may sala bago siya mag salita.
"Ililipat ka na ng school" masayang sabi ni Nanay.
"Po? Bakit? Saan? Masaya na po ako sa St. Mary Academy kahit publuc yun. Bakit niyo pa po ako ililipat? Baka mahal yung school na yun" pag rereklamo ko.
Ayoko namang iwan ang mga kaibigan ko. Saka mahirap mag fit in da panibagong school.
"Calm down. Walang bayad. Isa kang scholar dito"
"Saang school po?"
"Sa Golden Royalty High"
"G-golden Royalty H-high" sa pangalan palang halatang mamahalin na. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
"What? Sa GRH siya mag aaral. Nanay gusto dun eh ang ganda kaya ng school na yun. Yung uniform Korean style tapos yung mga rooms aircon hanggang sa hallway" sayang saya si Ate Zia habang nag k-kwento.
Mukhang mamahalin nga ang school na yun. Kung libre ako sa tuition, pano kaya yung books at uniform.
"Problem lang. Halos ata kalahating milyon ang uniform nila" sabi ni Ate Zia.
Halos malaglag panga ko."K-kalahating milyon. Pano pa kaya yung books? Nay wag na" pag rereklamo ko.
"Nako Zay, napakadaming nagkakandarapa makapag aral lang dun. Sayang yung chance" sabi ni Ate Zia.
Kalahating milyon yung uniform like the heck! Mukha ba kaming makaka afford ng kalahating milyon. Eh nokia nga lang na de-keypad phone ko eh.
"Anak para sayo din toh" sabi ni Nanay.
I guess no choice. Pumayag nalang ako mag aral dun. Scholar naman ako eh. Sayang naman yung chance.
"Zay halika dali!" pagtawag sakin ni Ate Zia na nasa labas.
Ano nanaman yun. Kakauwi ko lang ng Pinas eh. Lumabas naman ako at nakita ko si Fred na may dalang hopia. Jusko po.
"Hi Zaylee. Uhm para sayo oh" sabay abot niya sakin ng hopia.
"Ah salamat" sagot ko sabay kuha nun.
Kinikilig naman si Ate na nasa isang tabi. Ilang taon na kong nililigawan ni Fred at ilang taon ko na ding sinasabihan siya na wala akong balak sagutin siya. Sweet naman siya at gwapo pero di ko type. Pangarap ko pa namang mag pakasal sa isang mayaman at highclass na tao."Dapat sinabi mo sakin na nakauwi ka na, para naman masundo kita sa airport" sabi niya sakin.
"Ay di na kailangan. Sige alis na bye" sabi ko at pumasok sa loob.
"Sorry Fred ah. Meron ata yang kapatid ko eh, dapat kasi ako nalang niligawan mo sige bye!" rinig kong sabi ni Ate saka pumasok sa loob.
Ilang taon niya na ding pinipilit na siya nalang yung ligawan ni Fred pero bulag ata si Fred eh. Maganda naman kapatid ko eh.
Next Chapter…
BINABASA MO ANG
When The Guys Meet The Girls
Teen FictionPayapa ang buhay nila pero pagdating ng girls mukhang magkakaroon ng world war Three simple guys met three simple girls whats the problem? They hate each other The girls hate the guys and vice versa Pano kung dahil lang sa isang project ay magkaba...