Chapter 39: Drunk

176 8 0
                                    

Last subject na din namin sa wakas. Nakaka stress sa totoo lang. Malapit na ang Christmas Vacation namin.

"Tara bar ulit tayo" pag aya ko sa kanila.

"Again?" tanong ni Violet.

"Wag ka mag alala wala nang hahalikan na iba si Gray" sabi ko.

"Aba wala talaga siyang ibang hahalikan. Sa ganda kong toh"

Nag kunwari agad akong sinamid sa sinabi niya. Napa irap naman siya. Sa tagal naming magkaibigan never pa kaming nag sabi na ang ganda niya or sinabi niya na ang ganda ko. Except kung special occasion.

"Game ako dyan" pag singit ni Nate.

"Eh ikaw Austin?" tanong ko kay Austin.

"S-sige lang" sabi niya.

After ng class pumunta na kami sa bar ni Dad. Papunta kami sa VIP seat nang biglang nakasalubong ko si Jake. Regular customer siya dito at kaibigan din ni dad ang daddy niya kaya di na nakakapag taka na nakakapasok siya agad dito.

"Uy ikaw pala Jake" sabi ni Violet.

Dating crush niya kasi si Jake eh.

"Alam niyo girls kung lagi kayong nandito you might lose you V-card nang di sa oras" sabi nito kaya napairap ako.

Masyado kasi tong feeling close.

"Alam mo din ba na wala akong paki. This is my Dad's bar" sabi ko sabay alis at diretso sa VIP seat.

Pagka dating namin sa VIP seat agad na nag tanong si Gray.

"Crush mo yun?"

Nagkibit balikat naman si Violet.

"Dati"

Huminga ng malalim si Gray pero nawala ang pagkainis niya sa sinabi ni Violet.

"Pero ngayon iba na"

"Hays" sabi ko nalang at napairap.

Napatingin ako kay Austin na nakalahati na pala ng isang bote. Ang bilis naman niya.

Iniwan muna kami ng apat. Kailangan kong samahan si Austin dahil mukhang nagpakalasing siya.

"Austin" tinapik ko siya. Nakapikit na kasi siya.

"Huy" sabi ko.

Dinilat niya ang isang mata niya at tumalikod.

"Hays ano bang gagawin ko sayo" bulong ko habang pinagmamasdan siya.

"Mukhang lasing na lasing ang isa dyan ah" sabi ni Jake na dumaan samin.

"Mukhang may paepal ah" sabi ko.

"Bat ba galit na galit ka sakin?" sabi nito at umupo siya sa tabi ko.

"Bat ba ayaw mo kong layuan?"

Mag sasalita pa sana si Jake nang makarinig kami ng isang pag basag ng bote. Napatingin kami kay Austin na ang sama ng tingin samin.

"Layuan mo siya" sabi ni Austin.

"Sino ka ba para sabihan ako nun?"

Nagulat kami nang ibato ni Austin ang basong hawak niya. Dumiretso ito sa pader sa gilid ni Jake. Kung di lang lasing si Austin baka dumiretso na yun kay Jake.

"Ok ok aalis na ko" sabi ni Jake at umalis. Hays buti naman.

Tiningnan ko si Austin na natutulog ulit. Ano bang gagawin ko sa lalaking ito.

"Huy!" kinalabit ko siya pero tiningnan niya lang ako.

Nakita kong papalapit samin si Gray. Mukhang enjoy na enjoy siya.

"Tara April bawal KJ" sabi nito.

"You know what ihahatid ko nalang sina Austin sa kanila. Mukhang kailangan na niyang mag pahinga"

"Sige samahan na kita"

"No thanks kaya ko na. Mag enjoy na kayo dyan, pasabi nalang kila Violet na nauna na ko" sabi ko.

"Alright enjoy din" sabi nito at bumaba.

Enjoy? Lasing din ba yun. Inalalayan ko si Austin pababa at papunta sa parking lot. Pinasakay ko siya sa passenger seat at nilagyan siya ng seatbelt.

"Jusko ang bigat mo" sabi ko.

Umupo na ko sa driver's seat at nag drive papunta sa kanila. Medyo madilim dilim na din kaya maganda na ihatid ko siya. Pagkadating ko sa kanila lalabas na sana ako ng kotse ng pigilan niya ko.

"Bakit?"tanong ko.

"Saranghae..."  bulong nito.

Ewan ko kung tama ba ang pagkakarinig ko. Kdrama fan ako kaya alam ko kung anong meaning ng sinabi niya. Tama nga ba yung narinig ko.

"Jowa haeyo...." bulong nito ulit.

Di ko alam ang meaning nun pero di ko nalang pinansin.

"Austin nandito na tayo sa inyo" sabi ko ang tinanggal ang seatbelt niya.

Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin.

"Saranghae, saranghaeyo" bulong nito.

"Austin lasing ka lang" sabi ko.

Aalis na sana ako nang hilahin niya ko. Parang di ako makahinga sa ginawa niya. He kissed me. Nalasan ko ang alam muna sa bibig niya pero wala akong paki. Parang naaadik ako sa labi niya. Do I like him? If I don't bakit ako nagkakaganito. Does it mean that I like him?

Humiwalay siya sakin at sumandal. Pinikit niya muli ang mga mata niya. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko na baka panaginip lang ang lahat. Natauhan ako sa sunod niyang sinabi.

"April, gusto kita"

Parang sumikip ang dibdib ko. Di ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko. Lumabas na ko ng sasakyan at nag doorbell. Lumabas mula duon si Ate Angie.

"April anong ginagawa mo dito?" tanong nita sakin.

Agad ko namang tinuro si Austin na nasa sasakyan at mahimbing na natutulog.

"Ah sige ako nang bahala sa kanya" tinawag ni Ate Angie yung dalawang maid nila parang ipasok si Austin.

"Salamat sa pag hatid, April"

"Wala yun ate sige una na ko"

Aalis na sana ako nang may naalala ako. Tinawag ko agad si Ate Angie.

"Oh bakit? May nakalimutan ka?" tanong niya sakin.

"Uhm nanunuod ka naman ng mga kdramas right?"

"Oo"

"Alam mo ba yunh meaning ng jowa haeyo?"

"Teka hmmm. I like you ata yun eh. Bat mo natanong?"

"Ah wala wala sige bye ate" sabi ko at nag babye sa kanya bago bumalik sa kotse.

Ako gusto ni Austin? Ewan ko kung dala lang ba yun ng kalasingan pero he mentioned my name. Gusto kong umasa na may pag asa pero di ko alam kung may aasahan pa ba ko.

Nag drive nalang ako pauwi. Gusto ko sanang makalimutan lahat ng sinabi niya pero ayaw. Buong gabi halos di ako makatulog dahil dun.

"Saranghaeyo"

Bat ba ayaw umalis ng word na yun sa utak ko. Bat ba ayaw akong tigilan nun. Parang baliw na ata ako dahil bago ako makatulog ay naramdaman ko ang pag ngiti ko.

Next Chapter...

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon