Chapter 12: The girls unite

216 5 0
                                    

April Yu's
P.O.V

The heck malalate na ko! Minadali ko na ang pag aayos sa mukha ko saka umalis. Tanghali na kasi ako nagising, nagising lang ako nung dumating na si Violet samin at dahil mabait akong kaibigan pinauna ko na siyang pumasok.

"Bye!" kumaway na ko sa kung sinuman ang nasa bahay saka pumasok sa sasakyan.

Minadali ko ang pag drive. Buti nalang may nahanap agad akong parking space.

"Late na ko. Late na ko. Late na ko" paulit ulit kong bulong habang naglalakad papuntang classroom.

Umakyat na ko ng hagdan. Malapit na ko sa room, so close.

"Nalate ka ata ngayon?"

"Ay anak ni Satanas!" napasigaw ako nang biglang sumulpot si Austin.

Hilig nitong sumulpot kung saan saan. Nakakabwiset.

"Paki mo ba?" inirapan ko nalang siya saka pumuntang classroom.

"Hello ma'am sorry I'm late" sabi ko.

"Ms. Yu and Mr. Kang. Why are you late?" sabi ng teacher namin.

"Kasi po…"

Hanap ng explanation. Humanap ka!!

"Nag review po kami para sa test ngayon" sabi ng nasa likod ko.

Sino pa bang nasa likod ko edi itong si Austin.

"Ah ganun ba. Osige, you may now tae your seats" sabi ng teacher namin.

"Thanks" sabi ko at umupo sa upuan ko.

Pangalawang beses ko na palang mag thank you sa kanya pero away pa rin kami ng away.

"Uy. Nag review pala kayo ah" bulong sakin ng katabi kong si Violet.

"Alibi lang yun gaga" sabi ko sa kanya.

Nag mag vacant na nag ikot ikot kami. Sa totoo lang ayaw ko talaga pero ano pa bang gagawin namin.

"Si Zaylee yun ah?" tanong ni Violet.

Nakita naman namin si Zaylee.

"Nerd! Hahahaha" sabi ng dalawang babae na mukhang inaaway siya.

Nagkatinginan kami ni Violet saka pumunta dun.

"Ano bang problema niyo at inaaway niyo siya?" tanong ko sa dalawang babae.

"Sino ka naman para kausapin kami ng ganyan? Alis na nga!"

"Kaibigan namin siya. FYI nga pala di siya nerd. She's smart and kind not like you" sabi ni Violet.

Nagkatinginan yung dalawa at parang nag iisip ng sasabihin.

"Magsama nga kayo tse!" umalis na sila.

Nagkatinginan kaming tatlo. Maya maya bigla kaming tumawa. Ewan namin pero bigla nalang kaming natawa.

"Bakit ba tayo tumatawa?" tanong ko.

"I don't know but it feel so good" sabi ni Violet.

"Salamat ah" sabi ni Zaylee.

"No problem and you know what, our not that bad" sabi ko.

"Talaga?"

"Yeah. I think its gonna be cool kung friends tayo?" tanong ko.

"I guess so. Sorry dahil inaway ko kayo ah"

"Its ok. Were sorry too" sabi ni Violet at nag group hug kami.

"So…friends?" tanong ko.

"Nag group hug na nga tayo saka mo lang yan tatanongin" sabi niya at nag tawanan kami.

"Sorry na" natatawa kong sabi ko.

"Ano toh girls v.s. boys?" sabi naman ni Violet.

"Pwede. Lets show the boys who's boss" sabi ko.

I think this friendship is gonna be interesting. Pumasok na kami sa klase ng sabay sabay.

Nathan Lim's
P.O.V

Habang nagdadaldalan kami sa room biglang pumasok yung tatlo. Teka magkakasama ba tong tatlo sina Violet, April, at Zaylee. Anong nangyari dito? Humarap ako kina Austin at mukhang nagtaka din sila.

"Ah anong nangyari dito?" tanong ko kay Gray.

"Aba malay ko ba?"

Humarap naman ako kay Austin. Nagkibit balikat lang siya. Bad mood nanaman toh. Psh bahala nga siya dyan. Maya maya dumating na yung teacher namin.

After 91837475736262 years natapos na din ang klase namin. Yey!!!! Halata ba na di ako nakikinig haha oo na pumunta na ako ng library para sa tutor namin ni Zaylee.

"Kamusta?" bati ko sa kanya pagdating ko sa library.

Snob. -,- Meron siguro toh?

"Wala ako. Kalalaki mong tao yan iniisip mo" sabi niya habang nag susulat.

"Sungit pero sige tuloy mo lang yang ginagawa mo"

"Bakit? Para malate tayo sa pag aayos sa auditorium? Tamad" sabi niya at tiningnan ako.

"H-hindi noh. Di ba pwedeng pagod lang" sabi ko at napairap naman siya.

Dahil sa inis ko hinarap ko yung mukha niya sakin at dinukot at mga mata niya hahaha pero syempre biro lang yun. Nakakadiri kaya yun.

"Ano bang iniisip mo ata nakatayo ka pa din dyan?" sabi niya pero patuloy pa din sa pag susulat.

Umupo nalang ako. Maya maya nagsimula na kaming mag review. Binilisan niya naman para makapunta agad sa auditorium. Nang matapos na kami pumunta kami sa canteen dejk sa auditorium noh eto talaga. Oo na corny pero tumawa naman kayo please. Sige di kayo tumawa di wag. -,-

"Ang tagal niyo naman. Sinadya niyo yun para kami lang mag linis dito noh?" tanong ni April nang makadating kami sa auditorium.

Kakapasok palang samin yan agad sinabi. Wala man lang hello.

"Ikaw kaya magpatutor" sabi ko sa kanya.

"Di na kailangan matalino po ako"

"Ang hangin!"

"Mahangin talaga. Dumating ka eh"

"Ingay!" inis na sabi ni Austin.

Kahit kelam kj talaga toh. Nag simula na kaming tumulong sa pag lilinis. Hays nakakapagod. Kung kanina sunog ang utak ko ngayon sunog ang mga muscles ko. Oo may muscles ako bakit aangal ka?

Napatingin ako kina Zaylee. Seryoso? Nag uusap sila ni Violet at di nag sisigawan. What is happening people? Napatingin naman ako kay April. Lonely? Nag away ba sila. Kausapin ko kaya? Wag na baka masigawan pa ko.

"Isang oras na uwi na tayo" sabi bigla ni April.

Wala naman siyang orasan. Nag bibilang ba siya kanina kaya lonely siya. Nga pala kung tatanungin niyo may sigawan pa din kanina pero yung mga babae parang bati na sila?

"Totoo ba yung nakikita ko?" tanong sakin ni Gray.

Tinitingnan namin ngayon yung tatlong babae na palabas na ng auditorium. Hala sabay sabay sila at di lang yun nag tatawanan pa.

"Yung totoo mga tanga ba kayo? Bati bati na sila" sabi ni Austin habang inaayos yung bag niya.

"Weh? Parang kahapon lang halos mag patayan na sila ni Violet eh" sabi ni Gray.

"Ewan. Magugulo ang mga babae eh" sabi ni Austin saka umalis.

Ang bait talaga ng kaibigan namin noh iniiwan kami. Ganyan ang true friendship. Hala anong pinagsasabi ko. Nahawa na ba ko sa kabaliwan ng tatlo?

Next Chapter…

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon