Chapter 16: Food fight

167 8 0
                                    

Violet Kim's
P.O.V

Nagluluto na kami ngayon ng dinner namin. Syempre tumutulong ang boys. Nakakagulat noh haha ako din nagulat eh. Tapos na din kami mag luto at nag liligpit nalang kami.

"Ano ba?!" napaharap kami kay Zay.

Tinapunan siya bigla ni Nathan ng mayo sa damit niya.

"Oops" sabi ni Nathan.

Tiningnan siya ng masama ni Zay. Uh-oh. Bigla nilagyan ni Zay ng nutella sa mukha si Nathan.
"Oohhhh" sabi namin ni April.

"Ouch naman Nate haha" sabi ni Gray at bigla akong nilagyan ng natirang pancake na di pa naluluto sa balikat ko.

"Oh you didn't just…"

"Yes I did" sabi niya.

Bigal ko naman siyang tinapunan ng pineapple juice.

"Miss Violet Kim may dumi kayo sa mukha niyo, ito oh" inano niya naman sa mukha ko yung cupcake kaya nagka icing yung mukha ko.

"Food fight!" sigaw ni Nathan kaya bigla kaming nagtapunan ng pagkain.

Ang saya haha. Di ko akalaing mag e-enjoy ako kasama tong mga toh. This sleep over is not that bad.

Tumigil na kami sa pagbabatuhan ng pagkain at nagtinginan. Maya maya bigla kaming tumawa.

"Omg April, lagot ka sa parents mo" sabi ko kaya binatuhan niya ko ng spaghetti sauce sa mukha.

"Tutulungan niyo ko mag linis noh!" sabi naman niya.

Ang dumi dumi kasi ng kusina.

"Di ba pwedeng kumain muna" reklamo ni Nathan.

"Ang takaw mo talaga, tingnan mo nga yung kusina oh" sabi ni Zay.

"Oo nakikita ko di ako bulag" sabi ni Nathan.

"Tama na nga, maligo muna tayo tas linisin natin toh. Then mag dinner na tayo" sabi ni April at pumayag kami.

Maya maya natapos na kaming maligo. Pumunta na kami sa kusina.

"Walang mag babatuhan ah" sabi ko.

For sure kasi may magaganap na ganun.

"Yes boss" sabi ni Gray.

"Lalaki ako?"

"Ay babae ka ba?"

"Tingin mo"

"Hindi"

"Loko ka ah"

"Sa pogi kong toh, baka ikaw"

"Your so annoying"

"Your so weird"

"Manahimik ka na nga"

"Nananahimik ako tas ikaw tong aawayin ako"

"Hoy ikaw ang unang umaway sakin"

"Ikaw kaya!"

"Ikaw!"

"Ikaw!"

"Ikaw! Tinawag mo kong Ms. Weirdo"

"Tinawag mo kong Mr. Annoying"

"Tinawag mo kong Ms. Pikon"

"Bakit di ba totoo?"

"Hindi!"

"Weh? Pikon ka na nga eh"

Magsasalita pa sana ako pero…

"Tama na!" sigaw nilang lahat samin.

Nanahimik na lang ako. Natapos na kaming maglinis kaya nag dinner na kami. Nasa iisang table lang kami at magkakatapag. Magkatapat kami ni Gray, magkatapat si Austin at April na nasa left side ko, magkatapat naman si Nathan at Zay sa right side ko.

Walang sigawan. Walang bangayan. That's new. Pagkain lang talaga katapat namin noh. Haha. Natapos na kaming kumain. Yung mga boys nag linis ng table habang kaming mga girls ang nag hugas ng pinggan.

"Ok ayos na ang lahat. Goodnight" sabi ko at nauna na sa taas.

Pumasok na ko sa kwarto ni April at tumalon sa kama niya. Tabi kaming tatlo dito dahi malaki naman. Sa guest room naman na katabi lang ng room namin yung tatlo. May malaking kama din dun kaya kasya yung tatlo.

"Ay ang galing naman. Kama mo?" binaba ko yung phone ko nang pumasok si April at Zay sa kwarto.

Nginitian ko nalang sila.

"Wow, ang laki ng kwarto mo" sabi ni Zay na mukhang amaze na amaze.

Siguro kung magkaaway pa kami ngayon nasabihan ko na siya ng 'mahirap ka lang kasi' pero ngayon di ko masabi sabi yung word na 'mahirap' sa kanya. Nag ayos na kami saka humiga sa kanya. At dahil madalas akong bumangon sa gabi sa gitna ako pinapwesto si Madam April. Para daw mahirapan ako umalis ng kama. Pwede naman sa ibabang dulo dumaan pero di ko nalang sinabi haha.

"Goodnight!" sabi ko at natulog agad.

Di ko na sila hinintay pang mag goodnight. Tulog na ko agad.

Zaylee Park's
P.O.V

Nagising ako bigla. Tiningnan ko ang dalawa kong katabi, ang himbing ng tulog. Tiningnan ko yung wall clock ni April, 2am na pala. Lumabas muna ako sa kwarto dahil nilalamig ako. Naka aircon kasi sila. Sanay sila sa malamig eh.

Pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng maiinom. Sabi ni April nung wala pa yung mga boys, feel at home daw. Pagkatapis kong uminom hinugasan ko yung baso at pinatuyo. Umupo muna ako sa table saka nag laro sa phone ko.

"Gising ka pa" binaba ko agad yung phone ko nang may bumaba, si Nathan pala.

Ayoko kasing malaman ng iba ng ganun yung phone ko. Nakakahiya kaya.

"Tingin mo?" sabi ko sabay irap.

Uminom din siya ng tubig saka umupo sa harapan ko.

"I saw your phone" sabi niya kaya nakaramdama ako ng hiya.

Akala ko aasarin niya ko sa phone ko but he just stayed quiet. Weird.

"Don't be shy. Gusto mo bang magka iPhone?" tanong niya kaya tumaas ang kilay ko.

"Pinag iipunan ko nga para naman may camera tong phone ko tas kung ano ano pa" sabi ko.

Matagal ko nang pinag iipunan yun eh kaso lang wala eh marami akong gastusin. Tahimik lang kami nang bigla siyang tumayo.

"Sige akyat na ko ah. Goodnight" sabi niya at umakyat na.

Teka? Nag goodnight sakin si Nathan. Si Natahan na kaaway ko. Sabagay binilhan niya nga ko ng uniform eh, dalawa pa. Umakyat na din ako at bumalik sa kama. Di bumangon si Violet tulad ng sinasabi ni April. Gumana siguro yung plano ni April na sa gitna siya patulugin. Natulog na din ako, madami pang gagawin bukas. With the boys.

Next Chapter…

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon