Violet Kim's
P.O.VKumakain kami ngayon sa canteen at nagtataka ako kung bakit tahimik yung dalawa.
"Hello? Earth to Zay! Earth to April!" sabi ko at tumingin sakin yung dalawa.
"Problema niyo?" umiling naman yung dalawa.
Dumating na yung boys. Tumabi si Gray sakin. Napairap naman ako. Hilig nitong tumabi sakin crush siguro ako nito charrrrr feeling ko naman pero alam kong maganda ako.
"Mall tayo mamaya" sabi ko sa tatlo.
"Sama ako ihahatid ko si Zay eh" sabi ni Nate.
"Bat di mo ihatid yung girlfriend mo?" sabi ni Zay saka umalis.
"Huh?" nagtaka naman si Nate.
"Hoy Nate anong girlfriend? Ikaw ah di ka nag sasabi samin" sabi ni Gray.
"Wala naman aking girlfriend eh" sabi ni Nate.
"Whatever, April mall tayo mamaya ah. Kasama si Zay syempre" sabi ko.
"Sama din ako ihahatid ko si April pauwi" sabi ni Austin.
Nagulat naman kaming tatlo nina Nate at Gray.
"Anong hatid?" tanong ni April.
"Babantayan kit diba?"
"Ah oo nga pala"
Ano daw? Etong dalawang toh ang hilig hilig mag tago ng sikreto samin.
"Share naman pwede?" tanong ko.
"Wala" sabi ni April.
"Teka pano naman ako di niyo ba ko isasama?" tanong ni Gray.
"Wala ka namang gagawin dun eh. Etong dalawa may ihahatid ikaw ano gagawin mo?"
"Ihahatid ka" saka tumingin siya sakin.
"Huh? May sasakyan ako"
"Edi ako tagabitbit ng mga bibilhin niyo"
"Ano tingin mo sakin, walang kamay?"
"Hindi. Halata naman na madami kang bibilhin" sabi niya at ngumisi.
Ang lakas talaga maka asar ng lalaking toh. Ugh onti nalang talaga!
"Joke lang sige sama ako"
"Para kang bata"
"Sige na please"
"Eh bakit ba gustong gusto mo sumama?"
"Eh ako lang kasi ang di kasama daya"
Facepalm. Di ko alam kung isip bata ba toh o bata lang talaga na mukhang matured na si Gray.
After lunch nagsibalikan na kami sa classroom. Nandon na si Zay at tulala. Napatingin ako kay Nate at nakatingin din siya kay Zay. Mukhang may issue ang dalawa. Lalapitan na sana ni Nate si Zay kaso pinigilan ko.
"Wag na muna. Mukhang malala ang issue niyo" sabi ko at sumunod naman si Nate.
Tumabi ako kay Zay.
"Anong problema?" tanong ko pero dinedma niya lang ako.
Nice talking ah! Ok kalma lang.
"Zay kaibigan mo kami dapat nag sasabi ka samin"
Bigla nalang tumulo yung luha ni Zay at lumabas ng room. Napatingin ako kita Nate at halatang nag aalala siya. Tumingin ako kay April at binigyan siya ng sign na sundan si Zay at yun nga ang ginawa namin.
Hinanap namin si Zay pero parang may super powers itong si Zay at di namin makita. Wala siya sa garden, sa library, sa canteen.
"Rooftop?" tanong ni April at pumunta kami don.
Tama nga siya dahil nandon si Zay umiiyak. Mahigpit niyang hawak ang palda niya habang umiiyak. Tinabihan namin siya ni April.
"Zay ano bang problema?" tanong namin.
"Ang tanga ko eh. Ang tanga tanga ko. Dapat dati ko pa inalam. Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit?" nagkatinginan kami ni April sa mga pinagsasabi ni Zay.
"Ano bang nangyari?" kalmadong tanong ni April.
"Naging tanga ko. Alright aaminin ko, I like Nate" nilagay ko yung kamay ko sa bibig ko.
"Omg di nga ihhh" sabi ko habang kinikilig.
Tumango naman si Zay.
"Pero truth hurts nga diba. May mahal na siyang iba. May girlfriend na siya" sabi ni Zay at umiyak.
"Girlfriend?" tanong ni April.
"Sino namang girlfriend niya?"
Tumingin sakin si Zay.
"Naalala mo yung babaeng umupo sa upuan mo kaninang umaga. Yun yon, si Heather"
Omg. Tama pala na tinarayan ko yun kanina dahil nakaupo siya sa upuan ko. Yumuko ulit si Zay. Inakbayan ko naman siya.
"Its ok Zay. Tama ka the truth hurts pero the truth will set you free. You focused on other stuff. Don't be trap to a person na wala ka namang mapapala" sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya ng mapait.
"Thanks Violet" sabi niya sakin.
"Wow since when ka pa naging love advicer?" tanong ni April.
"Tse! Tara na nga bumalik na tayo sa room tas pag uwian mag m-mall tayo. Wag mo nalang munang isipin yong Nate na yun"
"Kasama talaga natin siya eh" sabi ni April.
"Balewalain mo nalang siya. Be cold and don't talk to him. Pero wag naman isnob kung may tatanong siya sayo. Ipakita mo na wala kang pake sa kanya" sabi ko.
Nang matapos ang dramahan bumalik na kami sa classroom. At tulad ng sabi ko kay Zay, hindi niya pinansin si Nate. Maski tingin man lang pagkapasok namin sa room di niya ginawa.
Natapos na yung klase namin. Finally pupunta na kami ng mall yey!!! Hiwahiwalay kami ng sasakyan. Syempre alangan namang iwan nila yung sasakyan nila dito saka ihahatid nila yung dalawa diba except for Gray and I. Magka hiwalay kami ng sasakyan. Ouch LDR hahaha joke bat naman ako magkakarelasyon sa panget na yon.
Nang makadating na kami sa mall feeling ko nakalanghap ako ng fresh air nang maamoy ko ang aircon sila. Hay namiss ko na talagang mag mall. Busy kasi sa school works eh.
"San muna tayo excited na ko" sabi ko sa kanila.
Syempre hinayaan muna namin ang broken hearted na si Zay na pumunta sa book store. Bumili siya ng tatlong libro. Pumunta naman ako sa boutique. Syempre diretso fitting room.
"Violet mauna na kami sa foodcourt. Gutom na ko saka for sure matagal ka pa dyan" rinig kong sabi ni April.
"Ok sure"
Tinuloy ko lang ang pag susukat ng damit. Nang matapos na ko mag sukat lumabas na ko ng fittig room para bayaran yung mga napili ko.
"Taray iniwan talaga nila ko" sabi ko.
"Not me" napatingin ako sa gilid at nakita ko si Gray.
"Oh nandito ka pa pala?" sabi ko.
"Yup, tara bayaran na natin yan gutom na ko" sabi niya st pumunta kami sa counter.
"Eh bat di ka pa sumama sa kanila gutom ka na pala?" tanong ko.
"Ang sama ko naman kung iiwan kita dito diba?"
Wow since when pa naging mabait sakin si Gray. Nang matapos ko nang bayaran yung mga binili ko kinuha agad yung ni Gray. Gentleman, may nakain toh for sure. Kung ano man yun gusto kong malaman para ipakain ko sa kanya everyday.
Pumunta na kami sa foodcourt at naki-join sa kanila. After naming kumain nag ikot ikot pa kami bago umuwi. Di na ko hinatid ni Gray pero sinundan niya yung kotse ko nung pauwi na ko. Para daw masiguro na safe ako.
Weird ah. Sweet ata niya ngayon pero ok lang. Wala lang ata tong magawa pero ok lang. I like it naman eh.
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
When The Guys Meet The Girls
Teen FictionPayapa ang buhay nila pero pagdating ng girls mukhang magkakaroon ng world war Three simple guys met three simple girls whats the problem? They hate each other The girls hate the guys and vice versa Pano kung dahil lang sa isang project ay magkaba...