Three months later....
Sinuot ko ang heels ko at nag lagay ng finishing touches sa mukha ko bago lumabas ng kwarto. Gosh malalate na ko.
"Anak bilisan mo anong oras na?" sabi ni Mommy at pumasok kami sa kotse.
"Sorry na mommy" sabi ko sabay pout.
Buti nalang off nila today. Binilisan ni daddy ang pag drive kaya wala pang 10 minutes nasa school na kami. Agad kaming dumiretso sa gymnasium. Nakita ko sina Violet at agad akong tumakbo sa tabi nila.
"Hoy babae bat ngayon ka lang?" Tanong ni Zay.
"Sorry nag ayos pa ko. You know girl stuff" sabi ko.
"Ang sabihin mo nagpapaganda ka para kay Austin" sabi ni Violet.
"Hindi ah" sabi ko at nilibot ang paningin ko.
Nakita ko ang iba naming classmates kong nakaputong toge ngayon. One year. Isang taon ko silang nakasama. Ngayon magpapaalam na ako sa kanila. Nakita ko si Ate Angie kaya kinawayan ko siya. She waved back at me. Tumingin ako sa lugar kung saan nakaupo ang mga boys. Wala si Austin.
Asan na yun?
Nag start na ang program. May mga nag speech na estudyante. Kasama ako sa mga mag s-speech. Nag bigayan na din ng award.
"Huy ikaw na" sabi sakin ni Zay kaya umakyat na ko.
Kinakabahan ako. Bakit kasi di pwedeng mag notes nalang. Pumunta ako sa harap at huminga ng malalim.
"Good afternoon everyone. Teachers, parents, students. I want to say thank you. Maraming salamt dahil nakasama ko kayo. Hindi ko inakalang ganito ang magiging buhay ko dito sa Golden Royalty High. All I wanted nung una is to play with hearts. Akala ko kasi lahat ng lalaki ganon. Manloloko, paasa. Pero dahil sa pag lipat ko dito I met someone. Someone that made me this. Binago niya ko. Dahil din dito sa paaralan na ito I met new friends I learned how important friendship is"
Naalala ko nung niligtas nila ako nang kinidnapped ako nila Haily. Dun ko narealize kung gaano ako kaimportante sa kanila.
"Marami akong naranasan sa school na ito. Lalong lalo na yung punishment namin. That punishmnet gave me new friends. Dahil dun nagkaroon ako ng bagong barkada"
Naalala ko nung di namin nagawa yung project kaya kailangan namin gawin ang punishment. Yung ang rason kung bakit naging kaibigan ko sina Austin.
"Tinuruan din ako ng school na ito kung paano tumulong sa kapwa. Kahit di mo kaano ano basta humihingi ng tulong dapat matuto tayong tumulong"
Naalala ko nung binubully si Zay at tinulungan namin siya. Dahil duon naging magkaibigan kami.
"Napakahalaga ng paaralan na ito para sakin. Dahil dito nakilala ko siya. Kung nasaan ka man sana masaya ka ngayon. Congratulations to all of us"
Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos kong mag speech. Inonounce ng principal na we are officially graduated kaya nagbatuhan ng hats. Sobrang saya. Naalala ko sinabi sakin ni mommy nung mga times na nahihirapan ako sa lessons ko na its part of highschool. Tama siya. Parang lahat ng stress ko nabawi na.
"Congrats!" Sabi ko sa mga girlfriend ko at nag group hug kami.
"Sali kami! Congrats!" Lumapit samin sina Gray kaya nag group hug kami.
"Teka asan si Austin?" Tanong ko.
"Uhm di namin alam eh sige punta lang ako sa parents ko" sabi ni Nate at umalis.
Nagpunta na kami sa sari sarili naming pamilya.
"Congratulations princess" sabi ni mommy at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
When The Guys Meet The Girls
Novela JuvenilPayapa ang buhay nila pero pagdating ng girls mukhang magkakaroon ng world war Three simple guys met three simple girls whats the problem? They hate each other The girls hate the guys and vice versa Pano kung dahil lang sa isang project ay magkaba...