Gray's
P.O.V"I think nagkaayos na yung dalawa" sabi ni Violet habang naglalakad kaming anim.
Nauuna kasi kaming apat habang yung dalawa naiwan sa likod ayun naglalambingan. Di naman lambingan nag uusap lang sila with tawanan.
"Ay hindi magkaaway pa din sila kaya ayan nga oh nag tatawanan sila" sarkastikong sabi ko kay Violet.
Umirap naman siya.
"Aw sweet niyo" pag aasar ni April.
"Eww" sabi ni Violet at nauna.
Meron ata yun. Monday na monday meron siya. Pagkadating namin sa room kamusta agad nila si April at Austin. Nalaman na pala nila.
"Ay hindi, hindi pa nila nalaman kaya nga kinakamusta nila yung dalawa" sarkastikong sabi ng babaeng toh. Kahit kelan mind reader.
"Sabi nang hindi ako--"
"Oo na di ka mind reader malakas lang pagkasabi ko" sabi ko at umupo sa upuan ko.
Nakakairita na boses non. Parang nakalunok ng mega microphone. Habang nag kaklase kami may kumatok sa room namin. Yun yung lalaking kumatok sa kwarto ni Violet sa ospital at nakipag beso sa kanya. Sino ba yun? Ah si Sam.
"Excuse po kay Violet Kim" sabi niya.
"Uy Sam" agad agad namang lumabas si Violet para kausapin yung Sam na yun.
Humarap ako kila Austin.
"Boyfriend niya yun?" tanong ko.
Nagtinginan sila sabay ngisi. Inakbayan naman nila ko.
"Bakit? Selos ka?" tanong ni Nate.
"Huh? Ulul. Masama na pala ngayon mag tanong. Dyan na nga kayo" sabi ko at lumabas ng room.
Nakita ko sila nag uusap pero di ko pinansin at direretso lang. Narinig kong tinawag ako ni Violet pero di ko siya pinansin. Nagpunta ako ng music room at umupo sa may piano.
"Hays ano ba nangyayari sakin" sabi ko at nagplay sa piano.
Marunong naman akong mag piano kasi tinuruan ako dati.
"Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang yong mga ngiti"Di ko alam kung bakit yun ang napili kong kanta. Wala naman yung connect sa buhay ko. Di ko nga nililigawan si Violet eh. Violet Violet Violet lagi nalang Violet di ba pwedeng Blue naman joke. Bakit ba kasi laging si Violet.
"At Ikay sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo""Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sayo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko"Wala na kong paki kung cutting na ko gusto ko lang kumanta. Gusto kong ilabas ang nararamdaman ko. Lalim ah. Ano bang nararamdaman ko? Ano ba ilalabas ko? Ano ba ilalabas ko para mapansin niya ko? Letse ano ba tong pinagasasabi ko.
Saktong part ng chorus may kumanta. Alam ko kung sino yun kaya tinuloy ko lang ang pag tugtog.
"Kung inaakala mo
Ang pag-ibig koy magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko"Umupo siya sa tabi ko kaya tumigil ako sa pag tugtog.
"Sa pagkakaalam pwesto ko toh eh" sabi niya.
BINABASA MO ANG
When The Guys Meet The Girls
Teen FictionPayapa ang buhay nila pero pagdating ng girls mukhang magkakaroon ng world war Three simple guys met three simple girls whats the problem? They hate each other The girls hate the guys and vice versa Pano kung dahil lang sa isang project ay magkaba...