Chapter 25: 7 Minutes In Heaven

155 7 0
                                    

Zaylee Park's
P.O.V

Parang nakakapanibago na pumasok sa school. Ngayon magkakaibigan na kaming lahat. Di ako sanay. Pagpasok sa room nakita ko agad sina April at Violet. Nasa lilikuran lang nila yung tatlo.

"Ako lang pala ang wala dito" sabi ko at umupo sa tabi nila.

"Oo nga ang tagal mo" sabi ni Violet.

"Sorry na traffic kasi" pag e-explain ko.

"Ganon ba, Nate ikaw na mag hatid sundo dito ah" sabi ni April sabay turo sakin.

"Hoy anong pinagsasabi niyo?"

"Ako nang bahala sa kanya" sabi naman netong isa.

Nagsimula na ang klase. Nakinig nalang ako habang nagdadaldalan yung tatlo sa likod. Hays di pa din nagbabago.

"Wala parents ko for two days" masayang sabi ni Gray habang kumkain kami ng lunch.

"Parang alam ko na yung pinaplano mo"

"Party?"

"Yes! Tonight since Sabado naman bukas" sabi ni Gray at naka taas pa ang dalawang kamay.

Tumingin silang lahat sakin.

"Bawal KJ" sabi ni April.

"Ok fine paalam niyo ko"

"Deal" sabi ni Violet.

Siya mostly ang nag papaalam sakin eh. Kung ako kasi nag papaalam di naman sila pumapayag.

Violet Kim's
P.O.V

Papunta na kami ngayon sa party. Kaktatapos ko lang ipaalam si Zay sa nanay niya. Pumayag naman basta wag lang iinom  dapat iuwi siya by 10pm. Maaga pa naman, 7 palang kaya mag e-enjoy talaga si Zay.

Nakadating na kami sa bahay nina Gray. Sinend nila sakin yung address. Pag pasok namin party talaga. Maayos naman yun suot namin (syempre maganda sakin) hindi masyadong sexy pero tama lang.

"Nandito na pala kayo!" sabi ni Gray nang makita niya kami.

"Ay hindi wala pa kami kaya nga nakikita mo kami diba" pag bara ko sa kanya.

"Haha nakakatawa yang joke mo"

"Edi tumawa ka nakakatawa pala eh"

"Tatawa talaga ko HAHAHA" madiin na sabi niya sakin.

Nakita namin sina April. To my surprise magkatabi sila ni Austin. Edi sila na close.

"Dahil nandito na kayo maglalaro tayo ng laro" sabi ni Gray.

"Syempre ano bang nilalaro edi laro" bulong ko.

"Anong klaseng laro?" tanong ni Nate.

"7 minutes in Heaven" nag hiyawan agad sila nang marinig nila ang larong 7 minutes in Heaven.

Sinulat nila yung mga pangalan namin sa papel at nilagay sa box. Shinake nila yung box.

"Si Gray dapat mauna kasi party niya" sabi ni Austin.

"Tas bubunot nalang tayo ng partner niya" naghiyawan sila sa sinabi ni Nate.

Bumunot na sila ng partner niya. Si April ang bumunot. Bigla siyang ngumiti at tumingin sakin. Pati yung  ibang kasama sa party nakatingin din sakin. Oh no.

"Don't tell me..." hinarap niya yung papel sakin.

"Violet Kim"

"Let's go Miss Kim" sabi ni Gray at hinila papasok sa maliit ng closet.

Nag shots muna kami bago pumasok pero di naman sobra. Nang makapasok na kami tahimik lang kami.

"Dapat after 7 minutes pag bukas nag k-kiss tayo muuuwahhh!" nag sound effect pa tong ai Gray.

Tiningnan ko naman siya ng masama. Humarap siya sakin at tumawa.

"Kapag nagawa yun nanalo ka sa game pera ang price" napaisip ako bigla sa sinabi niya.

Pera ang price.

"Huy bat ang tahimik mo?" tiningnan ko lang siya.

Mukhang naguguluhan siya kung bakit ang tahimik ko. Madalas kasi inaaway ko siya.

"Weirdo" napaharap ako sa sinabi niya.

"Pinanganak ka ba para inisin ako?" tanong ko sa kanya.

"Ayun nag salita din" sabi niya at pumalakpak.

Umirap nalang ako.

"Sungit mo naman"

"Paki mo ba?"

"Hmmm tatanongin nalang kita"

Humarap ako sa kanya na parang nagtataka.

"Sino first love mo?"

"Bat mo naman natanong"

"Wala parang nasa getting to know each other stage tayo. Tas next stage tas next tas next--aray!" pinalo ko siya bigla.

Daming sinasabi.

"Dahan dahan lang kayo dyan!" rinig naming sigaw sa labas.

"Tsk tsk tsk yan kasi"

"Ako pa talaga sinisi mo ah"

Tumingin lang siya sakin. Nakatingin lang siya sakin at di nagsasalita. Umiwas nalang ako ng tingin.

"First love ko sinukuan ako" sabi niya.

Nanahimik nalang ako.

"Ikaw?"

"Anong ako?"

"Sinukuan ka din ba?"

Nginitian ko lang siya.

(Now playing - Run Away)

Say it's true
There's nothing like me and you
I'm not alone
Tell me you feel it too

"Never pa kong na fall"

Napaupo siya ng maayos.

"Di nga?"

"Oo nga"

"5, 4, 3, 2--"

Narinig na namin silang nag c-countdown. Hala ang bilis. Bumukas yung pinto bigla akong hinarap ni Gray sa kanya at hinalikan.

Cause I am falling inlove with you
No never ever I'm never gonna stop falling inlove
With you

Narinig ko ang hiyawan ng ibang tao sa nakita nila. After 5seconds humiwalay sakin si Gray at nginitian ako. I should be beating him up right now pero parang di ko magalaw ang katawan ko.

Natapos na ang party at nakauwi na ko. Syempre nakuha ko yung pera. Nakatingin lang ako sa bubuong  nang biglang nag vibrate yung phone ko.

From: Unknown

Goodnight ;  )

Hala sino toh. Di ko siya nireplyan. Baka kung sino yan. Pipikit na sana ako nang mag vibrate ulit yung phone ko.

From: Unknown

Save mo no. ko
P.S Pinakapoging Gray toh

Next Chapter...

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon