Kaway kaway sa mga ARMY dyan na team bahay sa wings tour
***
April Yu's
P.O.VBumalik na kami sa cabin namin pagkatapos sabihin yung mga dapat naming gawin. Inayos na namin yung mga gamit namin.
"Tara na mag dinner na tayo" sabi ni Ate Angie.
Nag bihis na ko saka lumabas. Blue t-shirt, maong shorts, saka nike shoes yung suot ko. Nag high pony din ako. Lumabas na kami and sakto talaga kahit kelan yung labas nung mga boys.
"Destinied talaga tayo" sabi ni Kuya Alex saka lumapit kay Ate Angie.
Psh mag b-break din kayo! Oo na bitter ako. Sabay sabay kaming pumunta sa gitna. May mga table dun at may handa. Kumuha na kami ng pagkain saka naghanap ng mauupuan. Ayun kasama namin yung mga boys.
"Excited na ko bukas" nakangiting sabi ni Violet.
"Excited nang matalo?" tanong ni Gray.
"Excited nang isubsob sa pag mumukha niyo yung flag niyo sa kamay namin"
"I'm also looking forward to that. Mahahawakan namin ang flag niyo"
"I'll see you try"
"Oh you will see me win"
"Wag masyadong mataas ang pangarap"
"Ikaw din"
"Akin maabot, sayo hindi"
"Nakakasiguro ka ba dyan?"
"Nakakasiguro talaga"
"Nakakasiguro akong panis na yang pagkain niyo bago niyo makain" sabi ni Zay kaya kumain nalang sila.
Natahimik din. Napaharap ako sa katapat kong si Austin. Patapos na siya. Bilis ah, takaw kasi.
"Ako pa matakaw" sabi niya sakin.
"Mind reader talaga"
"Kausap ka?"
"Sino ba yung sinabihan kong matakaw?"
"Eh ikaw kasi eh! Ako kasi nauna sa chichirya na yun"
"Tama na, ikaw Austin inaaway mo nanaman si April" sabi ni Ate Angie kaya nginisian ko lang si Austin.
Nang matapos kaming kumain nag sibalikan na kami sa mga cabin namin. Nag ayos na kami at natulog. Kailangan ready bukas.
***
"Gising na!!" napaupo ako sa sigaw ni Violet.
Bwiset takpan ko kaya ng packing tape yan bibig niya. Naligo na kami saka nag ready para sa paintball fight. This is gonna be fun. Nag breakfast na kami tas pumunta sa gitna.
"Ok everyone gagawa muna tayo ng mga flag niyo" sabi ng teacher namin.Gumawa na kami ng mga flag. Natapos na kami sa pag gawa ng flag. Maya maya nag start na yung game. Ang saya ng mga laro kahit di kami nanalo pero ok lang.
"Ok sa next game natin ay paintball fight. Kumuha na kayo ng mga gamit niyo at mag ready na pagkasabi ng go mag hihiwalay hiwalay na" sabi ng nag l-lead samin.
"This is gonna be fun" sabi ni Violet nang maayos niya na gamut niya.
Mukhang alam ko na kung ano yung gusto niyang mangyari at excited. Babarilin niya si Gray for sure. Yun lang naman karibal niya na gusto niyang patayin eh.
Maya maya nag simula na ang laro. Nag hiwa-hiwalay na kami. Nang may nakita akong player kinausap ko siya dejk syempre binaril ko siya gamit yung paintball gun.
(A: di ko alam kung anong tawag dun basta yung baril na ginagamit pag naglalaro ng paintball fight)
Nag ikot ikot ulit ako. May nakita ulit akong player at di na ko nag dalawang isip na barilin siya nang makita ko kung sino siya.
"Ay sorry Austin nabaril kita" sabi ko at tumawa pa.
Tiningnan niya naman ako ng masama. Tawa lang ako ng tawa--
Pack!
"Tawa ka pa haha" pag harap ko sa likod ko nakita ko si Gray na tawa ng tawa.
Bwiset nabaril tuloy ako. Dahil sa kakatawa niya di niya napansin na nasa likod niya si Violet.
"Tawa pa" humarap si Gray kay Violet at ayun binaril siya.
Tawa din ng tawa si Violet kaya ayun nabaril din siya ng isa pang player. And that player was kuya Alex.
"Yay thanks kuya" sabi pa ni Austin at Gray.
"Your welco--" di natuloy ni Kuya Alex yung sasabihin niya kasi may bumaril sa kanya.
"Yey ate angie" sabi ni Violet.
Si ate pala bumaril sa kanya. So nabaril kaming apat at si Ate Angie natira. Nag sibalikan na kami.
"Ate?" nag taka ako kasi nandito si Ate Angie.
"Nabaril ako" sabi niya.
"Hahahahaha" napaharap naman kami kay Gray na tawa ng tawa.
Kung maka tawa toh kala mo walang bukas. Tiningnan naman siya ni Ate Angie ng masama kaya nanahimik siya pero maya maya tumawa ulit.
"Makalunok ka sana ng lamok" sabi ni Violet.
"Ikaw ang makalunok"
"Try mo kaya"
"Shut up. Alam ko na kung saan toh papunta kaya shush!" utos ko sa kanila at sumunod naman sila.
Hinintay nalang namin yung natitirang players. Nasan kaya si Zay at Nathan.
Zaylee Park's
P.O.V.Babarilin ko ba siya. Kaibigan ko pa din siya. Katapat ko si Nate ngayon at parehas kaming nakataas ang baril at nakatutok sa isa't isa.
"Barilin mo na ko" sabi niya.
"Ikaw nalang" sabi ko.
Walang sumunod ni isa samin. Bigla niya nalang tinaas ang baril niya at bumaril kaya napapikit ako. Wala akong naramdaman na paintball kaya dumilat ako. Sa iba nakatutok yung baril niya kaya sinundan ko yun ng tingin. May iba pala siyang player na binaril. Pagkaalis ng player humarap ako sa kanya. Aba iniwan ako. Umalis nalang din ako.
Natapoos na din yung game dahil tapos na yung timer. Isa ako sa mga timer.
"Nice Zay" sabi sakin ni April pagkabalik ko saka nakipag hi-5 pa sakin.
Napatingin ako kay Nate at nginitian niya ko kaya nginitian ko din siya pabalik. Nag ayos na kami dahil tapos na yung games sa araw na ito.
Gabi na at pumunta kami sa may fireplace. May camp fire kami ngayon. Nag kantahan ng kami saka nag kwento ng spooky stories bago bumalik sa cabin namin at natulog.
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
When The Guys Meet The Girls
Teen FictionPayapa ang buhay nila pero pagdating ng girls mukhang magkakaroon ng world war Three simple guys met three simple girls whats the problem? They hate each other The girls hate the guys and vice versa Pano kung dahil lang sa isang project ay magkaba...