Chapter 18: Cellphone

174 7 0
                                    

Nathan Lim's
P.O.V

Sa wakas tapos na din kaming mag bantay. Nakaalis na din ako sa bahay na yun. Pumunta ako sa mall. Di ko alam pero dinala ako ng mga paa ko dito. Pumunta ako sa bentahan ng cellphones.

"Goodmorning Sir, may I help you?" may lumapit saking babae.

Nginitian ko lang siya at tumingin sa mga cellphones. Ano kayang maganda?

Nang makapili ako binili ko yun. Pagkatapos umuwi na ako. Tiningnan ko pa yung phone sa binili ko at napangiti.

Zaylee Park's
P.O.V

Anak ng tokwa talaga. Napakamalas ko. Pano ba naman eh nalaglag yung phone ko nabasag yung screen. Bwiset.

"Hoy asungot mukha kanina pa kita kinakausap" napaharap ako kay Ate Zia.

"Bakit ba?" tanong ko.

"Sabi ko inutusan ka ni Nanay may saing" sabi niya sakin.

Bumaba na ko sa kusina para mag saing. Maya maya bumaba na din si Ate Zia.

"Bat busangot ka dyan?" tanong ni Ate Zia.

"Eh kasi naman ate nabasag yung screen ng cellphone" malungkot kong sabi.

Bigla namang tumaya ng malakas si Ate Zia. Bwiset toh, pinagtawanan pa talaga ako. Tinapos ko na yung sinaing ko tas bumalik sa kwarto. Tinapos ko nalang yung mga assignments ko.

Kinabukasan maaga akong pumask ng school. Pumunta ako sa library. Gosh ang lamig! Bakit ba kasi abot hallway yung aircon. Wala pa naman akong jacket. Umupo na ko saka nag basa basa.

"Aga aga nandito ka" biglang umupo sa tapat ko si Violet.

"Eh ikaw, bakit ka nandito? Akala ko ba allergic ka dito?"

"May exam no choice"

"Eh si April"

"Bahala siya kung ayaw niya mag review basta ko gusto kong makapasa"

Nag review review na kami. Bumalik na din kami sa classroom pagkatapos nun. Naabutan namin dun si April na nakatulala sa labas.

"Problema?" tanong ni Violet pagkalapit namin kay April.

"Babagsak ako test" sabi niya.

"Sino bang di nag review?" pang aasar ko.

Tiningnan niya lang kami ng masama. Dumating na si Ma'am kaya bumalik na kami sa upuan namin.

"Ok class next week magkakaroon tayo ng camping. May mga activities duon. Di naman required na sumama kayo pero may additional points dun. Ms. Yu, Ms. Kim, Ms. Park, Mr. Kang, Mr. Lee, and Mr. Lim kailangan niyong sumama" sabi ni Ma'am.

Eto nanaman kami nanaman ang nakita psh. Nag start na yung test namin. Madali lang naman dahil nag review kami ni Violet. Goodluck nalang kay April.

Pagkatapos nun lunch na. Pumunta na kami sa canteen. Nag order na kami at umupo sa usual seat namin.

"Looks magkakasama nanaman tayo next week" sabi ni Gray pagdaan nila sa table namin.

Tumayo naman si Violet at nag cross arms.

"Lagi naman tayong magkakasama diba?" sabi ni Violet.

"So gusto niya palang magkakasama tayo?" tanong ni Nathan.

Napatayo naman ako.

"Kapal ng mukha mo ah. Common sense naman diba? Nasa iisang school tayo kaya magkakasama tayo" sabi ko.

"Di naman ikaw kausap eh"

"Di din naman ikaw kausap ni Violet diba" sabi ko.

"Pwedeng bang umalis na kayo. Privacy please" sabi ni April at tumayo.

"Privacy? Alam mo pala yun?" tanong ni Austin.

"Edi sana di ka nag thank you sakin nun" napatahimik si Austin sa sinabi ni April.

Di ko talaga maintindihan ang problema nito. Minsan bati minsan magkaaway.

"Sumama ata yung hangin lets go nalang" sabi ko at umalis.

Sumunod naman yung dalawa. Narinig namin nag tawanan yung mga lalaki. Napatigil bigla si April.

"Bakit?" tanong ko.

"Di ako papayag na pagtawanan tayo"

I think alam ko ang iniisip niya. Lumapit kami sa tatlo. Tumapat ako kay Nathan, si Violet kay Gray, at si Austin kay April. Maya maya sinipa namin sila sa birdy nila.

"Shit!" napamura sila sa sakin.

Nag apir naman kaming tatlo saka iniwan yung tatlong nakahiga sa sahig sa sobrang sakit.
"That was epic" nag tatawanan kami nina April habang nag lalakad.

Its really fun to have these kinds of friends, nakakatuwa. Nag bell na kaya bumalik na kami sa classroom. Pag balik namin ang sama ng tingin samin nung tatlo. Haha.

After ilang hours natapos na din ang klase namin.

"See you later" sabi sakin ni April.

Pumunta na ako sa library habang sila dire-diretso sa auditorium. Pagdating ko nakita ko agad si Nathan na ang sama ng tingin sakin. Umupo lang ako sa tapat niya.

"Lets start" nakangiti kong sabi.

"Tsk" yun lang ang narinig ko sa kanya.

Nag start na kaming mag review. Di tulad ng dati walang masyadong bangyayan. Di ako sanay pero ok na din. Natapos na din ang one hour naming pag rereview.

"Una na ko" sabi ko habang nililigpit ko ang gamit ko.

"Teka" hinawakan niya ko sa wrist niya kaya napaharap ako sa kanya.

Binitawan niya ko tas may nilapag na box sa table. Cellphone!

"P-para saan toh?" tanong ko.

"Basta kunin mo na yan. Sige alis na ko" sabi niya at tumayo.

Bago pa siya makalayo hinabol ko na agad siya.

"Nathan wait" humarap siya sakin. "Uhm...s-sorry ah sa kanina saka thank you. Pangalawang beses mo na toh ginawa sakin at di ko alam bakit"

"Wala yun at trip ko lang talaga yun. At nga pala, Nate nalang ang itawag mo sakin"

"Diba close friends mo lang ang tumatawag sayo niyan?"

"Pwede ba tayo maging friends?"

"Hmmm...sige na nga" sabi ko.

"Friends"

"Friends"

Wow. Friends na kami ni Nathan este Nate. Pagkaalis niya bumalik na ko sa table ko. Binilhan niya pa ko ng phone. Una uniform ngayon phone. Naalala ko tuloy nung natulog kami kina April. Siguro nung nakita niya yung phone ko nun. Napangiti naman ako.

Next Chapter...

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon