April Yu's
P.O.VMonday ngayon. Pinilit kong pumasok kahit ayaw ko. Duh may punishment kami diba. Hays bwiset.
Pagpasok sa school nandun na yung tatlo at si Zaylee. Nang makita ko si Austin nginitian ko siya. Naalala ko nung nailigtas niya ko. Pero di ibig sabihin nun magkaka ayos na kami ah! No way.
"Oy anong ngiti yan? Nginingitian mo si Austin ngayon ah" pang aasar ng bruhang katabi ko.
"Hindi noh" sabi ko nalang.
Di ko sa kanya kinuwento yung nangyari kahapon. Na trauma na kasi ako.
Natapos ang klase namin agad. Whaaa! Tapos na yung klase ibig sabihin yung punishment naman. Pumunta na kami sa auditorium.
"Ok first sa stage muna. Lilinisin. Sunod eto kung nasan tayo. Then pipinturahan tapos lalagayan ng halloween decor" pag e-explain ko sa kanila.
"Bakit ba lagi kang nag f-feeling leader?" tanong sakin ni Nate.
"Edi try mo din para di ka mainggit" pambabara ko sa kanya.
Kinuha na namin yung mga walis at kung ano ano pang pang linis at nag simula na kami.
"Violet ano ba! Kita mong nandito ako dito mo winawalis!" inis na sabi ni Zaylee.
"Ay nandyan ka pala sorry" sabi naman ni Violet.
"Ugh! Eh kung walisin ko kaya yan sayo"
"Sorry nga diba"
Tiningnan ko yung tatlong lalaki halatang na pipigil ng tawa. Pinagpag ko na at hinipan yung mga alikabok sa mga ibang gamit na nandun.
"Ano ba ingat naman!" napaharap ako kay Austin, sa kanya ko pala nahipan.
"Oops sorry" sabi ko at tinalikuran siya.
"Ah!" napasigaw ako kasi nabasa ako ng tubig.
Napaharap ako kay Nathan. Yung basahan ba naman tinalsik sakin yung tubig.
"Namumuro ka na ah!" sigaw ko sa kanya.
"Ay nandyan ka pala" sabi ni saka tumawa.
Lumapit ako tas binasa din siya. Nagkatinginan kami ng masama. Then…nag basaan kami.
"Ah! Ano ba!"
"Ikaw nauna!"
"Hahaha yan basang basa ka na!!"
"Parang siya hindi haha. Eto pa!"
"Ay! Lintik ka!"
"Tama na nga!" napaharap kami kay Austin. "Para kayong mga bata!"
Tinuloy nalang namin ang mga ginagawa namin. Pero di talaga maiiwasan ang bangayan.
"Hahahaha yung itsura ni Violet haha" napaharap naman ako kay Violet.
Punong puno ng dumi yung mukha niya. Si Gray naman halos maiyak na kakatawa.
"Ano nanaman!" inis na sabi ni Violet.
"Y-- hahahahaha intura hahahahahah" di ko maintindihan sinasabi ni Gray.
Lumapit naman si Violet sa bag niya. Kinuha niya yung salamin niya.
"Ugh!" inis na sabi niya nang makita niya itsura niya.
Pinunasan niya sarili niya bago lumapit kay Gray. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Gray. Pagkatanggal niya ng kamay niya may dumi din si Gray sa mukha.
"Hahaha!" di ko mapigilang tumawa.
"Huh?" hinawakan ni Gray yung mukha niya at nakitang may dumi.
BINABASA MO ANG
When The Guys Meet The Girls
Fiksi RemajaPayapa ang buhay nila pero pagdating ng girls mukhang magkakaroon ng world war Three simple guys met three simple girls whats the problem? They hate each other The girls hate the guys and vice versa Pano kung dahil lang sa isang project ay magkaba...