Chapter 22: Two Truths, One Lie

165 6 0
                                    

Gray Lee's
P.O.V

Day two na ng camping ngayon. Excited na ko sa mga games.

"Hoy gago ka Gray ano toh?" sabi ni Austin at lumapit sakin.

Pinakita niya yung picture nila ni April na nasa phone ko.

"Picture" pagkasabi ko nun binatukan niya ko at lumabas kasama yung phone ko.

Pagkalabas ko nakita ko siya hawak hawak din ang phone niya.

"Pinapasa mo noh? Yiee" pang aasar.

"Siraulo. Dinelete ko, nag text kasi Mama" sabi niya sabay abot sakin ng phone ko.

Aba dinelete nga sayang naman ipopost ko sana. Nag ready na kami para sa games.

***

"Nakakapagod" sabi ni Nate pagkatapos mag palit ng shirt.

Kakatapos lang ng games namin.

"Congrats to us kahit isa lang napanalunan natin" sabi ni Kuya Alex.

"Inuman na!" sigaw ni Nate kaya binatuhan ko siya ng unan.

Baliw talaga. Nag handa na kami dahil matutulog kami sa labas. Camping na talaga. Lumabas na kami ng cabin at sakto pa sa paglabas ng girls.

"Tadhana nga naman" sabi ni Ate Angie at nag cling sa braso ni Kuya Alex.

Loko talaga yung dalawang lovebirds na yun iniwan ba naman kami.

"Tsk mang iiwan" bulong ni Austin.

"Humuhugot ka?" tanong ni April.

"Kinakausap ka?" sabi ni Austin at nauna na.

Sumunod naman si April kaya sumunod na din yung dalawang babae. Syempre para di kami maiwan sumabay na kami. And again sabay sabay kaming maglakad. Kung sino pa talaga yung mag kaaway sila yung sabay sabay na naglalakad.

Nang makadating na kami sa camp fire pumwesto na kami. Syempre magkatabi lang pwesto namim. Inayos na namin yung mga tent namin.

"Ok guys bago matulog maglalaro tayo ng two truths one lie. Magsasabi lang kayo ng dalawang totoong statements at isang statement na di totoo. Di na huhulaan kung alin ang truth o lie bahala na si manghula sa isip nila" sabi ng guide namin.

Nag start na ang game. Sinasabi na nila yung mga truth at lie nila. Nag isip naman ako ng sasabihin ko. Tumayo si Zaylee dahil turn na niya.

"May secret best friend ako. Mayaman kami. Tatlo kaming magkakapatid" sabi nita saka umupo.

Secret bestfriend? Di ko alam yun. Lie yung mayaman sila kasi scholar siya dito at wala pa siyang pambili ng uniform. So meaning truth yung dalawa. Tatlo silang magkakapatid. Sino kaya yung bestfriend niya? Sumunod naman etong demonyong babaeng toh.

"May demonyo dito" nakangiti niyang sabi.

Nag tawanan naman ang ibang estudyante. Humarap siya sakin saka ngumiti. Alam kong ako yung tinutukoy niya. Pwes mas demonyo siya.

"May kuya ako. Parangarap kong maging doctor"

Lie yung gusto niya maging doctor. Alam kong may kuya siya. Oy di ako stalker nakita ko lang sa fb. Sumunod naman si April.

"May nagkakagusto sakin. May kilala akong tao na di pa nakakamove on sa ex siya. I like the color yellow"

Di ko alam sa dalawa pero parang si Austin yung pangalawa. Wala naman siyang sinabing kaibigan niya ito. Sumunod na si Nate.

"Uhm may mga kapatid ako. May binigyan ako ng phone. May binigyan ako ng uniform" yun lang ang sinabi niya at umupo.

Kapatid? Lie yun kasi wala siyang kapatid. So truth yung dalawa. Sino kaya yung binigyan niya ng phone? Sino din yung binigyan niya ng uniform? Ay ako na pala. Tumayo na ako para sabihin yung two truths, one lie ko.

"May aswang dito" natawa sila sa sinabi ko.

Tiningnan naman ako ng masama ni Violet. Alam niyang siya ang tinutukoy ko.

"I like pizza. I play with girls"

Lie yung I play with girls. Sinasabi ko sa kanila na hanggang flirt lang, no strings attached. Di ko na kasalanan kung minahal talaga nila ako. Sa una palang sinabi ko na sa kanila. Sumunod naman si Austin.

"I haven't moved on yet. Someone is trying to help me. Gusto kong magpatayo ng coffee shop paglaki ko" yun lang ang sinabi niya at umupo.

Alam kong di pa siya nakaka move on kay Haily. Di naman coffee shop at gusto niyang ipatayo pag laki so lie yun. Sino naman yung tumutulong sa kanya? Napatingin at kay April and she's smiling. Weird.

Natapos na din yung laro at nag ready na kami para matulog. Pero di ako makatulog kaya umupo ako. Tulog na silang lahat except sa babaeng nakaupo malapit sa lawa. Teka baka multo yun. Nilapitan ko siya at nang makita ko na di siya multo mas lalo akong natakot. Aswang pala.

"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong niya sakin.

"Sungit. Common sense naman, Violet. Syempte nakatayo baka tulakin mo ko pag umupo ako eh"

"Tsk. Umupo ka na" sabi niya at umusog ng konti.

Medyo maliit lang yung log na inuupuan niya kaya may tendency na magkakabungguan kami ng siko. Tahimik lang kaming nakatingin sa langit.

"Ang ganda noh. Ang daming stars" sabi ko pero tahimik lang siya.

Napatingin ako sa kanya at nakatingin din sa langit.

"Ok ka lang?"

"Bakit mo ba ko kinakausap?"

"Bawal ba?"

"Kaaway kita diba?"

"Di naman ibig sabihin nun di na tayo pwedeng mag usap"

Inirapan niya ko kaya pinitik ko siya sa noo.

"Ano bang problema mo?"

"Lagi mo na kong iniirapan"

"Bawal ba?"

"Bawal"

Inirapan niya nanaman ako kaya pinitik ko siya sa noo. This time pinalo nita din ako sa kamay.

"Gusto mo lang hawakan kamay ko eh" sabi ko.

"Ang hangin"

"Gabi kasi kaya mahangin"

Umirap nanaman siya.

"Pangatlong beses mo na kong inirapan ah. I love you na ba yun"

"Baliw ka ba?"

"Kung oo ano gagawin mo?"

"Ipapadala ka sa mental"

"Tas ikaw nurse ko"

Inirapan niya ulit ako.

"Silence means yes"

Umirap nanaman siya.

"Lima na. I love you so much"

"Baliw ka ba natutulog na nga ko"

"Oy Violet teka" hinawakan ko siya sa kamay kaya nagulat siya at napaharap sakin.

Nagulat din ako kaya binitawan ko agad ang kamay niya.

"Sige matutulog na din ako. Sweetdreams" sabi ko bago umalis at natulog.

Hinawakan ko ba talaga kamay niya. Teks bakit big deal yun sakin kamay lang naman atleast di ko siya nahalikan.

So may balak kang halikan siya. Bulong ng maliit na boses sa utak ka.

Baliw wala. Hays makatulog na nga lang.

Next Chapter...

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon