April Yu's
P.O.VAng init. As in tirik na tirik yung araw. Ang sakit pa sa balat. May fire drill kasi kami ngayon at super init. Nakapila pa kami sa labas. Torture na toh eh. Napatingin ako kay Zay na nakangiti pa. Problema nito at nakangiti pa.
"Hoy babae! Problema mo? Kita mong hirap na hirap kami sa sobrang init tas ikaw chill lang"
Inirapan niya lang ako sabay ngiti. Nababaliw na ata toh.
"Hays ang init" sabi ko.
Tiningnan ko si Violet na ngayon nakapayong kasama si Gray. Ganon? Si Gray hinayaan niya makisilog habang ako hindi. Anong klaseng kaibigan?
Nanahimik nalang ako ako habang nakahawak sa ulo ko. Why?! Nagulat ako nang biglang may naglagay ng twalya sa ulo ko. Pagtingin ko sa gilid ko nakita ko si Austin.
"Ano toh?" tanong ko habang hawak hawak ko yung twalya na nilagay niya sa ulo ko.
"Basta ilagay mo na para di ka mainitan" sabi niya at inayos yung twalya sa buhok ko.
Problema nitong lalaking toh parang biglang bumait. Natapos na yung drill at nag si-balikan na kami sa classroom namin. Lumapit ako kay Austin na pawis na pawis. Ginamit ko yung twalya na binigay niya at pinunas sa noo niya.
"Thanks"
Nginitian niya lang ako. Bigla akong nakaramdam ng kung ano nang ngumiti siya sakin. Babalik na sana ako nang hawakan niya yung kamay ko.
"Bakit?"
"Dito ka muna may tatanong lang ako"
"Uh ok" sabi ko at sinunod siya.
Tahimik lang kaming dalawa. Seconds later nag salita na din siya.
"Do you happen to know a guy by the name James?"
Pano niya nalaman yung pangalan ni James? Di ko maalala na nag kwento ako ng bagay tungkol dun.
"Bakit?"
"May kakilala ka nga?"
"O-oo"
"Ka ano ano mo siya?"
Di ko siya sinagot at tiningnan lang. Ano bang problema nito at binibring up yung topic about sa ex ko.
"Di ko yan kailangan sagotin" tatayo na sana ako nang hilahin niya ko paupo.
"Ka ano ano mo siya?" he asked the same question.
"He's--"
"April tara lunch na tayo" biglang dumating si Violet.
Thank God at dumating siya.
"Ah oo t-tara na" umalis na ko sa room at iniwan si Austin.
I'm trying to avoid him dahil sa topic na yun. Pumunta na kami ng canteen at umupo sa table namin. Nandun na kaming lahat except for Austin.
"Pansin kong mas nagiging close kayo ni Austin ah" sabi sakin ni Violet.
"Oohhh" panay asar naman sila lalong lalo na sina Nate at Gray.
"Talaga? Tulad kayo ni Gray na mas nagiging close na--ay nag kiss nga pala kayo" sabi ko at nakangiti.
Natahimik si Gray at Violet. Tumingin ako sa kanilang dalawa. Nakayuko si Violet habang si Gray namumula.
"Kayo naman Zay. Kamusta ang paghatid sundo sayo ni Nate. Mukhang nag e-enjoy kayo at nakangiti" sabi ko sa dalawa at natahimik din sila.
Tsk tsk tsk ano wala kayong masabi noh. Yan kasi asar pa. Kumain nalang ako nang biglang may pumasok sa canteen. Since lahat ng tao nakaupo dahil pagod all eyes dun sa taong pumasok.
Pag angat ko ng ulo ko nakita ko si Austin. Papalapit siya sa table namin. Bigla akong kinabahan na kung ano.
"Austin nandito ka na pala hehe" sabi ni Gray at pinaupo si Austin.
"Tara kain na ulit" sabi ni Nate.
Kumain na kami. This time ako naman ang natahimik. I'm trying to avoid the topic about James.
"April" pagtawag sakin ni Austin.
Tumingin yung apat kay Austin at sakin. Nakayuko lang ako.
"Ka ano ano mo si James?" pagkasabi niya nun nabitawan ni Violet yung kutsara niya.
Tumingin siya sakin at halatang gulat na gulat na kilala ni Austin si James. Maski ako gulat na gulat nang malaman yun.
"Kilala mo si James?" tanong ni Austin kay Violet.
"H-hindi naman nagulat lang kasi kapangalan niya yung first boyfriend ni April" napatingin ako bigla kay Violet na biglang tinakpan yung bibig niya.
"Aww! Ang sakit ng ulo kailangan ko atang pumunta ng clinic diba Gray masakit ulo aww inuntog mo kasi ako eh tara na Zay samahan mo ko sa clinic" sabi ni Violet at umalis sila ni Zay. Tinapik niya sa likod si Gray bago makaalis.
"M-may naiwan nga pala kami ni Nate sa rooftop tara Nate kunin natin" sabi ni Gray sabay hila kay Nate paalis.
"Ano yung naiwan natin?" tanong ni Nate.
"Basta" sabi ni Gray bago sila makalabas ng canteen.
Kaming dalawa nalang ni Austin natira.
"Ex mo pala" sabi ni Austin at kumain.
Nanahimik lang ako. I don't feel confortable talking about my ex.
"May kilala kang Haily?" tanong niya sakin.
"Haily? Narinig ko na yun somewhere? Yun yung pangalan ng ex mo diba?"
"Oo"
"Anong meron sa kanya?"
"Niloko niya ko 2yrs ago. I didn't know na may boyfriend na siyang iba at boyfriend niya na yun for 4yrs"
Just like James. May girlfriend na pala siya nung shinota niya ko.
"Si James yung boyfriend niya"
Nanlaki ang mata ko.
"How sure are you na yung ex kong si James ay yung James na boyfriend ni Haily?"
"Remember nung Halloween Party. Nung pauwi na tayo may napansin akong lalaki sa labas. Madilim pero sinisiguro ko si James yun. Nakilala ko na si James nun nung iniwan ako ni Haily. Kasama niya si James nun. Nagtaka ako kung bakit siya nandun nang maalala ko yung sinasabi mong ex mo. Nahalata ko din na ikaw ang tinitingnan niya. So I figured out na siya yung ex mo"
It took me a while bago mag sink in ang lahat ng sinabi niya.
"So anong sinasabi mo na tayong dalawa ay niloko lang ng dalawang yun?"
"Ganon na nga. Mukhang masama ang balak ng dalawa"
Tumahimik lang ako. Jusko ano bang nangyayari.
"What's worse is that he's following you"
"Huh?"
"Nakita ko din siya nung isang araw sa labas ng school" bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
Hinawakan niya yung kamay ko.
"Don't worry di kita hahayaan masaktan ng dalawang yun"
Tumayo na kami at lumabas ng canteen.
Di niya binitawan yung kamay ko.
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
When The Guys Meet The Girls
Teen FictionPayapa ang buhay nila pero pagdating ng girls mukhang magkakaroon ng world war Three simple guys met three simple girls whats the problem? They hate each other The girls hate the guys and vice versa Pano kung dahil lang sa isang project ay magkaba...